Chapter 9

4.2K 206 6
                                    

"GoodDay everyone! I'm so glad to hear na maraming nag-enroll ngayong year. Mostly Age 15, well age 15 naman talaga ang tinatanggap rito pero may isang pumukaw ng pansin ko. I know na maraming hindi makakapaniwala na makakahabol siya sa pagpasok sa Academy na 'to. Lady Feya Shien Amberflyer, I would like to invite you here on stage," bungad niya.

'Teka... Welcome ceremony ba ito o talk show?'

Lumapit naman ako sa harap at nakabuntong hininga nalang.

" Hahakbang na sana ako ng mapansin ang isang lubid sa sahig, kaya sinubay ko ng tingin ang lubid at nakita ang invisible container sa itaas ng ulo ko. Hindi ako ininvite rito sa harap para ipakilala sa lahat kun'di ipahiya sa unang pasok ko.

Mukhang galit na galit sa'kin rito maging ang mga teachers, paano hindi magiging galit sila kung nasa sa akin ang pabor ng hari ng Zahra kingdom. Kilala rin ako bilang suwail at walang pusong anak dahil nagawa kong ipakulong ang aking mommy. Tsk!

Hindi ako humakbang at ngumiti sa Head Mistress ng school.

"Bakit hindi ka nalapit. Lumapit ka rito," pagunlak niya kaya nilapad ko ang aking labi at napahiyaw, nagkunwaring masakit ang binti.

"Aw! May kung anong kumagat sa binti ko, hindi ako makalakad," daing ko at mabilis na kinurot ang binti ko para mamula. Nagpanic naman ang Head Mistress kaya lumapit sa'kin.

"Gotcha!" aniko ng matapakan niya ang lubid.

"Wuah!" sigaw niya habang nabuhos ang malagkit na likido sa katawan niya. I guess slime na mahirap tanggalin sa katawan.

Nagkagulo naman ang lahat kaya humakbang ako papunta sa microphone. "Good Day, Ladies ang Gentlemen. As for now nakikita naman natin na nagkakagulo ang Head mistress at Admins kaya hindi na kayo mabibigyam ng leksyon. Maaari na kayong malibot sa loob ng academy. Goodluck for your first day," paunang salita ko bago bumababa ng stage.

'Hyst! Bakit kasi hindi nalang ako naging demonyo. Pangarap ko kaya yon! Biruin niyo walang restrictions doon, pwedeng pumatay, at higit sa lahat makakalaban mo ang mga pabidang galing sa mabubuti kuno at sasabihing Power of Friendship!'

Nag-umpisa akong maglakad at ipinagulong ang maleta ko. Nakakamangha ang mga straktura rito, para akong nasa greece na may pagaka-slight na advance technology. Pumunta naman ako sa accounting office para magtanong ng dorm ko.

"Ito po." Inilahad niya sa'kin ang isang papel na nakasobre.

'Feya Shein Amberflyer

Dorm 402

Grade: First Grade

Category: Guardian 

Section: Divine Magic

Ranking: Class C- 100

"Kahit Divine ang section ko ay pagdating sa ranking ay ako ang pinakamababa, Aish!" 

Napakamot ulo nalang ako at naglakad papunta sa nasabing dorm ko. Nang makarating ako sa Room 402 ay bumungad sa'kin ang mala-condominium unit. May Tatlong bed kaya malamang may ka-dorm mate ko. 

"Required bang makipaghalubilo sa school na 'to?" tanong ko sa isip ko dahil ang huling beses na nakipag kaibigan ako sa Earth ay pinaglaruan lang ako. 

Matapos kong maayos ang gamit ko ay may nagbukas ng pinto. Dalawang babae, isa ay mukhang inosente dahil baby face. Silver ang mata at medyo blue na hindi matingkad ang buhok. Samatalang ang isa naman ay Brown na wave ang buhok at violet ang mata. 

Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now