Chapter 23

2K 124 0
                                    


Everleigh's POV.

Matapos umalis nila Feya ay agad kaming umalis na Team A at ang leader ay si Stell talaga. Ang team B ay mabagal lang ang pagkilos at ang Team A ay mabilis. Actually hindi naman talaga ako kasali pero nadamay lang since wind ang attributes ko, at wolf ang spiritual pet ko. Nang malaman kong si Stell ang leader ay gusto kong umatras kaso gustong mapalapit ni Leia kay Stell kaya, wala akong magawa kundi maging matchmaker nila.

Hyst!! Paano ko ba sasabihin kay Leia ang history namin. I mean, bakit ako pa ang inaasahan niyang tumulong sa kaniya para mapalapit kay Stell.

"Pst! Everleigh, mamaya pagdating natin doon, pwedeng patirin mo ako malapit kay Stell. Please..." pagmamakaawa niya habang nakasakay sa big wolf ko.

"Leia, nasa mission tayo kaya hindi tayo pwedeng magbiro," pagtanggi ko.

Nang makarating kami sa pumwesto na sa pinakamalapit na bundok si Ivan Josh Lewis, ang assistant ni Prince Max at kaibigan ni Stell. Siya ang naka position para manipulahin ang security system, isa rin sa kasama niya ay ang may attributes na telekinesis upang maging secret messenger sa kilos namin.

'Makinig kayong lahat, nasa dungeon ng palasyo ang mga studyante, at nandito rin kami kaya mag ingat kayo. Hindi lang pala ang duke ang nasa likod ng lahat.' - babala samin ni Prince Xanthus gamit ang telekinesis.

"Kung mataas na ang security sa daanan palang ng City ay siguradong mas mahirap ang security sa palasyo," daing ko at halos kinakabahan na.

' Isa pa, may anti magic na naka cast sa dungeon kaya hindi kayo makakagamit ng mga attributes niyo. Mamili nalang kayo ng taong mag rerescue' - dugtong pa ni Feya.

" Wooh! Kaya natin 'to, " pagpapalakas ko ng loob nila. Nang mag send ng route si Ivan ay ang 5 sa team including me ang kumilos.

Sa West dungeon ang kulungan ng Team B habang sa East dungeon ang studyante.

"Stick to the plan," pagpapaalala ni Stell at tumango nalang kami habang natakbo.

Ang nadatnan namin ay ang kulungang binabantayan ng dalawang higanteng monsters. Mukhang hindi kami mahihirapan dahil bumubukas ang gate at gumagana gamit ang teknolohiya.

" Lorraine, magtago kalang rito, huwag kang lalabas hanggat hindi namin napapatumba ang monsters. Kung magka aberya man ay tumakbo ka agad at sabihan ang nasa labas," utos ni Stell pero hindi siya mukhang nag aalala  sa mangyayari dahil sa wala man lang emotion kaya baka sa tingin niya mahina ako. Tsk!

" Sino ka sa tingin mo para sabihan ako kung anong gagawin ko? " I murmured at napataray.

" Concerned lang ako sayo dahil nasa sayo pa ang divorce paper," sagot niya, buti nalang naiwan sa labas si Leia kung hindi malalaman niya. Aish!

"Alam ko naman kung bakit gusto mong ipagpawalang bisa ang divorce dahil yon sa... ang gusto mo lang ay makakuha ng suporta sa palasyo. Tsk! akala mo naman tataas katungkulan mo gamit ako," balang na sagot ko, tumitig lang siya ng masama then sumugod ng mag isa sa dalawang monster. Himalang kahit mag isa siya ay napatumba niya ng ganoon ka bilis.

" Wow! Ang galing talaga ni Master Stell, " papuri sa kaniya. Matapos niyang napatumba ang monster ay kahit puno siya ng dugo ay lumapit parin siya sakin.

"Mag usap tayo sakaling makalabas tayo rito ng buhay. Kung sakaling ikaw lang ay pakibasa nalang ng sulat na iniwan ko para sayo," aniya sa malamig na tono. Tsk! Napakacold mo! bakit ba ang daming nagkakagusto sa kaniya e, para ngang patay kung magsalita. As his wife, I suffered too much dahil yon sa wala na akong ibang nakita kundi pagpatay!

Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now