C ♡ 26

122 8 0
                                    

Adonis Pov

Nasa reception venue pa kami. Alas singko na ng hapon at hindi pa rin tapos ang party. Mukhang sasalubungin pa yata ang valentines. Dahil parang ngayon pa lang nag-uumpisa ang party.

"Ano ba yan Adonis parang di ka mapalagay jan sa upuan mo?" tanong ni Kieran sa akin.

"Tch! Anong oras ba matatapos ang party na ito?" inis kong tanong.

"Baka mamaya pa. Isasabay daw kasi ang valentines party."

"What?!"

"Bakit may lakad ka ba?"

"Kailangan ko ng umuwi. Baka hinihintay na ako ni Clara." sabi ko.

Naikwento ko na sa kanya si Clara kahapon, nalaman ko sa kanya na magkasama pala sila sa iisang company. Isa daw si Clara sa mga hinahangaan nyang babaeng novelist dahil nakapagsulat daw ito ng isang kwento na parang tulad sa buhay nya gayong hindi pa naman sila lubos na magkakilala.

"May date ba kayo ni Clara?"

"W-wala naman. Pero nangako ako na pupunta sa party nila."

"Ganon ba. Sige umalis ka na. Baka kapag mamaya ka pa aalis bukas ka pa makakauwi. Ako ng bahala pag hinanap ka ng ex mo. Tutal tapos na tayo sa shoots."

"Salamat." sabi ko at agad akong tumayo. Mabilis akong lumabas ng venue at puntahan ang sasakyan ko.

Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi ng laguna dahil dito baguio ang wedding place nila.

Habang nasa byahe, naisip kong itext si Clara.

Panget - sending message to Clara.

Halos paliparin ko na ang sasakyan ko para makauwi lang ako kaagad. Kung malapit lang ang wedding place. Kagabi pa sana ako umuwi para lang makausap si Clara.

"Lintik! Trapik pa." sa inis ko nahampas ko ang busina ng sasakyan ko. "Kainis!"

Ilang saglit lang ay umusad na ang mga sasakyan. Maya-maya sa NLEX na ako.

"Konti na lang.. "

♡ ♡ ♡ ♡

VALENTINES PARTY

Clara Pov

Malapit na mag alas dose ng hating gabi pero wala pa si Adonis. Nakailang ulit na kaming kumanta at ang iba ay nagsayawan na.

Nagtext nga hindi naman nagpakita.

"Ui bakla! Ano naman inemote-emote mo jan?" tanong ni Faith. Kasama nya ang boyfriend nyang si Theo. Ang tahimik na lalaki. Hindi magsasalita kapag hindi kinakausap.

Lumapit silang dalawa sa table ko. Ang table ko na nasa gitna ng plaza. Sila Hazel ang naglagay ng table ko dito. Special daw. Pero ang totoo, ako lang yata ang nag-iisang single sa plaza na ito kaya nag-iisa ang table sa pinaka gitna.

"Hay naku. Alam nyo na nga na single ako tapos ang table ko nandito pa talaga noh." dahilan ko.

"Ano ka ba bakla. Para sa inyo ni Adonis yan." sabi pa nya.

"Para sa aming dalawa? Eh kita nyo nga. Wala sya ako lang ang nag-iisa."

"Ano ka ba nak. Baka papunta na yun." biglang sabi ni papa. Di ko namalayan na lumapit sya at umupo sa upuan na dapat kay Adonis.

"Nakakahiya kasi pa. Pinagtitinginan ako ng mga tao." dahilan ko na naman.

"Ano ka ba bakla. Wala pa yang table na yan sa gitna pinagtitinginan ka na nila kasi ikaw ang nag-organize ng lahat ng ito."

"Anong ako? Tayong lahat."

"Kahit na. Si tito naman ang nag sponsor."

"Saka nak. Wag ka ng sumimangot.  Ngumiti ka." sabi nya at hinawakan ang dalawang pisngi ko para mapilitan lang ngumiti.

"Papa naman. Hindi na ako bata." sabi ko pa.

"Diba sabi mo ngayon ka na aamin kay Adonis. So ang dapat nating gawin, ay hintayin na lang sya. Tutal wala pa naman alas dose at mukhang nag eenjoy naman ang mga kapitbahay mo." paliwanag pa nya.

"Ano bakla. Isa pang kanta, para mawala yang emote mo. Masyado kang emotera sa suot mo." sabi pa nya.

"Mamaya na siguro." sabi ko pa.

"Teka! tawag tayo nila Hazel sa harap." sabi pa nya.

"Sige na pa. Dun muna kami sa harap." paalam ko sa kanya at tumayo na ako.

Agad kaming nagpunta ni Faith sa harapan kung saan naroon sila Hazel.

"Beshie bels.. Ano tuloy pa ba ang performance mo mamaya."

"Oo. Tuloy."

"Kahit wala sya?"

"Oo. Kahit wala sya. Ang mahalaga sa huli pa rin tayo kakanta."

"Pero deep inside malungkot." Sabi ni Hazel.

"Teka. Clara. Si Adonis yata yung dumating." biglang sabi ni James at nakangiti pa. Ang bakla naming kapitbahay na emcee ngayong gabi.

"Wag mo nga ako pinagloloko." Sabi ko pa.

"Hindi bakla. Si Adonis nga." sabi pa ni faith. Pero ayoko lumingon dahil baka niloloko lang nila ako. Nakatalikod kasi ako sa mga tao.

"Naku Belle. Tumingin ka nga. Couple kayo ngayon." Sabi pa ni Zora.

"Anong couple kami?" Tanong ko pa. Dahil pare-parehas naman kami ng kulay ng suot dito sa loob ng plaza.

"Couple. Parehas kayo ng style at kulay ng suot." Sabi pa ni Hazel.

"Naku. Pwede ba yun? Baka nagkataon lang." natatawang sabi ko pa.

"Lumingon ka kasi Beshie!" sabi pa nya kaya lumingon na lang ako.

Nainis ako sa kanila dahil wala naman talaga si Adonis. Bigla silang nagtawanan.

"Trip nyo ko?" Sabi ko sa kanila. Nainis talaga ako sobra.

"Eh paano kanina ka pa nakasimangot." Natatawa na sabi ni Faith.

"Hay naku. Ewan ko sa inyo trip nyo talaga ako." Sabi ko pa.

"Totoo na ito Belle. Nandyan na talaga si Adonis."

"Please tama na ang prank!" Inis kong sabi sa kanila.

"Hindi Clara. Totoo na. Si Adonis na talaga yun. May dalang bulaklak." Sabi pa nya pero hindi pa rin ako lumilingon.

"Ayieee... Nakakakilig beshie.."

"Belle. See what you get. Look." Sabi pa ni Zora at pinipilit nyang lumingon ako.

Muli akong lumingon na kinakabahan. Totoo nga. Si Adonis nga. Suot nya ay formal suit na red blazer na may puting polo sa loob at naka black pants. Parang kakagaling lang sa kasal at nakakwintas pa sa leeg nya ang camera, pero ang nagpakilig sa akin ay ang dala nyang bulaklak.

"Lapitan mo na." bulong ng mga kaibigan ko.

Muli akong tumalikod bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Oh bakit?"

"Nahihiya ako."

"Sus! Ngayon ka pa nahiya." sabi nila at tumawa.

"Parang ayoko syang lapitan eh."

"Pag wala hinahanap. Ngauong dumating ayaw lapitan." sabi la ni Zora.

"Nahihiya ako. Ang daming tayo nakatingin."

"Eh yung gagawin mo ba mamaya hindi ka ba mahihiya?" paalala pa nya maya bigla akong natauhan.

"Tama. Hindi nga dapat ako mahiya."

"Tama.... Yan ang sinasabing hushtag pumapag-ibig. Laban lang." sabi pa ni Hazel.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now