C ♡ 27

121 9 1
                                    

♡ VALENTINE'S PARTY ♡

Adonis Pov

Nagtext ako kay Clara, para isipin nya na darating ako sa valentines party mamaya. Kahit hindi siguradong makakaabot pa ako. Na miss ko sya kaagad. Parang pakiramdam ko ilang araw ko syang hindi nakita.

Hindi ako dumeretsyo sa bahay dahil alam kong wala naman sila Clara duon. Nakasabit sa leeg ko ang camera ko para kuhaan ng litrato ang gaganapin mamaya. At hindi mawawala ang flowers na binili ko ng may madaanan akong may bukas pang flower shop kahit gabi na. Ibibigay ko ito kay Clara.

"Pre! Nasaan ka na. Matatapos n ang party wala ka pa." sabi ni Jovert ng makapagpark ako ng sasakyan sa tabi.

"Nandito na ako. Sige na papasok na ako sa loob." sabi ko at binaba ko na ang tawag nya.

Pagpasok ko sa plaza ay pinagtinginan na ako ng mga kapitbahay namin na may kanya kanya ng table. Bawat table na naroon ay number at may pangalan at kung sino ang nakupo duon.

Ganon ka organize ang lahat. Nakakatuwa lang isipin na ang pangalan ko na nakasulat sa papel na natoon sa entrance, ay nasa number 14 at ang table and chair nito ay nasa gitna. Mukhang planado ang lahat.

"Adonis, buti nakahabol ka." sabi ni tito sa akin ng makaupo ako sa upuan ko. Malapit lang ang table nila sa table ko. Nakakahiya at sila pa ang lumapit.

"Ang tagal mo, kanina pa kaya nag-umpisa ang party. Nagsayawan na nga ang lahat." Sabi ni Christa. Kasama nya sa isang table ang isang lalaki at mukhang yun ang boyfriend nya.

"Pasensya na. Late po kasi natapos yung kasal na pinuntahan ko." Paliwanag ko.

"Para kanino yang pink roses mo? Huh?" tanong pa nya.

"P-para kay Clara." Nahihiyang sagot ko.

"Ang Sweet naman pala nitong si Adonis." Sabi ni tito. Nakaramdam ako ng pamumula sa pisngi. Nahihiya ako sa kanila.

"Nasaan na po pala sya?" Tanong ko.

"Ayun oh nasa harapan. Yung naka kulay black and red ang suot." Sabi ni Christa. Tinanaw ko pero mga nakatalikod ito at mukhang may pinag-uusapan.

"P-pero bakit yung table ko nandito po sa gitna?" Muling tanong ko. Nagtataka kasi ako.

"Ewan ko, sila Hazel ang nag ayos nyan kanina." Sagot niya.

"Teka. May name pala dito. DonBelle." sabi ni tita at natawa si tito.

"Mukhang pinalitan yata ang pangalan dito. DonBelle." natatawa na sabi ni tito.

"Eh nakalagay po duon sa list, pang number 14 ang table ko." Sabi ko.

"Ano ka ba papa! Couple name yan. Don. Means, Adonis at Belle, is Clarabelle." paliwanag ni Christa. Hindi ko naisip na ganon pala yun.

"Wow. Special mention pala ito. Kayo lang may couple name. Mukhang pinaghandaan." Nakangiting sabi ni tito. Parang gusto ko na talaga mahiya sa kanila.

"Oh. Ayan na sila." sabi ni Christa. At bumalik na sila sa upuan nila.

Una kong tinignan si Clara. Ang astig ng suot nya na Black leather blazer jacket at may panloob na sando na kulay red, naka fitted pants sya na kulay black, naka high heels boots sya kaya nadagdagan ang height nya.

Ang cute nyang tignan sa porma nya, at sa porma nilang apat ay nagmumukha silang rakista.

"Adonis." tawag nya sakin. Hindi nya ako tinawag na panget. Kaya, siguradong galit pa sya sakin. "Akala ko di ka na makakapunta dahil busy ka pa." Sabi pa nya at nagsiupo na sila Hazel sa kani-kanilang upuan, kasama ang kani-kanilang kasintahan.

"Para sayo." sabi ko at inabot ang bulaklak sa kanya. Kita ko ang tamis ng ngiti nya.

"Salamat." nakangiting sabi nya. Nag blush pa ang pisngi nya. Hindi yata nya inaasahan na bibigyan ko sya ng bulaklak.

Lumapit ako sa kanya. "Pinakinggan mo na ba yung sasabihin ni Polita?" bulong ko.

"H-ha. Yun ba? H-hindi pa eh. Sorry. Masyado akong busy kaya di ko pa napapakinggan." sagot nya at tumawa. Nauna syang umupo. Kaya umupo na rin ako. "Importante ba ang sasabihin ni Polita?" Tanong nya at parang kumikinang ang mga mata nya.

"Hmmp.. Gusto mong malaman?" Tanong ko at ngiti ang sinagot nya sakin. "Pakinggan mo na lang kay Polita." sabi ko. Tinamaan na naman ako ng katorpehan ko.

"Okay. Mamaya na lang siguro pagkauwi. After ng party." sabi nya at muling ngumiti. Hindi na sya galit sakin.

"H-hindi ka na galit sakin?" Kinakabahan kong tanong. Topakin kasi sya baka maling sasabihin ko lang toyoin na sya.

"Hindi naman nget." sabi nya at ngumiti. Kaya nakahinga ako ng maluwag.

Kung alam lang nya ang kaba ko nung nagalit sya sakin bago ako umalis. Iba ang dulot nito sa puso ko. Halos hindi ako nakatulog kagabi. At kung pwede lang umuwi para makita sya, ay gagawin ko talaga.

"Hindi ka na nga galit. Panget na uli tawag mo eh." sabi ko at tumawa. Tumawa rin sya.

Ang ganda ng mga ngiti nya kaya tyumempo ako para hawakan ang camera ko at kunan sya ng litrato.

"Uy teka. Wag mo ko picturan." Sabi nya at tinakpan nya ang lens ng camera ko pero nakuhaan ko na sya.

"Bakit? Ayos naman ang kuha mo." sabi ko.

"Nakakahiya. Ang panget ko." Sabi nya.

"Hindi ah." Natatawang sabi ko.

"Bakla. Ready ka na." sabi ni Faith ng makalapit ito sa amin kasama sina Hazel at Zora. Mukhang nagpahinga lang yata. Dahil kanina pa raw nag umpisa ang party.

"Oo. Nakaready na ako kanina pa." sagot nya.

"Wow. Handang handa na ah." sabi pa ni Hazel at kumindat sakin. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng kindat nya na yun.

"Ladies and gentlemen... Magandang maganda pa rin ako sa inyong lahat." sabi ni James. Kapitbahay naming bakla. Na emcee ngayong gabi.

"Bago natin tapusin ang party na ito. Ay may huling kanta ang ating banda. Oh diba exciting!! Mula pa kanina sa nakakakilig nilang inalay na kanta para sa atin! Ay ngayon naman! Iaalay nila ang aawitin nilang gabi! Sa isang tao na malapit sa puso ng ating bida na napaka hopeless romantic!" sabi pa nito at kinililig. "Well.. Kilang kilala na natin sya! Dahil sya lang naman ang nag-iisang manunulat sa ating compound! At ngayon! Gusto nyo pa ba marinig tumugtog ang ating banda?!! Yess!!! Ohh yess!!!!" sigaw nya.

"Yes!!!" sagot ng mga tao.

"Whoooohhh!!!" ang iba sumipol pa.

"Okay!!! ladies and gentlemen! Palakpakan nating lahat!! Ang.. Bella's Rakistas!!!" sigaw nya at nagpalakpakan naman ang mga tao. Nagulat ako ng tumayo si Clara.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now