C ♡ 13

128 11 2
                                    

Clarabelle Pov

Masyado akong natuwa ng malaman ko na hindi naman pala ikakasal si Adonis, hindi lang ako nagpahalata. Pero nainis ako dahil sa pang-aasar ni papa sakin. Kaya umakyat na lang ako sa kwarto ko at muling nagsulat.

Nagkaroon na kasi ako ng sigla para gumawa ng kwento, hanggang sa, hindi ko na namalayan ang oras. Napatayo ako ng makita ko ang oras. Alas singko na pala ng hapon.

Patay! Susunduin ko pala si mama sa school.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng bigla kong marinig ang boses ni mama.

Yari! Nakauwi na sya.

Sabi ng utak ko kaya nagmadali akong humiga sa kama at nagpanggap na tulog.

"Clara! Clara!" sigaw ni mama. Narinig ko pa na binuksan ang pinto ng kwarto ko. "Pambihirang batang ito. Tulog! Kaya nakalimutan na akong sunduin." sabi pa nya at muling sinara ang pinto. Para ako nakahinga ng maluwag.

Pagbangon ko, muling bumukas ang pinto, si mama pa rin, kaya nagkunwari akong umuunat.

"Natulog ka ba o nagtulog tulugan?" tanong ni mama.

"N-natulog po. Kita nyo naman na kagigising ko lang."

"Hindi mo ko sinundo sa school, hindi tuloy ako nakadaan sa palengke."

"Kakamalengke nyo lang nung byernes ah."

"Bibili sana ako ng uulamin natin ngayon. Alam mo naman na hindi ako nag i-stock ng karne dahil ayoko ng frozen."

"Mag ulam na lang tayo ng delata." sabi ko at bumangon.

"Naku. Nandito ang papa mo. Hindi nag uulam ng delata yun. Maarte yun." sabi nya. "Dalian mo at bumaba ka. Ikaw ang uutusan kong bumili ng uulamin natin ngayon." sabi nya at tinalikuran ako.

Agad akong bumaba sa sala. Naroon pa rin si Adonis at papa na, hindi na nag-iinom. Mukhang close na sila.

"Ayos pala itong kapitbahay mo anak." baling ni papa sa akin at tumawa. Lumapit ako at tinignan ang mga bote ng soju.

Mabuti naman at may pito pang natira.

"Mukhang nagpapak lang kayo ng pulutan. Inubos nyo pulutan ko."

"Madaya ka naman kainuman panget. Nang-iiwan."

"Oo nga nak. Kaya nag foodtrip na lang kami ni Adonis."

"Wow ha. Nagkakilanlan na pala kayo? Paano mo pinagmayabang na isa kang rich old man!?" pabirong sabi ko.

"Well. Hindi ba nakakagulat sa porma ko. I'm rich. Pero dito pinili ng mama mo tumira sa compound na ito."

"Masaya dito pa."

"Masaya dahil baka may sarili ka ng puso dito?" nakangising sabi pa nya.

"Anong pinagsasabi nyo? Masaya dito dahil, madaming tsismosa dito."

"Oh ano na naman yan. Nagtatalo na naman kayo." bilang sabi ni mama ng makababa ng hagdan. "Tuwing magkikita na lang kayo ng papa mo, para kayong magkapatid na nag-aaway. Tapos pag wala naman, hahanapin mo sakin. Mag matured ka na nga Clara." sabi pa ni mama. Hindi ko tuloy maiwasan hindi mapanguso.

"Hay naku. Sige na, mamalengke na ako. Ano bang bibilhin ko para sa hapunan?"

"Gusto ko ng tinola. Na miss ko na tinola ng mama mo." nakangiting sabi ni papa.

"Tinola ba talaga ni mama?" pabirong sabi ko. Biglang tumawa si papa ng malakas.

"Mag-ama nga kayo." iling-iling na sabi ni mama sa amin ni papa. "Adonis anak. Pwede mo bang samahan si Clara sa palengke." baling nya dito.

"Sige po tita." agad nitong sagot.

"Sus! Bakit hindi nyo na lang sabihin sakin na gusto nyo masolo ang isa't-isa." natatawang sabi ko pa.

"Jusko Clara. Kaka-nobela mo, kung ano-ano ang nasa isip mo?!" sabi pa ni mama.

"That's my girl! Sige na mamalengke na kayo. Kahit tagalan nyo pa." pabirong sabi ni papa.

Kinabahan naman ako. Dahil, makakasama ko mamalengke si Adonis. First time 'to.

Feeling ko tuloy, bagong kasal kami. Hindi ko maiwasan hindi mapangiti sa iniisip ko hanggang sa makalabas kami ng bahay.

"Hoy panget! Mag motor na lang tayo." sabi nya. "Kaysa mag kotse ka pa, palengke lang naman ang pupuntahan natin."

"Okay sige." nakangiting sabi ko pa sa kanya.

Agad nyang pinaandar ang motorsiklo nya, umangkas ako agad sa likod at sinuot ko ang helmet.

"Kumapit ka." sabi nya at kinuha ang dalawang kamay ko at iniyakap nya sa bewang nya.

Kinikilig ako. First time ko umangkas sa motor at yumakap ng ganito. Feeling ko tuloy, boyfriend ko na sya.

Habang nasa byahe papunta ng palengke. Feeling ko na nakalutang ako sa langit na nakasakay sa ulap. Grabe ang kilig ko na, sa imagination ko lang nangyayari. Pero ngayon totoo na.

"Feel na feel mo ang pagyakap sakin ah." biglang sabi nya ng ipara nya sa tabi ang motor nya. "Nandito na tayo pwede ka ng bumitaw." sabi pa nya. Para akong napahiya sa kanya.

"S-sorry. First time ko lang kasi umangkas sa motor." sabi ko saka bumaba.

"At ganon na lang ang higpit ng yakap mo, eh hindi ka naman malalaglag."

"Tara na. Tulungan mo ko mamili ng pang tinola." nakangiting sabi ko pa. Agad kaming nakabili ng manok. "Panget. Ano bang masarap sa tinola? Sayote o papaya?" tanong ko habang tumitingin ng gulay.

"Papaya. Yung hilaw ah. Baka bilhin mo hinog."

"Malamang. Ano ako tanga." inis kong sabi sa kanya.

Habang namimili ako ng gulay, lumapit sya sakin at bulong.

"Para tayong mag-asawa nito nget." sabi nya. Kinabahan at kinilig ako dun.

"Hahaha... Kung ano-ano pala iniisip mo eh." sabi ko kasabay ng pekeng tawa. Pero yung kilig ko. Abot hanggang universe na.

Pagtapos mamalengke. Umuwi kami kaagad ng bahay.

"Ang bilis nyo naman." sabi ni mama.

Ang bilis nga namin mamalengke. Samahan pa ng mabilis na pagmamaneho ni Adonis. Minadali ko talaga ang pamimili dahil para akong naiihi sa kilig.

"Tsk! Sabi ko pwede nyo naman tagalan." sabi pa ni papa.

"Uuwi na po muna ako." sabi ni Adonis.

"Sige anak. Ipapatawag na lang ulit kita kay Clara." sabi ni mama.

"Kamusta naman ang date nyo?" nakangiting sabi ni papa ng makapasok na si Adonis sa bahay nila.

"Anong date? Pumunta lang sa palengke date na? And what the heck? Sa palengke pa talaga? Ganon na ba ako kadesperada?" inis kong sabi.

"Parang date na rin yun. Date ng mag-asawa." pang-aasar pa ni papa.

"Nung nagdate ba kayo ni mama bilang mag-asawa, sa palengke din ba kayo nag date? Grabe!! Ang cheap nyo ah." sabi ko pa at tinalikuran ko na sila.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon