C ♡ 11

137 10 0
                                    

Adonis Pov

Mula sa supot, nilabas lahat ni Clara ang mga pinamili nya.

"Daig mo pa ang broken hearted, bigla biglang nagyaya ng inuman." pabirong sabi ko.

"Matagal na akong broken. Hindi na bago sakin yan." sabi pa nya.

"Paano ka naman na broken? Eh diba N.B.S.B ka?"

"Hindi purket, N.B.S.B ako ay wala na akong karapatan ma broken? Bakit kayo lang bang may mga lovelife ang pwedeng masawi? So, paano naman ang mga tulad naming hopeless romantic." seryosong sabi nya.

"Masyado ka naman seryoso." sabi ko sa kanya at binuksan ko ang soju sabay inom.

"Tara, kumanta tayo." sabi pa nya at binuksan nya ang sound system.

"Hilig mo talaga ang kumanta noh." sabi ko pa.

"Oo. Bukod sa pagsusulat. Marami pang iba." pagmamayabang pa nya.

"Matanong ko lang. Kaylan ka nag simulang magsulat ng nobela?"

"Wow ah. Interview?" sabi nya sabay inom nbyg soju.

"Gusto ko lang naman malaman."

"Nagsimula akong magsulat ng kwento nung highschool ako. Simula nung maghiwalay ang mama at papa ko. Then. Nangako ako sa sarili ko. Na pag nag asawa ako, ayokong maging katulad ng relasyon ko ang nangyari sa kanila." malungkot na kwento nya. "Hay naku. Tama na ang drama. Kumanta na lang tayo." sabi pa nya. Agad nya kinuha ang microphone at nasimulang kumanta.

🎶 Ang gusto ko, gusto ko
Gusto ko sanang sabihin sa iyo
Pero paano, paano?
'Pag malapit ka'y nauutal ako
Nahihiya, tumitiklop
Nawawala bigla ang sasabihin ko
Ang nakikita ko lang ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko ay naglalaho

Siguro'y umiibig
Kahit 'di mo pinapansin
Magtitiis na lang ako
Magbabaka-sakaling ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo, sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising 🎶

Nakatingin sya sakin habang kumakanta. Napangiti na lang ako dahil ang cute nya.

🎶 Ayaw ko, ayaw ko
Ayoko sanang magmukhang tanga sa 'yo
Pero nalilito, nalilito
'Pag sasabihin ay nagbubuhol ang dila ko
At tulala na lang sa 'yo
Ano ba naman, bakit lagi na lang gan'to?
Ang nakikita ko lang ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko ay naglalaho 🎶

Sa bawat lyrics na sinasabi nya, at bawat titig nya, parang pinapahiwatig nyang may damdamin pa sya sakin.

🎶 Parang wala nang mangyayari sa nadarama
Sa bawat araw, parang lalong lumalala-la
Bakit ba sa 'yo hindi pa rin ako nagsasawa?
Aasa na lang kahit sa pangarap lang 🎶

Natatawa ako na sumasayaw sayaw pa sya. Feel na feel ang pagkanta, hindi idinaan sa emote.

"Anong ginagawa nyo?" sabi ng isang lalaki, na biglang pumasok na hindi man lang kumatok sa pinto.

Mukha itong mayaman, dahil na rin sa suot nito na formal suit. Matangkad, maputi, magandang lalaki, at mukhang bata pa. May bitbit pa ito na tatlong paper bag.

Napahinto si Clara sa pagkanta, ako naman ay napatayo. Ngayon ko lang kasi nakita ang lalaking nasa harapan namin ngayon. Gulat na gulat pa si Clara na makita ito.

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigOnde as histórias ganham vida. Descobre agora