C ♡ 7

136 12 0
                                    

Adonis Pov..

Sinundo ko sa airport ang ex-girlfriend ko na si Scarlett. Simula ng maghiwalay kami, naging magkaibigan na lang kami. Parehas kasi namin naramdaman na hindi na pala namin mahal ang isa't-isa.

Yung nagising na lang kami pareho na wala na kaming damdamin para sa isa't-isa. Masyado kasing toxic ang relasyon namin nuon. Maraming kontra at ayaw sa aming relasyon kaya parehas na kaming napagod sa sitwasyon.

At ngayon. Ikakasal na sya sa fiancé nya. At ako pa ang naisipan nyang kuning photographer sa araw ng kasal nila bago ang araw ng mga puso.

Isa akong photographer, at may sarili akong photoshop sa kabilang bayan. Kaya lang naman ako nandito sa compound ay dahil sa kaibigan kong si Jovert. Mura kasi binenta ang bahay na ito sa akin. Na dating bahay ng tita nya. Kaya binili ko na para na rin, maging independent. May tampo kasi ako sa mga magulang ko.

♡ ♡ ♡ ♡

Nagpapahinga ako sa sofa at nagpalipas ng oras ng marinig kong kumakanta na naman ang kapitbahay kong si Clara. Hindi naman masama ang boses nya. Gusto ko lang kasi syang asarin.

🎶 Itatago na lang
Ang damdamin ko
Dahil ayokong malayo sa iyo
Maghihintay lang
Na mapansin mo
Pag-ibig ko..
Na para lamang sayo. 🎶

Hindi ko napigilan na mapangiti sa kinakanta nya. Madalas ko kasi sa kanya marinig ang kantang yun. Kahit nung bagong lipat pa lang ako dito.

Una kong nakilala si Christabel, masungit ang ate nya, hindi ko kasi sinasadya na mabugahan sya ng usok ng tambusyo ng motor ko. At nagtaray na.

Sunod si Clara. Nung una ko syang nakita akala ko highschool students sya. Hindi kasi sya katangkaran. Ang katawan nya hindi payat, hindi din mataba. Hindi gaano kahaba ang buhok at mukha talaga syang bata tignan. But she's very charming, and sweet. Then next day nalaman ko kay Jovert na 24 years old na pala ito at isang writer ng novel.

Ilang beses ko na rin sya napansin, na sobrang papansin sakin. Inaasar ko pa sya nuon na maglaklak muna sya ng cherifer or tiki-tiki. Hanggang sa di ko namamalayan na nagkakagusto na pala ako sa kanya.

Flashback.

Nakatambay kami ni Jovert sa tapat ng bahay, nakaupo kami sa upuang mahaba na gawa sa kahoy at duon umiinom ng beer. Pampaantok.

"Hanggang ngayon ba pre, hindi ka pa ba nakakamove on kay Scarlett at wala ka pa ring girlfriend?"

"Matagal na ako naka move on dun pre. Actually. May crush ako sa isang babae, in love na yata ako, ilang beses ko na sya kinukuhaan ng stolen picture." Nakangiting sabi ko pa.

"Talaga. Sino namang maswerteng babae na yan?"

"Dun sa kapatid ni Christabel."

"Ha! Yun? Crush mo? Inlove ka dun?" gulat na tanong ni Jovert. Nakita kong lumabas ng pinto ang kapatid ni Christa, para itong nagulat at mabilis na pumasok sa loob ng bahay nila.

"Oo pre. Crush ko sya. Ano nga pala pangalan nya?"

"Si Clara yun. Mukhang narinig ka yata." sabi ni Jovert. Kinabahan ako na bala narinig nga nya na may gusto ako sa kanya.

End of flashback.

Kaya simula nun. Tinawag ko na syang panget. Para hindi nya isipin na gusto ko sya at hindi rin ako mahiyang lumapit sa kanya.

"Pre! Kamusta lakad mo? Nagkita kayo ni Scarlett?" tanong ni Jovert ng lumabas ako ng bahay para umupo sa tambayan naming dalawa.

Mula dito sa inuupuan namin. Tanaw ko ang loob ng sala nila Clara. Kung saan sila kumakanta ng mga kaibigan nya. Ang cute talaga nya. Lalo na pag nakangiti.

"Hoy ano na? Pasulyap sulyap ka na lang jan. Hindi mo sinagot tanong ko." Sabi nya at pinilantik pa ang daliri sa harapan ko kaya natauhan ako.

"Tch! Oo nagkita kami ni Scarlett. Hinatid ko sya sa bahay nila. Pagtapos naming kumain sa labas."

"So anong nangyari? Nagkabalikan na ba kayo?"

"Hindi na mangyayari yun pre, ikakasal na sya. Ang malupet nga dun. Ako pa kinuha nyang photographer para sa kasal nila."

"Hahaha! Para ka naman sinampal nun Pre."

"Hindi naman. Kasi wala naman kaming usapan nuon na magpapakasal kaming dalawa."

"Eh yung crush mo?" tanong nya sabay turo ng nguso nya si Clara na sumasayaw habang kumakanta ang mga kaibigan nya. "Sa tingin mo ba, sya na ang babaeng papakasalan mo?"

"Oo. Sigurado ako. Si panget na." Nakangiting sabi ko pa.

"Wala ka talaga. In love ka talaga." sabi nya sabay gulo sa buhok ko.

"Jovert! Jooo....veeert..." tawag ni Hazel dito na lumabas ng pinto at nakita kami.

"Ano yun?"

"Tara! Join naman kayo samin."

Tumayo si Jovert. "Sige. Wait lang." sigaw nito. "Tara. Niyaya tayo ng my loves ko." girlfriend kasi nya si Hazel, at legal sila sa mga magulang nila.

Tumayo na rin ako at sumunod kay Jovert na pumasok sa loob ng bahay nila Clara.

"Hindi ba magagalit si Tita at nagsasaya kayo dito sa baba?" tanong ni Jovert.

"Hindi. Nagpaalam naman kami. Hanggang alas kwatro lang daw kami." sagot ni Hazel.

"Malapit na mag 4pm. Bakit ngayon lang kayo nagyaya." reklamo ni Jovert sa girlfriend nya.

"Buti nga niyaya ko pa kayo." sabi naman nito.

"Saka, kantahan lang naman ito. At hindi kami nag-iinom." sabi pa ni Faith.

"Yun nga lang, ang mga tsismosa nating kapitbahay, may nakahanda ng tsismis yan." Sabi ni Zora.

"Foodtrip lang naman ito. Wala naman tayong ginagawang masama. As if kung mga teenager pa tayo." Seryosong sabi ni Clara.

"Ikaw lang naman mukhang teenager dito bakla." Natatawa na sabi ni Faith kaya nagtawanan na rin kaming lahat.

"Ang sama nyo ah." natawa ako ng sumimangot ang mukha nya.

"Be matured Clara. Para naman maligawan ka naman ng crush mo at hindi ka pagkamalang highschool student.." Pabirong sabi ni Jovert.

Bukod kay Jovert, alam din nila Hazel, Zora at Faith na Crush ko si Clara. Lihim lang namin yun. Nahihiya kasi ako na malaman ni Clara, baka hindi na ako makalapit pa ng ganito kalapit pag nalaman nya.

"Crush huh?! Eh wala na nga akong crush." Agad nitong sagot. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now