C ♡ 12

125 10 0
                                    

Adonis Pov

Kita ko ang reaksyon ng mukha ni Clara. Hindi nya nagustuhan ang tanong ng papa nya. Pero para sakin, ayos lang yun.

"Ano bang pinagsasabi mo papa?! Hindi ko sya boyfriend! Isa pa! Tawagan lang namin yun! Saka. Kay ate yan may gusto hindi sakin!" naiinis nyang tugon sabay tumayo. Hindi ko alam saan o kanino naman nya nakuha ang nalalaman nya, na may gusto ako kay Christa.

"Naiinis ka na naman. Kaya wala kang boyfriend eh." Sabi pa ng ama nya.

"Jan na nga kayo! Mag-inom na lang kayong dalawa kung gusto nyo! Pagtapos nyo, kayo na ang mag linis. Wala na ako sa mood!" sabi pa nya at binitbit ang pasalubong na para sa kanya, iniwan nya kaming dalawa ng papa nya.

"Bakit parang nagseselos ka?" tanong ni tito. Pero hindi sya nito pinansin.

"Hay talaga naman... Alam mo yang si Clara. Madalas talagang may toyo yan. Manang mana yan sa mama nya." kwento na sabay inom ng soju. "Pero hindi ko akalain na pagpunta ko dito ay mag-iinom ako. Hahaha." Natatawang sabi pa nya.

"Kahit po ako, bigla na lang po sya nagyayang mag-inom, pagkauwi nya, tapos, iiwanan lang din nya ako." sabi ko pa.

"Nga pala, hindi pa pala ako nakapagpakilala. I'm Hendrick, what's your name hijo?"

"Adonis po."

"Matanong ko lang. Talaga bang may gusto ka sa panganay ko, o baka naman duon sa bunso ko?" nagulat ako sa tanong nya. Napakamot na naman ako ng batok ko at napayuko, di ko alam paano sasabihin na may gusto ako kay Clara at hindi kay Christa.

"B-bakit nyo po natanong?" utal kong tanong.

"Lalaki ako. Ramdam ko may pagtingin ka kay Clara, nakita ko kung paano ka tumingin sa kanya kanina habang kumakanta ang anak ko." seryosong sabi nya kaya kinabahan ako.

"Pasensya na po. Hindi ko po alam na kanina pa po pala kayo nandyan." nahihiyang sabi ko.

"Pero bakit hindi mo pa ligawan?" nagulat na naman ako sa tanong nya. Diretsyo sya magsalita.

"N-nahihiya po ako sa kanya?"

"Hahaha... Bakit ka naman mahihiya dun sa anak ko na yun?"

"Mukha po syang masungit at laging galit sakin. Baka pag nanligaw ako, bigla bigla na lang ako mabasted." paliwanag ko. Ang gaan kausap ng papa nya. Feeling ko matagal na kaming magkakilala.

"Bwhahahahahahaha.... " biglang tawa nya ng malakas. "Alam mo yang si Clara. Pakipot lang yan. Yung mga ganyang style nya. Parang mama nya nuon. Saka ganyan yan. Nagagalit pag hindi sya crush ng crush nya."

Parang gusto ko matuwa sa sinasabi nya pero, baka mali naman din sya.

Habang umiinom kami ni tito, hindi pa rin bumaba si Clara. Ganon sya kadaya sa inuman. Sya ang nagyaya, pero sya ang wala.

"Hendrick.." sambit ni tita ng makauwi na sya.

"Claribel.." sabi ni tito. Tumayo pa ito at yumakap kay tita. "Na miss kita." sabi pa nya. Hiwalay na sila gaya ng kwento ni Clara pero parang mahal pa ni tito ang asawa nya.

"Ano at nandito ka?" nagugulat na tanong ni tita.

"Hindi mo ba ako na miss?" nakangiting sabi nya.

"Malamang si Clara, miss ka na nun." sabi pa nya at bahagya nyang tinulak si tito para bumitaw sa kanya. "Teka? Nasaan na pala ang batang yun? Akala ko ba naman susunduin ako sa school dahil hiniram nya ang kotse ko. Nagtaxi na lang tuloy ako pauwi."

"Nanduon sa kwarto nya. Siguro nag mumokmok yun ngayon." sagot ni tito.

"Sandali lang at aakyatin ko lang. Saka ikaw di mo sinabing uuwi ka pala." baling nya kay tito at umakyat na sya sa taas.

"Tignan mo yang mama nya. Pakipot din yan. Alam mo bang matagal na kaming hiwalay nyan. Napagod na raw sya sakin. Pero hindi pa kami nag file annulment nyan. Pero.. Hinayaan ko lang din gamitin nya ang maiden name nya, pero hanggang ngayon. Mahal ko pa rin yan." kwento nya. Tama nga ako, mahal pa rin nya si tita.

"Edi, mag asawa pa rin po pala kayo." sabi ko pa.

"Sa papel, pero para sa kanya. Kaibigan na lang kami. Malapit na kami mag singkwenta anyos At tumatanda na, gusto ko kasama ko pa rin syang tumanda." kwento pa nya.

"Ibig po bang sabihin. Okay lang sa mga anak nyo ang ganitong relasyon nyo?" tanong ko.

"Nung una. Nahirapan sila, pero habang tumatagal, tinanggap naman na nila. Isa pa. Pinaparamdam ko pa rin naman na may halaga pa rin sila sakin." kwento pa nya uli. At nag cheers kami ng soju.

Okay naman sana ang pamilya ni Clara. Pero kung naging matibay lang sana ang pagsasama ng mama at papa nya. Hindi nya sana masasabing lumaki sya sa isang broken family.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now