C ♡ 6

142 10 1
                                    

Clarabelle Pov

"Dali beshie.. basahin mo na ang mga comment ng mga reader mo." Sabi ni Hazel ng matapos kaming kumain.

"Mamaya na, maghuhugas muna ako ng plato." Sabi ko sa kanila at lumapit na ako sa lababo para maghugas ng plato.

"Okay. Ako na lang ang magbabasa. Pero yung babasahin ko lang sayo, syempre yung pinakamaganda." sabi pa nya. "Oh eto beshie. Tatamaan ka dito. Mula kay Mr. Kiegandahan. Isang bisexual huh."

-Minsan talaga, may mga damdamin tayo na, ang hirap itago. Kaya kung nahihirapan na kayo. I-shout out nyo na yan.

"Hindi na kailangan I-shout out itong nararamdaman ko. Mas okay nag itago kaysa masaktan uli ang feelings ko. Ang kapal na ng face ko kung ako pa ang hahabol para magustuhan lang ako ng taong gusto ko." malungkot na sabi ko habang naghuhugas ako ng plato, iniisip ko pa rin si Adonis. Narinig ko ang sasakyan ni mama. Dumating na siya.

"Anjan na C. Mo." Sabi ni Hazel. C means Crush. Initial lang yun.

"Anong C. Baka D." Sagot ko naman kasi Di ko na sya crush.

Para silang timang na tatlo na nakaharang sa pintuan, kaya hindi ko tuloy makita kung anong itsura ng kasama ni Adonis.

"Pakiabot na lang ang susi kay tita. Pakisabi Salamat." Sabi nito sa tatlong babeng mukha ng pader sa sobrang kalalaki at kalalapad, halos sakupin nila ang buong pinto.

Kung matangkad silang tatlo. Mas matangkad si Panget sa kanila. Kaya kita ko kahit papaano ang buhok nito.

Nang matapos ako maghugas ng plato agad ako lumapit sa tatlo. Sabay sabay silang umalis at humarap sakin.

"Oh yung susi ng kotse nyo." Sabi ni Zora.

"May kasama bang bumaba?" Pabulong kong tanong.

"Wala naman. Akala ko pa naman makikita na namin ang itsura ng girlfriend nya." Dismayadong sagot ni Faith.

"Baka hinatid na nya kung saan ito nakatira." Malungkot na sabi ko.

"Nahurt ka na naman." sabi ni Zora.

"I.H.Y.K." mataray kong sabi, at binalik sa ibabaw ng ref. Ang susi ng kotse.

"Sus. Nasasaktan ka na naman na di nya alam. Nagseselos pero wala namang karapatan. Bakit kaya di mo aminin ang feelings mo sa kanya no. Bakla ka!" sabi ni Faith.

"Ayoko nga. Baka lalo pa akong masaktan pag sinabi nya. Hindi kita gusto dahil panget ka. Edi na hurt ako lalo." sabi ko pa.

"Eh paano kung, gusto ka rin pala nya." sabi ni Hazel.

"Haler. May girlfriend na yung tao, tapos may gusto pa sakin. Ano sya two-timer." inis kong sabi sabay upo sa couch.

"Malay mo wala naman talagang girlfriend diba? Masyado lang tayo advance mag-isip." sabi naman ni Faith.

"Hay naku. Tigil tigilan nyo ko."

"Hay naku Belle. Chini-cheer up ka na nga namin. Dina-down mo pa ang sarili mo." sabi ni Zora.

"Oo nga beshie bels. Saka, kung gaano kalawak yang imagination mo na yan. Ganon din kalawak ang imagination namin ah." sabi uli ni Hazel.

"Oo nga bakla. Para hindi ka na jan nabubuhay sa pantasya mo." sabi pa ni Faith.

"Sabihin mo na lang samin kung gusto mo ng lumipat ng matitirahan." sabi ni Hazel, di ko sya maintindihan.

"Lilipat? At saan naman ako lilipat?" Tanong ko at tumawa sila.

"Saan pa, edi sa fantacia. Para masamahan ka namin." natatawang sagot pa nila

"Mga baliw na kayo." inis na sabi ko pero natutuwa pa rin ako dahil mga kalog talaga sila kasama.

"So.. Meeting agenda na tayo ah. Lalo na malapit na ang araw ng mga puso." sabi pa ni Zora. Umupo kami sa sahig sa may sala. Sa ibaba ng sofa. Kung saan may carpet.

"Pwede ba wag na tayo mag celebrate nyan." tanong ko habang nakalumbaba sa mesa.

"Wow! Yung ating hopeless romantic na excited taon-taon para sa ating party bigla na lang naging ganito." sabi ni Zora.

"Alam mo naman taon taon natin ito ginagawa." paalala pa ni Faith.

"Oo nga, nung di ko pa nakikilala si Adonis." sagot ko naman.

"Eh diba dapat nga mas ma-excite ka ngayon dahil may isang hulog na ng langit ang dumating para isama mo sa pantasya mo." sabi pa ni Hazel.

"Saka, malay mo. Makipagdate sayo yun." sabi naman ni Zora.

"Tapos kaya ka pala inaasar dahil may gusto din pala sayo." muling sabi ni Hazel.

"Uuuyyyyyyy....." Pang-aasar pa nila.

"Ano yang pinagsasabi nyo? Panget nga tawag sakin, tapos gusto pa ako. Hay naku." inis naman na sabi ko.

"Malay mo lang naman diba. Hindi natin tansya ang panahon kung kaylan pala tayo mahuhulog sa isang tao." sabi pa ni Zora.

"Ayokong mahulog kung wala naman sasalo sakin no. Ilang beses na ba ako nahulog? Hindi nyo pa ba naaalala yung nangyaring pag-amin ko sa first crush ko?" tanong ko sa kanila.

Yun kasi ang first broken heart ko. Yung umamin ako sa crush ko na gusto ko sya at nagbigay pa ako ng love letter at rose nuon. Pero sa huli ang sabi nung gagong lalaki na yun sakin.

Sorry hindi kita type. Ayaw ko sa mga babae na mukhang elementary.

Kaya ganon na lang ang impact nun sakin. Para akong pinukpok ng baseball bat sa ulo at bigla akong natauhan.

"Naku. Bata pa kasi tayo nun. Highschool pa lang tayo." sabi ni Faith.

"Saka yung time na yun. Mayabang sobra yung crush mo na yun. Pero ano na sya ngayon? Ang pogi nya nuon, pero ngayon. Parang may sampo ng anak. Samantalang bata pa ang edad." natatawa na sabi naman ni Hazel.

"Pero malay mo naman pagdating kay Adonis, kung sasabihin mo ang feelings mo eh, malay mo tanggapin nya, diba mga bakla?" kinikilig pa na sabi ni Faith.

"Malabo. Saka, hanggat kaya ko pa itago feelings ko, itatago ko na lang."

"Tara kumanta na nga lang tayo." yaya pa ni Hazel.

Lahat ng sinasabi nila sakin ay kaylan man hindi sumagi sa isip ko. Dahil iba ang pinapakita ni Adonis. Hindi ko nga maramdaman na may gusto ito sakin. Kaya sobrang labo. Malabong malabo pa sa mata ng lolo ko.


♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now