C ♡ 4

144 12 2
                                    

Adonis Pov

Maaga ako nagising kinabukasan. Nang may tumawag sakin sa phone, number lang, kaya agad kong sinagot dahil baka client.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Hi Donis." Boses pa lang kilala ko na kung sino.

"Scarlett?" Tanong ko pa.

"Yes..."

"Oh bakit napatawag ka?" Tanong ko.

"Nandito ako ngayon sa airport. Pwede mo ba akong sunduin?"

"Ehh bakit ako? Wala bang sumundo sayo?" Muling tanong ko.

"Wala eh. Surprise ko kasi ito kila mom and dad. Di ko sinabi na uuwi ako." Paliwanang nya.

"Edi tumawag ka na lang ng taxi jan." Sabi ko pa. Ayaw ko kasi syang sunduin.

"Wala ako tiwala sa mga taxi driver eh. Please.. baka naman pwede ikaw na lang ang sumundo sakin." Muling paliwanag nya kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Ano pa bang magagawa ko. Nakiusap ka na."

"Thank you. Call me kung parating ka na ah. Saka may sasabihin din kasi ako sayo kaya gusto din kita makita."

"Okay sige.." sabi ko at binaba ko na ang tawag nya.

Pero hindi ko alam kung anong sasabihin nya sa akin at mukhang mahalaga. Saka di naman nya ugaling makipagbalikan sa mga ex nya.

Pero kung hindi sya nakiusap, wala talaga akong balak sunduin sya.

Agad akong nag-ayos sa sarili ko. Paglabas ko ng bahay. Naalala ko, pumunta pala ako sa lugar na ito na hindi dala ang kotse ko, kundi ang motor lang. Kaya napakamot na lang ako ng ulo ko. Kaya agad akong nagtext kay Scarlett.

Okay lang ba na medyo matatagalan ako. May kakausapin lang ako sandali.- Sending to Scarlett.

Agad naman ito nagreply ng okay. Mabuti na lang lumabas ng bahay si Tita Clari ang mama ni Clara.

"Good morning tita." Bati ko sa kanya.

"Good morning din nak." Sabi nya. Natutuwa ako pag tinatawag nya akong anak. Kasing bait kasi nya ang mommy ko. "Kumain ka na ba? Hali'ka. Samahan mo ko mag-almusal."

"Naku tita. Nakakahiya po. Lagi na lang ako nakikikain sa inyo. Baka po isipin ng kapit bahay eh wala akong pambili ng makakain ko." Nahihiyang sabi ko habang nakapamulsa.

"Ano ka ba? Wala yun. Saka wag kang mahihiya sakin. Isipin mo na lang ako ang nanay mo dito." Sabi pa nya at sumenyas na sumunod ako papasok ng bahay nila.

Pagpasok ko. Nakita ko si Clara na natutulog sa sofa.

"Hindi nyo po ba gigisingin si Clara?" Tanong ko.

"Hindi na. Maya-maya magigising din yan. Mukhang napagod yata sa ginagawa nyang nobela." Sabi pa nya at pinagtimpla ako ng kape.

"Naku tita ako na po jan." Sabi ko.

"Ayus lang. Hayaan mo ko dito." Sabi nya at muli akong tumingin kay Clara na natutulog. Ang cute kasi nya. "Malapit na ang valentines party ng compound. May naisipan ka na bang i-date?" Tanong nya na parang si mommy.

"Meron po sana pero di po ako sure kung papayag yun." Nahihiyang sabi ko.

"Alam mo, walang babaeng tatanggi sayo kung sino ang yayain mo nak. Sa gwapo mong yan. Kahit nga yang si Clara, pag niyaya mo ng date. Oo agad yan." Sabi pa nya kaya di ko napigilan ngumiti.

"Talaga po ba?" Tanong ko.

"Oo naman. Crush ka kaya ng batang yan." Sabi nya. "Opps.. nadulas ako." Sabi nya at biglang tinikom ang bibig. Natawa pa ako kasi mukhang sikreto sana yun kaya lang nasabi nya. "Kunwari na lang nak. Wala kang narinig. Mag ta-tantrums yun kapag nalaman nya na alam mo at ako pa ang nagsabi." Sabi pa nya habang umiinom ng kape.

"Nga pala tita. Pwede ko po ba mahiram ang kotse nyo? Wala po kasi ang kotse ko may susunduin lang po ako sa airport." Sabi ko pa habang kumakain ng tinapay.

"Oo naman. Kaylan mo kailangan?"

"Maya po sana after kumain."

"Okay sige walang problema."

Nang matapos kumain. Nagtext sa akin si Scarlett.

Wait lang ah. May bibilhin lang akong pasalubong. Basta text mo ko kung nandito ka na. Okay. -Scarlett.

Umupo muna ako sa single couch na malapit sa hinihigaan ni Clara. Habang hawak ko ang cellphone ko ay di ko napigilan picturan sya habang natutulog. Natatawa pa ako sa itsura nya. Mukha kasi syang nanaginip at bigla na lang sumisimangot ang mukha. Para syang may kaaway.

Maya-maya lang nakatanggap ako ng text mula kay Jovert.

Pre. Pupunta ka ba ng shop ngayon? - Jovert.

Hindi muna pre, ikaw muna bahala jan. Susunduin ko kasi si Scarlett sa airport. - reply to Jovert.

Maya-maya lang biglang gumalaw sa pagkakahiga si Clara. Nagising na sya at nakakatawa ang itsura nya na bigla bigla na lang nag unat ng katawan.

Mas natatawa pa ako sa reaksyon ng mukha nya, parang gulat na gulat na nakatulog sya sa sala.

"Good morning panget." Nakangiting bati ko sa kanya.

Hindi nya kasi napansin na nandito ako nakaupo sa tabi.

Nagulat pa sya ng makita ako kaya bigla na lang ito napabangon. Parang hindi makapaniwala na makikita nya ako ngayon pag gising nya at kinusot kusot pa nya ang mata nya.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now