C ♡ 18

120 10 0
                                    

Clarabelle Pov

Masaya ako nagising kinabukasan. In love pa rin ako at feeling ko nakasakay pa rin ako sa ulap ni San goku.

"Goodmorning.." bati ko ng makita ko si mama. Nakabihis at papasok oa lang ng school.

"Ang aga mo naman nagising. Hindi ka ba napuyat kagabi?" tanong ni mama.

"Hindi po. Masarap po ang tulog ko." sabi ko at ngumiti ng matamis. "Teka. Sinong naglinis ng kalat?" tanong ko ng mapansin kong wala ng nakakalat na rose petals sa sahig.

"Yung ama mo. Nilinis nya lahat hanggang sa kwarto."

"Himala. Napagwalis mo yun? Hindi kaya mautusan yung Don Hendrick na yun." sabi ko pa.

"Sus ako pa." pagmamayabang ni mama.

"Bakit ma? Nililigawan ka ba ulit ni papa?" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Oh sya aalis na ako." bigla nyang iniwasan ang tanong ko kaya natawa ako.

"Sus.. Ang mama kong dalaga. Hindi sinagot ang tanong ko." panunukso ko sa kanya at tinawanan ako.

"Oo. Gusto daw nya ng second chance eh." nakangiting sabi ni mama. Di ko mapigilan hindi rin kiligin. Masaya ako sa narinig ko, masaya ako dahil muling mabubuo na ang pamilya ko.

"Ayie.. Ang mama kong feeling dalaga." panunukso ko uli at natatawa pa sya. "Pero nasaan ba sya?" tanong ko, ng mapansin kong wala si papa sa sala.

"Nag jogging ng maaga."

"Wala ba syang trabaho."

"Wala raw. Pinagleave daw sya ng lolo nyo. Kaya nandito sya ngayon two weeks lang."

"Ibig sabihin, nandito sya sa valentines day." tanong ko, bigla akong naexcite.

"Oo siguro.. Kung wala syang emergency meeting." paliwanag nya. "Sige na aalis na ako. Yung ate mo gisingin mo mamaya. May pasok daw sya."

"Okay. Sige po." sabi ko at sumakay na sya sa kotse nya.

Bumalik ako sa kusina at kumain ng almusal. Habang kaharap ang laptop at nagsusulat ng bagong love story ko.

This guy's In Love with you Panget. Sabi ko at kinikilig pa. Nagkaroon ako ng panibagong inspirasyon.

Maya-maya lang narinig ko si papa na tumatawa kaya agad akong pumunta sa pinto.

Hindi ko akalain na kasama pala nyang mag jogging si Adonis.

Grabe. Ang ganda naman ng araw ko. Punong puno ng puso ang paligid ko.

"Good morning Pa.... Nget." bati ko sa dalawa at natawa ako.

"Pati ba ako nak, gwapo mong ama tatawagin mong panget?" sabi ni papa.

"Hindi ah. Sabi ko, Pa.. Edi ikaw yun at sya, Nget. At sya yun kaya. Pa---Nget." sabi ko at tinawanan nila ako.

Ang gwapo talaga ni Adonis pag ngumingiti. Kitang kita ang mga ngipin nitong pantay pantay at mapuputi. Pati mga mata nya masaya din.

Hay! I'm so in love.. Crush na crush talaga kita.

"Sa sunod nak. Sumabay ka naman samin mag jogging." sabi pa ni papa.

"Kung nakakatanggad ba ang pag jogging why not." pero deep inside.

Kung si panget palagi ang kasama. Why not coconut, kahit buhok ni papa mapoknat. Hahaha..

"Pero nak, hindi ka na tatangkad. Hindi ka yata tumalon nung new year." sabi pa nya kaya napanguso ako.

"Kasi, yung puso ko yung tumatalon." sabi ko pa.

"Bakit naman?" tanong pa nya.

"Syempre, takot kaya ako sa mga paputok." agad kong sagot.

"Eh ibang putok, hindi ka ba matatakot?" tanong ni papa. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nya.

"A-anong putok?" utal kong tanong.

"Eto oh.. Yung putok ko sa kili-kili." lumapit si papa sakin at pilit na nilalagay ang kili-kili nya sa mukha ko.

Pilit akong kumakawala sa kanya, hanggang sa bitawan nya ako at tumama ang likod ko sa dibdib ni Adonis. Hinawakan nya ang dalawang balikat ko. Kinabahan ako. Ang puso ko. Tumatalbog-talbog.

Relax ka lang Clara. Wag kang papahalata.

"Kadiri ka pa. Pawis kaya yung kili-kili mo." sabi ko at tumawa silang dalawa.

Hay naku.. Ang puso ko.. Lumalaki na yata dahil sa tanggad ni Adonis halos ipagkasya ko na sya dito.

Ilang sandali lang ay ginising ko na si Ate. Si papa at Adonis naman ay nakaupo sa tambayan at duon nagkakape.

Nakakatuwang isipin na, para silang mag-ama. Palibhasa kasi walang anak na lalaki si papa kaya ganon na lang din ang trato nya kay panget. Kahit si mama. Anak na ang turing sa kanya.

Ilang saglit pa, nagpaalam na si Ate na papasok na sa trabaho nya. Kaya ako balik sa ginagawa kong pagsusulat.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon