C ♡ 3

169 11 1
                                    

Clarabelle Pov

Lumabas din ako ng bahay at umupo sa tapat ng pinto habang nakalumbaba na nakatingala sa langit.

Kelan kaya ako magkaka-Lovelife. Parang lahat ng nakikita ko couple.

May langit, may ulap.
May paso, may lupa.

Pati sampayan nila Aling Josie, may couple din.

May panty, may bra.
May damit, may short.
May sapatos, may medyas.

Hay naku. Kung ano-ano na lang talaga ang iniisip ko. Lutang moment na naman ako. Kaya muli akong tumayo at pumasok na lang sa loob ng bahay at naupo sa sofa.

"Ma. Kaylan uuwi si papa?" tanong ko kay mama.

Hindi kasi umuwi si papa nung bagong taon. Wala naman ibang pamilya si papa. Nag focus na lang kasi ito sa family business nila, masyadong workoholic kasi si papa. Kaya di nakayanan ni mama na puro na lang trabaho ang inatupag kaya ayun hiwalay.

"Hindi ko alam. Bakit hindi sya ang tanungin mo?" sagot ni mama.

"Busy eh. Dumaan na lang ang bagong taon busy pa rin sya." sabi ko. Para akong bata na naghahanap ng kalinga ng isang ama.

"Tawagin mo na si Adonis at kakain na tayo. Maya maya." sabi pa nya.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa kabilang bahay. Kumatok ako pero walang nagbukas ng pinto.

"Panget! Kakain na raw!" sigaw ko at muli akong kumatok ng kumatok.

Nakita kong lumabas sa kabilang bahay si Jovert. Ang jowa ni Hazel.

"Jovert. Nakita mo bang umalis si Adonis?" tanong ko sa kanya.

"Hindi eh. Katokin mo lang yan baka natutulog." sabi nya sabay alis.

Kakatok na sana ako ng mahawakan ko ang doorknob. Hindi pala naka lock ang pinto kaya pumasok na ako sa loob.

First time ko makapasok sa bahay nya. At nakakamangha na malinis ang bahay nya. Base kasi sa imagination ko. Magulo ito at maraming basurang nagkalat. Ganon kasi ang mga lalaking mag-isa lang sa bahay nila. Anytime pwede mag party party tapos hahayaan lang na nakakalat ang mga bagay na pwedeng ikalat. Pero, sobrang linis pala talaga nya kaya lalo akong na in love sa kanya.

"Panget! Kakain na raw!" sigaw ko. Pero walang sumagot.

Hindi naman gaano kalakihan ang bahay na ito. Isang sigaw ko pa lang rinig na ang boses ko kahit sa ikalawang palapag.

"Adonis! Kakain na raw." muling sigaw ko.

"Teka lang!" sigaw nito pagkalabas ng banyo. Hindi ko alam na naliligo pala ito.

Napalunok ako ng makita kong nakatapis lang ang kalahating katawan nya ng kapirasong tuwalya at may nakaumbok duon, habang pinupunasan ng isa pang towel ang buhok nya.

Agad akong tumalikod. Ang hot kasi nya. Ang perfect ng abs nya. Ang sexy nya shit! Ang gwapo nya lalo na pag basa ang buhok nya. Para akong kinuryente.

"K-kakain na raw sabi ni mama." sabi ko sabay labas ng pinto.

Nagmadali akong pumasok sa bahay namin. Kinabahan kasi ako. Hindi naman ito ang first time na makakita ng ganon ang mga mata ko. Pero iba ang dating pag sya na ang modelo ng pantasya ko.

Sigurado ako. Walang suot na underwear yun.

"Oh. Nasaan na si Adonis?" tanong ni mama.

"Walang suot." biglang sabi ko kaya nagulat ako sa nasambit ko.

"Anong walang suot?" pati din si mama nagulat din.

"A-ano po ma. Ibig kong sabihin. Magbibihis pa daw po sya."

"Ah ganon ba. Sige na maupo ka na jan. Hintayin na lang natin sya." sabi pa ni mama.

Ilang sandali lang. Dumating na rin si Adonis. Suot nya ay tshirt na puti at naka jogging pants sya. Bagsak na bagsak ang buhok nya. Hindi ko naiwasan hindi sya titigan. Lalo na ang bandang ibaba nya.

Bastos ka Clara! Kung ano-ano iniisip mo.

"Salamat sa pagkain." sabi ko at sinimulan ko ng kumain. Ayokong ma-distract ng dahil lang sa nakita ko kanina.

King ina kasi itong imagination ko. Pati itong lalaking kaharap ko. Hindi ko akalain na muling pag papantasyahan ko.

Gwapo nga, pero lalaking lalaki ba? Baka tulad lang sya ni Kieran. Lalaking lalaki tignan. Bakla pala.

Lalaki yan. May gusto ng diba sa ate ko.

May gusto nga. Hindi naman nanligaw. Kaya. Isa din syang bakla.

Para akong baliw na nakikipag talo sa sarili kong isip. Kaya ng matapos kaming kumain ako na ang naghugas ng plato.

"Aakyat na ako sa kwarto. May gagawin pa kasi ako." paalam ni mama.

"Sige po." sabi ko. Naiwan na naman kaming dalawa ni Adonis sa baba.

"Anong iniisip mo kanina?" tanong nya.

"I-iniisip? W-wala ah."

"Wala raw. Eh habang kumakain ka. Lutang ka."

"Ah yun ba. Wala yun. Nag-iisip lang ako ng next chapter ko." dahilan ko.

"Ah ganon ba. Akala ko, iniisip mo ko kanina ng makita mo ko bagong ligo." sabi nya at nanlaki ang mata ko.

"Huh! Of course not! Bakit naman kita iisipin?" pagtanggi ko.

"Alam ko panget. First time mo lang makakita ng lalaking bagong ligo. Tapos.. Alam mo yun?" nakangiting sabi pa nya at tinuturo ng nguso nya ang bandang dibdib nya.

"A-anong first time ka jan? Excuse me huh. Madalas kaming mag punta ng beach ng mga kaibigan ko. Marami na ako nakitang ganyan." sabi ko sa kanya.

Totoo marami nga. Pero wala pa talaga akong nakitang katulad ng ganon, na kulang na lang hubaran ko na sya, gamit ang mata ko.

"Okay sige. Salamat sa masarap na hapunan. Aalis na ako." paalam nya.

Para akong nakahinga ng maluwag ng makalabas na sya ng bahay namin. Para kasi syang isang malaking tinik na nakatusok sa leeg ko at hindi ako masyadong makahinga.

"Nga pala." nagulat ako ng muling bumalik sya kaya halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko.

"Ano yun?!" inis kong tanong.

"Pahingi nga ng contact number mo. Para kung sakaling yayain uli ako ni Tita para maghapunan, itext mo na lang ako or tawagan, para hindi mo na makita na ganon ang ayos ko." paliwanag nya.

Well, isang magandang idea. Agad nya inabot ang cellphone nya sa akin at tinaype ko ang contact number ko.

"Salamat. Panget. Tinext na kita. Goodnight." muling paalam nya at ngumiti sya.

Nang makaalis sya, agad kong binasa ang text na sinasabi nya.

09******414
Psst... Panget! :-D

"Panget ka din!"

Maaga pa lang nag lock na ako ng pinto at nagsara ng mga bintana. Nanatili ako sa sala. Para duon ipagpatuloy ang ginagawa kong kwento.

♡ T ♡ C ♡ B ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now