C ♡ 9

128 9 0
                                    

Clarabelle Pov

Araw ng linggo. Nagpaka busy ako, nagmukmok lang ako sa loob ng kwarto habang nag susulat. Sa kawalan ko ng mood simula kahapon hindi ako makagawa ng magandang love story. Hanggang ngayun.

Dahil hanggang ngayun naiinis pa rin ako. Hindi ko matanggap na ikakasal na pala ang crush ko.

Kakainis! Nauubusan na ako ng inspirasyon!

"Clara. Kakain na." Sabi ni mama at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Hindi sya mahilig kumatok lalo na alam nya di ako nag lo-lock ng pinto.

"Mauna na po kayo. Mamaya na lang po ako kakain." sagot ko na hindi sya titignan.

"Hinihintay ka ng mga kaibigan mo sa baba. Nandun din si Adonis." Sabi pa nya.

Inampon na yata nya talaga si panget!

"Mauna na po kayo. Hindi pa po ako gutom. Saka ginaganahan ako magsulat ngayon. Pag binitawan ko ito. Mawawala ang lahat ng nasa isip ko." pagsisinungaling ko.

"Puro ka nobela. Kaylan mo ba ipapasa yan?"

"Sa monday. Ipapasa ko na ang una kong ginawa last year pa. Baka mamaya yan puntahan pa ako dito ni editor in chief."

"Oh sya. Kumain ka na lang mamaya pag nagutom ka." sabi pa nya, hindi ko na sya pinansin pa.

Naiistorbo lang ako ng marinig ko silang tumatawa. Habang kumakain. Kaya lalong wala ako maisip.

Wow! Ang saya nyo pala na di nyo ako kasabay. Hmp! okay lang sige. Enjoy nyo lang yan. Sabi pa ng isip ko.

Dumaan ang maghapon, na tumahimik na ang mundo ko. Maghapon din lutang ang isip ko. Blangko at malabo.

Binitawan ko na rin ang laptop ko at tinanggal ang salamin sa mata ko. Oras na siguro para magpahinga na muna ako. Baka sakaling lumiwanag na ang isip ko at magkaroon na ng kulay ang mga letra ang bawat papasok sa isip ko. Kaya naisipan kong bumaba para kumain.

Mabuti na lang at wala si Panget, dahil ayaw ko syang makita. Baka lalo pa ako masaktan. Wala man akong karapatan, pero yung feelings ko talaga para sa kanya iba na. Humihingi na ng saklolo.

♡ ♡ ♡ ♡

Maaga ako nagising kinabukasan dahil maaga ang pasok ko sa publishing company. Paglabas ko pa lang sa pinto, nakita ko na agad si panget.

"Good morning panget." Nakangiting bati pa nya habang umiinom ng kape. Ang ganda ng ngiti.

Okay na sana ang magandang araw ko sa gwapong lalaking bumati sakin ngayon, pero kakainis pa rin talaga! Ang dami naman lalaki na pwede kong hangaan. Bakit sa kanya pa ako nababaliw?


Hindi ko na lang sya pinansin. Agad akong sumakay sa kotse ni mama. Hihiramin ko muna ang kotse nya papunta sa company. Pagka naihatid ko na sya sa school.

"Ang sungit mo naman yata sa crush mo?" Tanong ni mama. Habang nakalabas na kami ng compound.

"Ma. Hindi ko na po sya crush. Ayoko na sa kanya." sabi ko pa habang nagmamaneho.

"Sus. Ikaw pa. Eh parang kelan lang nakita kitang kinikilig." Pabirong sabi nya.

Wala pa sya sa edad singkwenta pero mukha pa rin syang bata. May lahi talaga kasi kaming babyface. Buti nga ang kay mama. Nasa mukha. Eh yung sakin. Nasa katawan. Para tuloy akong estudyante kulang na lang sya ang maghatid sakin.

"Good morning Ma'am Principal." Bati ng teacher na naroon ng makababa si mama ng sasakyan. Hindi ko pa nababanggit. Principal si mama dito sa public school sa laguna.

At dahil dito din ako nag-aral nung high school ako, ay kilalang kilala nila ako.

Agad akong umalis at mabilis na pumunta sa company. Pagkapark ko pa lang, at pagbaba ng sasakyan. Nakita ko na si Ms. Santos. Ang editor in chief. Isa syang matandang dalaga. Nabigo sa pag ibig kaya hindi na umibig muli.

"Good Morning Ms. Dimalanta. Kumusta ang Nobela mo? Umusbong na ba?" pabirong sabi nya. Ganon nya ako batiin kapag nagkikita kaming dalawa.

"Tapos na." nakangiting sabi ko.

"Hay salamat at tapos na. Isang magandang araw ito ngayon."

"Hehehe ganon ba." Buti pa sa kanya maganda araw nya, sakin, hindi.

"Oi. Ikaw ah. Bakit naman ginawa mong bisexual si Kiro sa kwento mo?" Pabulong na sabi nya.

Naglalakad kami papunta sa loob ng company.

"Alam mo ba na hurt ako dun." Dagdag pa nya.

"Kahit ako na hurt din eh." Sabi ko.

"Pero bakit nga ba ganon? Maganda na sana ang story eh. Pero ginawa mong bakla ang main character mo." dagdag pa nya ng makasakay kami sa elevator.

"Simple lang ang sagot jan. Dahil hindi si Kiro ang para kay Lara."

"Talaga.. Ibig sabihin may twist pa yan at hindi na ulit magiging lalaking lalaki si Kiro."

"Oo. Ganon na nga. Minsan ang pag-ibig may hangganan din."

"May ipapasok ka pang character ganon."

"Hmp.... Secret." sabi ko sabay tinawanan ko sya.

"Nga pala, pag nakita mo si Kieran ngayong araw. Wag mo syang pagtatawanan." sabi nya kaya nagtaka naman ako.

"Huh? Bakit?"

"Basta. Alam mo naman ang news diba." sabi pa nya. Pagkabukas ng elevator, agad kaming lumabas ni Ms. Santos. Papunta pa lang kami sa opisina namin. Nang may sumalubong sakin na isang babae.

Naka shades ito. Matangkad, maganda, mahaba ang buhok at naka kulay black pa na formal suit. Nagulat ako ng bigla akong yakapin. At pagkatapos tinanggal nya ang shades nya at tumingin sakin.

Wait? Kieran?

"Kamusta na Clara." bati nya. Boses, bading. Halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Mali yata ang nakikita ko.

"T-t-t-teka... I-i-ikaw si Kieran?" utal kong tanong at tumango sya.

Parang gumuho ang mundo ko. Ang isang gwapong Kieran. Mukha ng magandang babae ngayon.

Na hindi ko akalain na parehas sa eksena na ginawa ko, ang nangyari sa kanya.

♡ ♡ ♡ ♡

Simula ng malaman ni Lara na isang bakla si Kiro, ay hindi na ito nagpakita pa sa kanya. Labis na nasaktan ang damdamin ni Lara dahil buong akala nya, kahit na maging bakla pa ito ay mamahalin pa rin sya at sya ang pipiliin kaysa sa lalaki nitong karelasyon. Makalipas ang ilang bwan. Muling silang nagkita ngunit, hindi lubusan akalain ni Lara, na ang dating Kiro na kanyang minahal ay malayong malayo na kaysa sa dati, dahil sa porma nitong pambabae, sexy at mahaba na ang buhok at babaeng babae na kung tignan.

♡ ♡ ♡ ♡

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now