C ♡ 16

115 9 4
                                    

Clari Pov

Nakapark na ang kotse ko sa tapat ng bahay. Pagbaba ko biglang nagsilapit ang mga kapitbahay namin na si Tere, Linda at Baby.

"Naku! Naku Clar. Buti nakauwi ka na." sabi ni Linda.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanila.

"Yung anak mo na si Clara, lumayas." sabi ni Baby.

"Ha! Lumayas?"

"Oo, mukhang nag away sila ng ama nya. Ang sabi pa. Hindi daw sya uuwi ng bahay." sabi pa nya.

"Pero bakit?"

"Naku. Claire. Kausapin mo yang mister mo." sabi pa ni Tere.

"Saka nakita ko si Clara kanina may lalaki syang sinamahan. Umangkas pa nga sya sa motor." sabi pa ni Linda.

"Sino?"

"Si Adonis.. Yung binatilyo mong kapitbahay. Yung laging tumutulong sayo at laging nagpupunta sa bahay nyo. Alam mo, tingin ko, may relasyon yang anak mo at Adonis. Pero wala naman masama yun. Parehas naman silang nasa tamang edad na pero dapat di na sya naglayas." tuloy tuloy na sabi ni Baby.

"Alam mo tingin ko nagtanan na yung dalawa." sabi pa ni Linda.

"Naku. Hindi naman siguro, hindi naman ganon si Clara. Saka si Adonis, hindi naman ganon yung batang yun. Mabait yun." pagtatanggol ko pa.

"Hay naku. Kung ako sayo tanungin mo na si Don Hendrick. Alam naman namin kung gaano kayaman yang mister mo, siguro nagalit kay Clara kasi si Adonis ang boyfriend nya." sabi pa uli nya. Basta tsismis talaga marami silang nalalaman.

"Sandali at tatanungin ko si Hendrick." sabi ko pa.

Kinakabahan ako habang nasa harapan ng pintuan namin. Saradong sarado ang bahay at walang kailaw ilaw kahit sa labas. Lalo na sa itaas kung saan naroon ang kwarto ko.

Nakalock pa ang pinto, kaya kinuha ko ang susi ko at agad na binuksan ang pinto. Pagbukas ko, halos wala akong makita. Kinapa ang switch sa gilid malapit sa pinto.

"Teka? Naputulan ba kami ng ilaw? Pero kababayad ko lang nitong bwan ah." sabi ko sa sarili ko. "Hendrick! Hendrick!" sigaw ko. Nang biglang isa-isang bumukas ang maliliit na ilaw na nagkalat sa sahig at kung saan saan parte ng bahay, lalo na sa lamesa.

Nagkalat pa ang mga rose petals sa paligid meron din sa hagdan.

"Hendrick!" muling sigaw ko at nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"Hey honey. What do you think of my surprise?" tanong nya at biglang nag-init ang ulo ko.

"Ano bang ginagawa mo? Ano ito? Ano yang mga yan?" inis kong tanong at tinuro ang mga nakita kong kalat sa paligid.

"Why? Don't you like it?" tanong pa nya.

"I like but to messy!" totoo nagustuhan ko pero ayoko ng masyadong makalat ang buong bahay.

"Good.."

"Teka teka! Anong pinagsasaabi ng mga kapitbahay natin na ang anak nating si Clara, ay naglayas daw."

"Hindi yun naglayas." agad nyang sagot.

"At nag away daw kayong dalawa? Totoo ba?"

"No. Hindi yun totoo. Umalis lang si Clara. Kasama si Adonis."

"Jusko. Akala ko totoo na mga sinasabi nila na naglayas ang anak natin at nakipagtanan." sabi ko at halos maupaupo ako sa sahig.

"Don't be nervous. Si Clara ang may plano nito." sabi pa nya kaya nagulat ako.

"What!"

"Yeah. And you know what honey. Gusto nya magkabalikan na tayo. Ano sa tingin mo?" nakangiting sabi pa nya.

"Hendrick. Matatanda na tayo."

"Tumatanda ang itsura, pero ang puso mananatili pa ring bata." sabi nya.

Kung kaylan tumatanda na kami pareho saka naman sya ganito.

"Mag-ama nga kayo ng anak mong si Clara. Basta mapa-romantic ayos lang sayo."

"Hahaha.. Syempre. Sakin nya namana ang pagiging hopelesa romantic.."

"Hopeless romantic? Kaya pala! Oh sya! Buksan mo na ang ilaw. Ayoko ng madilim."

"Bakit dati gusto mo sa dilim honey, lalo na pag magkasama tayo."

"Pwede ba Hendrick! Kung ano-ano na naman yang pinahsasabi mo!" inis kong sabi sa kanya.

"Pero romantic date natin to."

"Gusto mo romantic date?"

"Yes.. Of course."

"May valentines party dito, gusto ko magpunta ka!"

"What!"

"Anong what, what ka jan? Basta pumunta ka!"

"Okay sige kung, yun lang ang way para magkabalikan tayong dalawa." sabi pa nya.

Binuksan nya ang lahat ng ilaw. Mabuti na lang sarado ang lahat ng bintana. Dahil maraming tsismosa ang sisilip para makasagap lang ng balita.

"I'M BACK!" kinabahan ako ng biglang bumukas ang pinto. Si Christa nakauwi na. Nanlaki pa ang mata nya ng makita ang paligid. "Whooo! Hoo hooo! What is this happening huh?" sabi pa nya habang tinignan ang paligid.

Hinatak ko sya at sinara agad ang pinto dahil may mga nakatingin na kapitbahay.

"Si Clara. Sya may gawa nyan."

"Wow! Ang sweet naman ng kapatid ko. Alam ba nya na ngayon ang uwi ko at may pa rose petals pa sya. Ohh look. May romantic date ah." sabi nya at tumawa. "Akala ko para sakin. Para sa inyo pala ni mama."

"Wrong timing ka nak." sabi pa ng ama nya."

"Sorry hindi ko alam. Pero ang cheap ah. Dito pa talaga sa bahay. Bakit hindi na lang sa hotel papa."

"Ayaw naman ng mama mo."

"Hahaha.... But wait? Where's Clara?"

"Lumabas lang saglit." sagot ng ama nya.

"Akala ko nakipagtanan na. Yun kasi ang sabi ni Ate Linda."

"Hay naku. Jan na nga kayo. Sumakit ang ulo ko. Pag uwi ni Clara. Ipalinis mo itong mga nagkalat na ito."

"But honey. This is romantic date of us."

"Ah basta yung sinabi ko sayo. Yun na ang desisyon ko."

"Don't worry papa. Ako na lang muna i-date mo."

"Yan. Tama yan. Unahin mo muna i-date ang mga anak mo." sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto ko.

Mula sa sahig, hagdan at hallway, nagkalat ang rose petals. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto. Pati sa kama. Nagkalat ang mga rose petals.

Nagmana talaga sya sa ama nya na ganito mag-isip ng romantic date.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon