C ♡ 14

130 10 2
                                    

Clarabell Pov

K♡I♡N♡A♡B♡U♡K♡A♡S♡A♡N

Ang ganda ng gising ko dahil sa isang magandang panaginip. Kaya napapaligiran ako ng mga puso ngayon.

Well, sino pa ba ang nasa panaginip ko kundi si Adonis lang naman. Sa panaginip ko kasi umamin daw sya na may gusto sya sakin at nagkiss daw kami. Kung pwede lang hindi na magising eh.

♡ ♡ ♡ ♡

Maagang umalis si mama para pumasok sa school. Si papa naman, ay dito na natulog. Guess what. Tabi natulog si mama at papa kagabi. Feeling ko. Malapit na uli sumibol ang nalanta nilang pag iibigan.

"Goodmorning." Bati ni papa. Pagkababa ko. Nagkakape na sila ni Panget, parehas pa naka de kwatrong upo.

Tss! Ano mag-ama kayo ganon?

Si papa, nakaupo habang hawak hawak ang newspaper. Si Adonis naman, hawak ang cellphone. Mukhang may ka text.

Muling sumagi sa isip ko, na may girlfriend nga pala sya kaya hindi ako pwedeng matuwa.

Isa-isa naglaglagan ang mga lutang kong puso na nagkalat na ngayon sa sahig. Pwede na nilang tapaktapakan.

Nagpunta ako sa kusina. Para duon magkape.

"Wala ka bang gagawin ngayon?" tanong sakin ni papa. Lumapit sya sa akin at umupo sa upuan na kaharap ko.

"Wala naman. Bakit?" tanong ko habang hinahalo ko ang kape ko.

"Yayain sana kitang i-date ngayon, bago ka i-date ng iba." Sabi ni papa. Di ko alam kung iniinsulto ba nya ako o ewan.

"Wow huh! As if naman na may makikipagdate pa sakin." inis kong tugon. Pag ganon ang topic, naiinis ako. Bitter na kung bitter.

"Hmmm... Malay mo lang naman."

"Bakit kaya hindi na lang si mama ang i-date mo. Para naman magkabalikan na kayo."

"Gusto mo ba na magkabalikan kami ng mama mo?"

"Yes of course! Sino bang may ayaw. Saka sampong taon na kayong hiwalay ng bahay. At hiwalay ng buhay. Hindi nyo man lang sinubukan magmahal ng iba."

"Tutulungan mo ba ako?" muling tanong nya.

"Oo naman. Kung pangarap mong mabuo uli tayo. Pangarap ko rin yun."

"Okay sige. May plano ako."

"Talaga? Ano yun?"

"Mamaya bago umuwi ang mama mo. Umalis ka muna."

"Huh! Pinapalayas mo ba ako?" inis kong tanong.

"No. I mean. Lumabas ka muna." paliwanag nya.

"At saan naman ako pupunta?"

"Kahit saan. Kahit isama mo pa itong si Adonis. Diba Adonis?" baling nya kay panget.

"Yes tito." agad naman nitong sagot.

"At saan naman kami pupuntang dalawa?" muli kong tanong.

"Kahit saan nyo gusto. Para naman magkaroon kami ng oras ng mama mo."

"Bakit kaya hindi na lang sya ang yayain mong lumabas?"

"Hindi yun papayag. Kaya nga dito na lang sa bahay. I-sosopresa ko sya."

"Romantic date with candle lights and rose petals. Sa loob ng kwarto nya?" tanong ko.

"Romantic date? yeah."

"Wow! Sana all may romantic." naiingit na sabi ko habang umiinom ng kape.

"So????"

"Oo na! Sige na. Mamaya. Iiwanan ko kayo. Siguraduhin mo lang magkakabalikan na kayo. Dahil hindi ako uuwi ng hindi kayo nagkakabalikan. Kaya pilitin mo sya." pagbabanta ko pa.

Hindi ko alam kung ano ang plano ni papa, pero kung ano man yun, susuportahan ko sya, kung iyon lang ang paraan para magkabalikan silang dalawa.

"Ano pa lang gusto mong ulamin mamayang lunch?" tanong ko sa kanya.

"Ipagluluto mo ba ako?"

"Oo. Masarap ako magluto. Pwede na nga ako mag-asawa, kaya lang yung iba jan. Mukhang walang balak mag-asawa." parinig ko at tumawa ng malakas si papa.

"May pinariringgan ka ba jan?" natatawang tanong ni papa.

"Wala naman pa. Ewan ko lang kung may makakarinig sakin ngayon." sabi ko at nilakasan ko ang boses ko.

"Sa lakas ng boses mo nget. May makakarinig talaga sayo." biglang sabi ni panget.

"Talaga? Buti naman naririnig pala sinasabi ko." sabi ko pa.

"Oo naman. Ang ingay mo kaya." seryosong sabi nya.

"Alam mo panget. Yung mga maiingay na tao, sila yung tunay na mababait. Pero yung mga, tatahimik lang sa tabi-tabi. Sila yung may masamang ugali." sabi ko at muling tumawa si papa.

"Magluto ka na lang ng kahit na ano, yung kasya lang sating tatlo." sabi ni papa.

"Mamalengke lang ako." sabi ko.

"Samahan na kita." prisinta ni Panget at tumayo. Bigla naman ako kinilig. Dahil sasamahan nya akong mamalengke.

"Sure ka baka busy ka jan sa katext mo." tanong ko. Kailangan pakipot muna ng konti.

"Ayaw mo di wag." sabi nya at muling umupo. Bilis sumuko.

"Ayyy.. Wala akong sinabi ah. Tara.. Bilisan mo." sabi ko at hinatak ko sya para makatayo sa inuupuan nya.

Sumunod naman sya at ngumiti na tumayo. Di nya lang alam. Tuwing ngingiti sya ang puso ko kinikiliti na.

Muli na naman ako umangkas sa motor nya. Sa ganong paraan ko lang sya mayayakap. Ang sarap sa pakiramdam ang sandaling kasama ko sya. Kung pwede lang tumigil muna ang oras, para mas matagal ko pa syang kayakap at kasama.

In love na talaga ako sayo panget. ♡♡

♡♡♡♡♡ L(*OεV*)E ♡♡♡♡♡

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now