C ♡ 10

136 10 2
                                    

Clarabelle Pov

Muli kong tinitigan si Kieran. Hanggang sa napatingin ako sa dibdib nya. Halos mapapikit ako, at pailing-iling. Hindi ako makapaniwala na meron na syang dibdib, kagaya ng naisulat ko sa kwento ko.

King ina. May dibdib na? Mas malaki pa sa dibdib ko. Sabi ko pa sa sarili ko at napakapa pa ako sa dibdib ko.

"T-tunay ba yan?" tanong ko kay Kieran at tinuro ang dibdib nya.

"Eto ba. Naku! Silicone lang ito, yung sinusuot. Para naman mag mukha akong maganda diba?" maarteng sabi pa nya.

Hindi ko lubos maisip na bakit kailangan pa nyang lumantad ng ganyan kung pwede namang hindi? Kasi naka professional nya at sobrang nakakapanghinayang.

Para akong wala sa sariling tinalikuran sila at pumasok na sa opisina.

"Anong nangyari dun?" rinig ko ang maarteng boses ni Kieran.

Nakakarindi. Dahil hindi sa kanya bagay ang ganon. Mas bagay sa kanya ang pagiging maton, o kahit mukhang lalaki pa rin tignan at least sa ganong looks nakakakilig pa rin sya. Hindi yung, sobrang ganda na nya.

Hindi pa rin mag sink in sa utak ko ang mga nangyayari kay Kieran, kaya agad kong pinasa kay Ms. Santos ang nagawa kong kwento.

"Okay ka lang?" tanong nya.

"Hindi ko lang maintindihan. Bakit kailangan pa nya ibulgar na ganon na sya ngayon." tanong ko kay Ms. Santos.

"Hindi mo alam?"

"Bakit ano ba yun?"

"Inspired sya sa kwento mo. Itong bago lang na ginagawa mo." sabi pa nya.

"Paano nyo naman po nasabing inspired sya sa gawa ko? Eh kaylan lang nalaman ni Kiro na bakla pala sya."

"Oo yun na nga. Alam mo ba na si Kieran may girlfriend yan. At may karelasyon ding lalaki. Tapos itong kaylan lang diba, umamin si Kieran na isa syang bisexual at nito lang din, ginawa mong bisexual ang main character mo. Kaya feeling daw nya. Yung ginagawa mo raw na kwento ay parang parehas daw sa kung ano sya ngayon." kwento pa nya.

Halos mapanganga ako sa kwento nya. Hindi ko naman akalain na may ganon pala syang karanasan. Na pares sa kwento na ginagawa ko.

Bigla ko tuloy naisip na baka kasalanan ko pa dahil isinulat ko sa kwento ko ang paglantad ni Kiro bilang ganap ng babae.

Maaga ako umuwi, dahil wala naman akong gagawin, dahil naipasa ko na ang dapat kong ipasa kay Ms. Santos.

Bago umuwi, dumaan muna ako sa grocery, namili ako ng mga pangtanggal stress ko. Bumuli na rin ako ng soju sa isang korean store. Parang gusto ko mag-inom.

Nang makarating ako sa compound ay nag park ako agad sa tapat ng bahay, saka ko nilabas ang mga pinamili ko. Pagbaba ko.


"Ako na magbubuhat nito." Rinig ko ang boses ni Panget. Bigla ako kinabahan. Di ko kasi namalayan na nasa likuran ko na pala sya.

"Hindi na ako na." Sabi ko. Pero inagaw nya ang bitbit ko.

"Medyo mabigat ito ah. Tapos dalawa pa. Eh kaya hindi ka lumalaki dahil nagbubuhat ka ng mabigat." Sabi pa nya at binitbit nya ang dalawang ego bag na pinamili ko.

"Medyo mabigat lang dahil sa sampong soju na binili ko at ibang korean foods. Pero kaya ko naman. Halos tubuan na nga ako ng muscles oh." sabi ko pa at pinakita ko pa ang braso ko.

"Buksan mo na nga yung pinto." utos pa nya kaya sininghalan ko sya. Binuksan ko agad ang pinto ng bahay. Agad naman syang pumasok.

"Palagay na lang jan sa mesa." Sabi ko. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. "Pwede ka ng umuwi, salamat." sabi ko pa sa kanya.

Kung kaylan ayaw ko na muna sya makita saka naman sya parang kabute na bigla bigla na lang susulpot.

Magkapitbahay lang naman kami pero, hindi naman nya kailangan gawin ang ganito. Sa dami ng kapitbahay namin dito sa compound. Mas madalas syang tumulong dito sa bahay. Lalo na ang mag lagi dito sa loob. Halos gawin na nyang tambayan.

"Dito muna ako. Lalo na wala kang kasama dito. Hintayin ko lang dumating si tita." Sabi pa nya at umupo sa sofa.

Wow huh! Sanay na sanay na talaga syang tawaging tita si mama. Close na talaga. Tss! Kung ako lang ang papakasalan mo. Mommy ang gusto ko itawag mo sa mama ko. Sabi ng isip ko. Pero tinaasan ko sya ng kilay

"Ano ako bata kailangan pang bantayan?" inis kong tanong.

"Oo. Para ka kayang bata." agad nyang sagot.

"Ah ganon. Sige.. Dahil nandito ka. Samahan mo na lang ako mag-inom ngayon." sabi ko sa kanya. Wala sana ako balak yayain sya mag-inom pero nandito na sya eh.

"Seryoso? Mag-iinom ka talaga?" gulat pa nyang tanong.

"Oo. Saka, hindi ako madaling malasing kaya hindi mo ko malalasing. Lalo na soju lang ang iinumin ko." sabi ko pa.

"Kahit soju yan. Nakakalasing pa rin yan." sabi pa nya.

Umakyat ako sa kwarto ko para magpalit na ng damit. Susulitin ko na lang ang mga araw na kasama ko sya bago sya magpakasal.

Wala naman akong magagawa dun. Nakaplano na ang buhay nya. At ako. Hindi ko alam kung kaylan pa ba ako mag-uumpisa.

Crush na nga lang, pinagkait pa. Eh ang manliligaw at future boyfriend pa kaya? Hay naku naman. Asa ka pa ba Clara?

Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Nasa loob na naman ako ng pantasya ko at imagination.

"Wala ng pag-asa si Kieran. At kung may maglalakas lang ng loob na manligaw sakin. Di ko na papahirapan pa. Oo na ako kaagad." Sabi ko pa. "Lalo na kung ikaw yun panget." Dagdag ko pa, na kausap muli ang sarili.


♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now