C ♡ 25

124 7 0
                                    

Clarabelle Pov

Bigla akong nainis sa sagot ni Ate. Ewan ko ba. Ang bitter ko kasi kakainis.

"Sana all may lovelife." malungkot na sabi ko kay ate. Pinapa-inggit na naman sya sakin na may jowa sya. Hindi lang sya kundi mga kaibigan kong may jowa.

"Wag kang bitter nak. Malay mo bukas may jowa ka na." sabi pa ni papa.

"Hindi na ako aasa jan." sagot ko.

"Teka. Ano itong teddy bear mo dito?" tanong ni ate ng makita na nasa unan ko nakaupo.

"Sinong nagbigay nyan?" tanong ni mama.

"Si Adonis po, nung nagpunta kami nun sa enchanted kingdom." sagot ko.

"Ang cute ah." sabi pa ni Ate at hinawakan ang mukha.

"Akin na nga yan si Polita." sabi ko at inagaw ko sa kanya si Polita, iniwasan ko mahawakan sa paa dahil maririnig nila ang voice record ni Adonis.

"Sino naman nagbigay ng pangalang Polita jan sa bear mo?" tanong ni mama. Biglang tumawa si papa.

"Si Adonis mismo." agad kong sagot.

"Naalala mo honey. Polita tawag ko sayo." natatawang sabi ni papa, tumawa din si mama.

"Bakit anong meron sa Polita?" takang tanong ko.

"Bansag ko sa mama mo yan. Ang ibig sabihin beautiful." paliwanag pa ni papa.

"Patingin nga kung beautiful?" sabi ni ate at biglang nahawakan nya sa paa kaya nagsalita si polita.

Hoy panget! Psst! Oo ikaw nga panget.. He he he.. Alam mo nget.. Ang panget mo. Hahaha... Pero ito lang masasabi ko sayo. This guy's in love with you panget.

"Ha? Ano raw?" tanong ni Ate at tumawa sina mama at papa. Nakaramdam ako ng hiya. "Tinawag kang panget?"

"Meaning, kabaligtaran lang yun, pero ibig sabihin talaga nun maganda." sabi pa ni papa. Kaya sumimangot ako.

"May maganda bang tinatawag na panget?" Tanong ko.

"Oo, ikaw yun nak. Maganda ka, kaya ka tinatawag ka nyang panget." sabi ni mama.

"Para hindi sya mailang sayo." sabi pa ni papa.

"So, yun ang callsign nyo? Akala ko nag-aasaran lang kayo." tanong ni Ate.

"Akala ko rin, inaasar nya ako."

"Pero umamin na." nakangiting sabi ni papa.

"At inlove daw." panunukso naman na sabi ni mama.

"🎶 This guy's in love with you panget.. This guy's in love with you panget..
This guy's in love with you panget.. Baliw na baliw sayo... 🎶

Sabay sabay silang kumanta kaya natawa ako sa kanila. Muling lumigaya ang puso ko. Pakiramdam ko buong buo na uli ang pamilya ko. At hindi na muling malalanta kahit na kaylan. Ilang saglit lang nag group hug kami.

♡ ♡ ♡ ♡

K i n a b u k a s a n . .

Hapon na nang mag-umpisa na kami ng mga kaibigan ko na magpalaro sa plaza. Para lang sa mga kababaihan ang larong iyon. At ang mga kalalakihan tanging naging audience para suportahan ang kani-kanilang manok.

Sari-saring laro ang naisipan nila Hazel, Faith at Zora. Kaya halos manakit na lang ang tyan sa kakatawa ang mga nanonood. Kahit ako di ko rin napigilan hindi matawa. Puro kalokohan kasi ang naisipan nilang pamagat ng laro. Tulad na lang ng..

Basagin mo ang itlog ko. Ito yung laro na kailangan basagin ang itlog na nakablind fold.

Hinudin mo ang katas ko. Mula sa talong na nilagyan ng peanut butter at kailangan maubos at maging malinis ang talong.

Dilaan mo, may asim pa ako. Kailangam dilaan ang lemon na hindi naasiman ang mukha.

"Dahil masaya ang lahat. Isasali na ang mga kalalakihan sa ating laro." sabi ko pa. Isa ako ang emcee. "Oh ito ha. Malaking prize ito kaya galingan nyo. Ang tawag sa larong ito." Sabi ko pa.

"Sipsipin mo! Higupin mo ako!" sabay sabay naming sabi nila Hazek. Nagtawanan ang mga manonood.

"Ganito lang ang laro, gamit ang straw ng milk tea. Ayan na malaki na yan, sisipsipin nyo ang playmoney at hihigupin nyo lang at wag nyong hahayaang matanggal sa pagkakahigop para nakadikit at dadalhin nyo sa kabilang panggana." paliwanag ni Hazel.

"At kung sino ang grupo na mananalo. Syempre may premyo mula sa ating sponsor na si Don Hendrick."

"At dahil jan! Ready na ba ang lahat?!!" sigaw namin. "Kung ready na. Lets do it! Go!"

Ang saya nila tignan, pero ako, palinga-linga sa paligid inaabangan kung anong oras makakauwi si Adonis. Parang dalawang araw ko na sya hindi nakikita.

"Okay ka lang?" tanong ni Zora sakin.

"Oo okay lang ako." agad kong sagot.

"Nga pala ako na ang nagtanong kay Jovert ng tunay na pangalan ni Adonis." sabi pa nya.

"Ano raw?"

"Adonis Terrence Hermosa Dela Vega. Grabe ang haba. Middle name nga ang gamit nya." sabi nya na parang nahirapan pa banggitin ang pangalan ni Adonis.

"Pero bakit daw? Alam ba nya dahilan?" tanong ko.

"May tampo daw sa ama. Pero okay na raw sila."

"Nga pala, nakaready na ba ang instrument natin para sa banda natin mamaya?" muling tanong ko.

"Oo naman. Grabe. Na miss ko ulit tumugtog." sabi nya at parang na excite sya.

"Kahit ako." sabi ko pa.

Isang banda kasi kami nuon nila Hazel, Faith at Zora, ang tawag sa banda namin nuon Bella's Rakistas. Dahil ang pangalan ng compound namin ay Bella. At kami, college pa lang nuon, mahilig na kami sa mga banda. Kaya naisip naming bumuo ng grupo. Ika nga namin nuon, music is life.

"So.. Okay na lyrics mo?" muling tanong nya.

"Oo. Okay na. Be ready na lang mamaya. Pero sana dumating sya." sabi ko pa.

"Darating yun. Nagpromise sya kahapon. Susubukan nyang makapunta para mamaya." sabi pa nya.

Muli kaming bumalik sa naglalaro. Pero kahit na itinuon ko ang isip ko sa mga naglalaro, si Adonis pa rin ang iniisip ko.

Naiinip kasi ako at parang hindi ako mapalagay.

Gabi na pero hindi ko pa rin sya nakikita. Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko, agad kong tinignan. Si Adonis ang nagtext. Kaya agad kong binasa.

Panget. Sabi nya sa text message nya. Wala man lang karugtong. Kaya napabuntong hininga na lang ako.

Umuwi ako sa bahay para makapagpalit ng damit dahil maya-maya, uumpisahan na naming tumugtog.

Pag uwi ko sa bahay. Wala pa rin ang motor nya. Patay pa rin ang ilaw ng bahay nila. Kaya muli na naman akong nalungkot.

Hindi na talaga sya darating.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now