C ♡ 2

201 14 0
                                    

Clarabelle Pov

Muli akong kumanta. Wala akong pakealam kung sumakit ang tenga nya sa boses ko.

🎶 And even if the sun refuse to shine
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart
Until the end of time..
You're all I need, my love. My valentine.. 🎶

Pagtapos ko kumanta, saka muling may kumatok sa pinto. Si Zora ang isa sa matalik kong kaibigan dito sa loob ng compound.

"May dala akong ulam. Nagluto si Nanay ng ginataang kalabasa na may sitaw." Sabi nya kaya agad kong pinatay ang sound system.

"Wow. Salamat."

"Kumain ka na ba?" tanong nya.

"Hindi pa. Ako nga lang mag-isa dito ngayon dahil wala si Ate, may team building."

"Late ba kami?" sabi ng mga kaibigan kong si Hazel, at Faith. May mga dala din silang tig isang mangkok na ulam. Madalas talaga silang kumakain dito sa bahay kahit nandito pa si ate at si mama.

Agad silang pumasok at dumeretsyo sa dinning area. Nilapag ang kanilang bitbit na ulam sa mesa at umupo na rin. Kumuha naman ako ng apat na plato at nagsandok ng kanin.

"Salamat sa pagkain." sabay-sabay naming sabi.

"Alam mo na siguro ang latest news ngayon no." sabi ni Zora.

"About Kieran? Yes. Alam ko na yun." malungkot kong tugon.

"Fake news yata yun bakla." sabi ni Faith.

"Hindi daw eh. Confirmed na daw." sabi naman ni Hazel. Kaya lalo akong nasasaktan.

"At dahil jan. Wala pa ako sa mood para sumulat." sabi ko pa.

"Ay sus.. Wag kang papa-effect." si Zora.

"Paano hindi ako magpapa-effect. Si Kieran lang ang ginawa kong inspirasyon."

"Inspirasyon? Eh hindi naman kayo." Prangkang sabi pa nya.

"Kahit na. Masama bang magkacrush?" tanong ko sa kanila.

"Hindi naman. Eh kaya nga wag kang magpapa-effect." sabi pa uli nya.

"Oo nga beshie bels. Saka excited na ako sa next chapter." sabi pa ni Hazel.

"Kaya bilis bilisan mo bakla. Ang daming abangers." sabi pa ni Faith.

♡ ♡ ♡ ♡

Inabot na ako ng alas singko ng hapon, at sa wakas. Nakatapos na ako ng isang Chapter ngayon. Kung hindi dahil sa mga kaibigan ko. Baka wala na akong nagawang magandang idea, kung paano malalaman ng bidang babae, na isang bisexual ang boyfriend nya. Hahahah... Kaya siguradong maraming iiyak at magagalit na abangers, kapag nalaman nila na isang bakla ang lalaking pantasya nila. Like me for Kieran.

Goodbye Kieran my loves.

Nag stretching muna ako saka nilapag ang laptop sa mesa bago tumayo. Dumating na kasi si mama.

"Pakilagay na lang sa loob anak." sabi ni Mama kausap si Adonis. Mula sa compartment ng kotse ni mama, nilabas nya ang mga pinamili nito.

Anak na ang tawag ni mama kay Adonis. Lagi kasi syang tumutulong kay mama lalo na kapag may ipapabuhat na mabigat. Puro babae kasi kami dito sa loob ng bahay at sya naman ay nag-iisang lalaki lang sa kabilang bahay. Mag-isa lang syang nakatira duon.

"Mama. Mano po." sabi ko. Kinuha ko ang bag nya at nilapag muna sa sofa.

"Nasaan ang Ate mo?" tanong nya.

"Umalis po, may team building po sila sa palawan." agad kong sagot.

"Hindi man lang sya nag text sakin para mag paalam."

"Nagmamadali po kasi."

"Anak. Dito kana maghapunan ah." baling nito kay Adonis.

"Naku po nakakahiya po." sagot nito at napakamot pa sa batok.

"Ngayon ka pa nahiya? Eh madalas ka naman kumakain dito, lalo na kapag nandito si Ate." naka cross arm kong tugon. Muli syang napakamot sa ulo naman at yumuko.

"Oh sya. Aakyat muna ako sa taas para makapagpalit na ako ng damit. Para makapag luto na rin ako ng ulam."

"Ano pong lulutuin nyo ma?" tanong ko.

"Yung paborito mong Afritada." sagot nya at umakyat na sya sa taas papunta sa kwarto nya.

Nagpunta ako sa kusina para ayusin ang pinamili nya, at kinuha ang mga kailangang rekado para sa lulutuing Afritada.

"Panget. Baka pwedeng pasuyo." sabi ko kay Adonis na nakatayo lang na parang pinapanuod lang ako.

"Ano yun?"

"Paabot nga yung green peas in can na iyon?" sabi ko sa kanya at itinuro ang cabinet na may mga delata. Sakto pa kasing nasa itaas pa inilagay ni Ate ang green peas. Sa liit kong ito, kailangan ko pang tumuntong sa upuan para maabot ko lang iyon.

Agad naman nya iyon kinuha. Nakakainggit ang tangkad nya. Abot lahat. Kahit ang puso ko abot na abot nya. Yung puso lang nya ang hindi ko maabot para mapasakin.

"Salamat." nakangiting sabi ko ng iabot nya sakin.

"Mag Cherifer ka kasi para tumagkad ka." pang-aasar pa nya.

"Sa tingin mo ba, sa edad kong ito. Tatangkad pa ako?"

"Tch! Nung bagong taon siguro, hindi ka tumalon."

"Jusko ah. Nagpapaniwala ka sa mga ganon? Alam mo ba. Bata pa lang ako, yan na pinaniwala sakin ni papa. Eh kita mo nga ngayon. Hindi man lang ako tumangkad." inis na sabi ko sa kanya.

"Baka may ipapaabot ka pa. Aabutin ko na." Seryosong sabi nya.

"Yung puso mo." pabirong sabi ko. Para pa syang nagulat kaya tumawa ako. "Joke lang." sabi ko sabay tawa. Nakakatawa pala ang itsura nya pag nagugulat.

Umupo na si Adonis sa upuan na naroon kaharap ko. Para panuorin lang ang ginagawa ko.

"Hindi ka naman galit sa bawang?" Biglang tanong nya. Nang makita nya kung paano ko tadtarin ng pino.

"Hindi. Ang sarap nga magtadtad ng ganito." sabi ko pa at muling tinadtad ang bawang.

Pinahuli kong balatan ang sibuyas saka hiniwa. Amoy pa lang nya nakakaiyak na.

"Ayan. Ginantihan ka ng sibuyas. Tinadtad mo raw kasi ang jowa nya." seryosong sabi pa nya.

"Anong jowa? Kelan pa naging mag jowa ang mga yan?"

"Eh diba couple sila."

"Sana all may couple." sabi ko at tumawa sya.

"Inggit ka sa kanila? Alam mo ba na couple talaga sila? Hindi ka makakagisa ng lulutuin mong ulam kung walang sibuyas o di kaya bawang." natatawang sabi pa nya.

"Oo na! Couple na sila!" inis kong tugon.

"Ano yan bakit parang nagtatalo kayo?" tanong ni mama ng makalapit ito sa amin. "Ako na jan. Habang naghihintay kayo. Duon muna kayo sa sala."

"Uuwi po muna ako." paalam ni Adonis.

"Bumalik ka ah. Ipapatawag na lang kita kay Clara pag kakain na."

"Sige po." sabi nya at lumabas na ito ng bahay namin.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now