C ♡ 23

113 8 0
                                    

Clarabelle Pov

Habang nakahiga sa kama. Paulit-ulit kong pinakinggan ang voice recorder ni Adonis sakin.

Naiiyak ako kasi, kakasabi lang nya ng feelings sakin na idinaan sa voice recorder nitong si Polita. Tapos malalaman ko may ibang babae pala sya.

Kaya nasasaktan ako sa iniisip ko, na nagkabalikan na pala sila ng girlfriend nya.

Akala ko ba may gusto ka na sakin. Akala ko. Dahil sayo, magkaka-lovelife na ako. Yun pala, puro lang pala akala ang lahat. Hanggang pantasya na lang talaga kita. Hanggang sa panaginip na lang kita mayayakap at mahahalikan. Sabi ng isip ko habang tumutulo ang luha ko.

"Belle! Belle!!" tawag ni Zora. Kaya pinunasan ko kaagad ang luha ko. Ayaw kong makita nya na iniiyakan ko ang lalaking panget na yun. "Belle!" muling tawag nya na kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Bukas yan." sabi ko pa.

"Tara na sa plaza. Nag order ng meryenda ang papa mo. Sabi nya, sunduon kita para makapagmeryenda ka na." sabi nya pero hindi ko sya nilingon.

"Wala akong ganang magmeryenda."

"At bakit? Dahil ba sa tsismis kanina?" tanong nya at umupo sya sa gilid ng kama.

"Oo. Nasasaktan ako Zora. Nagkabalikan na sila ng girlfriend nya." malungkot kong sabi.

"Ano bang pinagsasabi mo jan?" sabi pa nya.

"Bakit hindi ba? Sa tingin mo? Sino pa ba ang pwedeng pumunta sa kanya ng ganong oras tapos umiiyak at yayakapin sya?" tanong ko.

"Eh paano naman kung mali pala ang iniisip mo? Baka kapatid lang nya yun?" tanong nya.

"May ganon ba na magkapatid? Super close naman yata." sabi ko pa.

"Eh paano kung hindi nga at mali ka nga? Alam mo. Ang tsismis, minsan hindi totoo. Naalala mo ba yung tsismis sa inyo ni Adonis nung nakaraan?" tanong nya ulit.

"Sana nga totoo na lang lahat ng yun eh." sabi ko pa. At least nung mga araw na yun feel ko naman na parang mag-on kami.

"Alam mo belle. Nakausap ko si Adonis kanina. Tinanong ko kung bakit wala sya at hindi tayo sinamahan mamali, at tinanong ko din yung tungkol sa tsismis na yun." sabi pa nya.

"Mabuti ka pa, nakausap mo sya."

"Bakit hindi mo ba sya kinausap sya kanina?"

"Binalak nya akong kausapin kanina pero parang pin cushion yung puso ko, ang daming nakatusok na aspile samahan pa ng karayom. Kaya hindi ko sya nagawang harapin."

"Wow drama mo huh. Pero dapat pinagbigyan mo sya kausapin sya kanina para naman naitanong mo sa kanya at nakapagpaliwanag sya."

"Bakit ano bang sabi nya sayo?"

"Sabi nya hindi naman babae ang nagpunta sa kanya kaninang madaling araw."

"Eh ano yung nakita ni Aling Baby? Namalikmata ganon? Guni-guni ganon?" pabalang kong tanong.

"Oo. Sabihin na natin parang ganon na nga." sabi nya at natawa, kaya bigla akong bumangon at humarap sa kanya. Naguguluhan ako sa malokong tawa nya na parang may ibig sabihin.

"Sabihin mo nga Zora. Anong ibig sabihin ng tawa mo na yan?"

"Kasi naman Belle. Hindi naman daw babae ang nagpunta sa kanya kanina. Kundi isang bakla." natatawang sabi pa nya.

"Bakla?! Ibig sabihin namamakla na si Adonis ngayon?" gulat kong tanong.

"No... Hindi ganon Belle. Hindi sya namamakla. Kapatid nya isang bakla." sabi nya kaya mas lalo akong nagulat sa sinabi nya.

"M-may kapatid syang bakla?"

"Oo. Guess who?"

"Who?"

"Si Kieran Laurence Dela Vega." sabi nya kaya halos matuptop ang bibig ko sa pagkagulat dahil sa nalaman ko.

"W-w-wait? Si K-Kieran? K-kapatid nya?" utal kong tanong. Parang ayokong maniwala sa sinasambit nya.

"Oo. Kapatid nya." seryosong sabi nya.

"Oh my Gosh! Hindi ako makapaniwala." sabi ko pa at hindi talaga ako makapaniwala.

"Grabe ka, tinuhog mo ang dalawang magkapatid." pabirong sabi nya.

"Kaya pala, pag nakikita ko Kieran, parang kahawig ni Adonis at ganon na lang ang paghanga ko sa lalaking yun." paliwanag ko pa.

Ang gwapo naman talaga kasi si Kieran nung lalaki pa sya. At sa twing makikita ko nuon si Kieran. Parang si Adonis ang nakikita ko. Lagi pa ako nun kinakabahan kapag kausap ko si Kieran. Dahil parang si Adonis na ang kausap ko.

"Ano? Okay ka na?" tanong nya.

"Teka. Baka nanaginip lang ako ha. Eh ang alam ko ang apelyedo ni Adonis ay Hermosa? Eh si Kieran, Dela Vega?"

"Baka naman magkaiba ng ama. O di kaya, screen name lang ni Kieran yun. Or else, isa sa kanila ang gumamit ng middle name. Parang si tita, Claribel Bartolome ang gamit instead na Dimalanta." sabi pa nya. "Bakit di mo tanungin si Adonis?" tanong pa nya.

"Nahihiya ako."

"Kay Jovert ka na lang magtanong. Mag kaibigan sila, tyak maraming nalalaman yun." sabi pa nya kaya bigla akong tumayo.

"Tama. Tara bilisan mo." sabi ko pa at nagmadaling bumaba ng makita ko si Gerald na nakaupo sa sofa namin. "Gerald. Alam mo ba ang tunay na pangalan ni Adonis?" tanong ko.

"Adonis Hermosa." agad naman nyang sagot.

"Teka, nandyan pa ba si Adonis? Sa kanya na lang ako magtatanong."

"Wala. Umalis na. Dala ang motor nya."

"Huh? Umalis? Saan daw pupunta?" takang tanong ko.

"May despedida party yung groom and bride. Kaya umalis na." paliwanag nya kaya, napaupo na lang ako sa hagdan at nangalumbaba.

"Ano ba yan. Hindi man lang kami nakapag-usap. Kakainis naman." sabi ko ay napayuko.

"Okay lang yan. Bukas na lang kayo mag usap." sabi pa ni Zora.

"Sige na. Bumalik na kayo sa plaza. Kayo ng bahala sa lahat. Dito na lang ako sa bahay wala na akong gana." sabi ko at tumayo at muling bumalik sa kwarto ko.

Ang arte mo kasi Clara. May pa emote-emote ka pa jan. Kung nakausap mo sana kanina edi sana. Happy ka na ulit. Sabi muli ng utak ko at sinisisi ang sarili ko.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum