C ♡ 8

134 11 0
                                    

Adonis Pov

Buong akala ko kasi parehas kami ng nararamdaman ni Clara, katulad na lang ng ibinulgar ng mama nya na may gusto daw sa akin si Clara. Pero mukhang nagbago na yata.

"Ang sakit naman." Sabi pa ni Jovert sabay hawak sa puso nito na akala mo nasaktan talaga. Sabay tingin sakin.

"Well, napag-isipan pala namin na magkakaroon uli ng Valentines party." biglang sabi ni Zora.

"Ayus yan. Game ako jan." excited na sabi naman ni Jovert.

"At syempre lahat, pinaplano pa lang. Bago ang valentines day, febuary 13 pa lang, mag ce-celebrate muna kami ng Galentines day." sabi naman ni Hazel.

"Ano yun?" tanong ni Jovert.

"Para yun sa girls friendships valentines, kaya nga Galentines, for Girls only." sagot ni Clara. Hindi ko alam sine-celebrate pa nila yun.

"Eh paano naman sa mga boys." tanong ni Jovert.

"Edi Balentines. Letter B. Ba-lentines." sabi pa ni Faith, kaya natawa kami. Pwera lang kay Clara.

"Anu kayo mga Bakla. At gusto nyo, mag celebrate din." inis na sabi ni Clara. Mukhang wala sa mood.

"Syempre, may pa games pa rin kami tulad ng dati. Then after nun, ang start ng Valentines party." excited na sabi naman ni Hazel.

"Okay na ako sa Galentines day natin. Wala na akong balak umatend sa Valentines party." biglang sabi ni Clara.

"Ay sus. Nag drama na naman sya." sabi ni Faith. "Wag kang kill joy bakla. Kailangan mong pumunta."

"Para saan pa?" nakasimangot nyang tanong habang kumakain ng potato chips.

"Para hanapan ka ng date." sabay na sabi ng tatlo nyang kaibigan.

"Date? Naku. Sanay na akong walang date. Alam nyo naman N.B.S.B ako diba. Ha ha ha..." sabi pa nya at pilit na tumawa.

"Wag kang mag-alala. Hahanapan kita ng date sa valentines day." sabi ni Jovert sabay kindat.

"Tss! Talaga lang huh?"

"Oo. Akong bahala sayo Clara sagot kita." pagyayabang pa ni Jovert.

"Basta gwapo, no problem." seryosong sabi ni Clara.

"Oo. Gwapong gwapo. Sigurado. Kikiligin ka." sabi pa nito.

"Weh. Talaga lang ah. Kapag hindi ako kinilig jan sa sinasabi mo, pagbubuhulin ko kayo ng kaibigan mo." sabi nya sabay turo sakin.

"Bakit ako?" tanong ko.

"Bakit? Sino bang kaibigan nya? Ikaw diba?" siga nyang tanong.

"Baka hindi ako makakapunta sa party na yan. Ikakasal kasi a--" naputol ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Zora.

"Ha! Ikakasal ka na?" gulat pa nitong tanong. Hindi man lang nya pinatapos ang sasabihin ko.

"Oo nga pala. Sinundo mo pala ang girlfriend mo kanina." sabi pa ni Faith.

"Pero bakit hindi namin sya nakita? Nasaan sya?" tanong naman ni Hazel.

Naguguluhan ako sa kanila, sunod-sunod sila magsalita. Pati si Jovert wala ng tigil sa kakatawa.

"S-stop! I-I'm confused." utal kong sabi at nanahimik sila sandali.

• • • • •
• • • •
• • •
• •

Bumuntong hininga ako para magsalita muli pero biglang tumayo si Clara.

"Okay. Tapos na ang usapan. Alas kwatro na ng hapon. Pwede na kayong magsipag-uwi dahil may gagawin na ako." sabi ni Clara na hindi man lang nya ako hinayaang makapagsalita ulit.

"Hay.. Bitin talaga ang oras pag nag kwe-kwentuhan tayo." sabi ni Zora at sabay sabay silang tumayo.

"Bukas uli Beshie bels." sabi ni Hazel.

"Busy ako bukas eh. Saka monday back to work na ako."

"Okay sige. Sa free time mo na lang ulit. May pasok na rin kami sa monday." sabi pa nila.

"Ano pre dito ka lang? Wala kang balak tumayo?" tanong ni Jovert.

"Oo dito muna ako." mahinang sabi ko.

"Hokage moves, ninja moves, or kahit anong moves pre." bulong pa nya bago lumabas.

Agad na lumabas ang mga kaibigan nya. Ako naman ay nagpaiwan sa sofa na nakaupo.

"Hoy panget! Ano pang ginagawa mo jan? Pwede ka ng umuwi." masungit nyang tugon.

"Ang sungit mo naman. May red tide ka ba?" tanong ko.

"Red Heart meron! Lumabas ka na nga! Kung mang-aasar ka lang."

"Tutulungan kita mag ligpit ng mga kalat." sabi ko pa.

"Hindi na. Ako na! Kaya ko na ito." sabi pa nya. Pinagmasdan ko lang sya habang pinupulot ang mga balat ng junkfoods at pinupunasan ang lamesita.

Ang cute talaga nya. Sayang at hindi ko dala ang camera ko o kaya naman ang cellphone ko.

Muli syang tumingin sakin ng matalim, na kulang na lang mahahati ang katawan ko.

"Alam mo panget. Kung titigan mo lang ako habang naglilinis. Umalis ka na lang kaya!" inis nya nyang sabi habang pinupunasan pa rin ang lamesita.

"Eh ayaw mo naman na tulungan kita." sabi ko pa.

"Pero kung gentleman ka. Kahit sinabi ng isang babae na ayaw nilang mag patulong, dapat i-pu-push mo ang sarili mo para tumulong diba?! Hay naku!" inis na sabi nya.

"Malay ko ba na ganon pala ang gusto mo. Hindi ko naman alam." sabi ko.

"Malay! Malay! Palibhasa! Wala kang malay at wala ka ring alam!" mahinang sabi nya pero naririnig ko pa rin kung paano nya ipag diinan ang mga salita nya.

Hindi ko naman naisip na baka nagpapakipot lang pala sya, na kailangan suyuin ko pa. Para tuloy ako napahiya. Ang hirap nyang intindihin.

"Sige na, lalabas na ako. Maglagay ka ng yelo sa ulo mo." papalala ko saka tumayo.

"Ano ako may lagnat?!"

"Hindi ka nilalagnat, kinukumbulsyon ka na. Kitang kita ko paano umusok yang ulo mo sa init. Bawat salita mo may apoy na lumalabas." sabi ko pa.

Wala akong balak asarin sya. Gusto ko lang ipaintindi sa kanya kung gaano na kainit ulo nya lalo na sakin, gayong wala naman akong ginagawa sa kanya. At ganon na lang kabilis mag-init ulo nya. Ang hirap nyang intindihin.

Agad akong lumabas na ng bahay nila. Nagulat pa ako ng ibagsak nya ng malakas ang pintuan nila. Ramdam kong galit sya.

May toyo talaga. Kaya walang nanliligaw eh. Cute nga pero nakakatakot pag galit. Tch!

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon