C ♡ 22

111 10 0
                                    

Adonis Pov

Napakamot na lang ako ng ulo. Mukhang galit na naman sya sakin. Ilang sandali lang habang nakaupo pa rin ako sa tambayan biglang dumating si Zora.

"Ui Adonis! Nandyan ka pala." sabi ni Zora sa akin. Kasama nya ang boyfriend nyang si Gerald na kaibigan naman ni Jovert. "Nagkita kayo ni Belle?" tanong nya.

"Oo. Galit nga sa akin."

"Nasaan sya?" tanong ni Zora.

"Nanduon sa loob."

"Wait. Saan ka pala galing kanina at wala ka? Hapon na ngayon ka lang nagpakita?"

"Umuwi lang ako ng bahay. Bakit?"

"May tsismis sayo kanina?"

"Tsismis sakin?"

"Oo. Nanduon kami lahat sa plaza dahil bukas Galentines na. Pinagtitsismisan ka ng mga tsismosa nating kapit bahay." sabi pa nya.

"Ano raw?" tanong ko.

"Pinuntahan ka raw ng magandang babae dito kaninang umaga." sabi ni Gerald.

"Magandang babae?" tanong ko sa kanila.

"Oo. Magandang babae." sabi pa nya ng maalala ko kung sino ang binabanggit nya. Si Kieran Laurence Dela Vega. Kaya natawa ako. "Bakit ka natatawa?"

"Hindi naman babae ang pumunta dito kanina. Si Kieran yun." natatawang sabi ko.

"Huh? Si Kieran? Kilala mo si Kieran?" gulat nilang tanong.

"Oo. Film producer." natatawang sabi ko pa.

"Pero bakit sabi, umiiyak daw at niyakap ka pa raw?" tanong ni Zora kaya muli akong natawa.

Flashback

Nasa kasarapan ako ng tulog ng biglang tumunog ang phone ko. Agad kong tinignan at si Kieran pala ang tumatawag kaya agad kong sinagot.

"Oh bakit napatawag ka?" tanong ko sa kabilang linya.

"Maaga tayo aalis para sa wedding pictorial ni Scarlett."

"Oo. Alam ko na yan."

"Pinaalala ko lang sayo dahil gagawan pa natin sya ng mala MMFF. Ganon kaarte ang ex jowa mo." paliwanag nya. Ganon sya naiinis kay Scarlett dahil sumobra na raw ang kaartehan simula nung magkaroon ng boyfriend na kano.

"Tch! Oo sige na natutulog pa ako." sabi ko at pinatay ko na ang tawag nya.

Ilang saglit ang lumipas muli syang tumawag.

"Saan ka ba banda nakatira?" tanong nya

"Bakit?"

"Nag away kami ng jowa ko. Ibinaba nya ako dito malapit sa bella compound." sabi pa nya. Tinignan ko ang oras sa phone ko. 4 am pa lang kaya nainis ako.

"Alas kwatro pa lang ng madaling araw, ang aga nyo naman mag-away." inis kong tugon.

"Kanina kausap kita, nagpahatid na ako sa kanya, papunta jan sa bahay mo, kaya lang nag-away kami ng jowa ko kasi may babaeng tumatawag sa kanya at hinahanap sya, niloloko na naman nya ako." paliwanag pa nya.

"Sino ba kasi nagsabi sayo na magbakla ka?" tanong ko. "Kaya si Dad. Dismayado sayo." inis kong sabi sa kanya. Nakakatanda ko syang kapatid yun ang totoo.

"Wag ka ng magalit little brother. Nakakatakot dito sa labas parang ang daming tambay na adik baka ma rape ako dito." pabulong na sabi nya.

Feeling nya magagahasa sya sa labas gayong mukhang babae na sya. Dahil baka pag nalaman na bakla sya eh baka mabugbog pa sya kaya nag-alala ako.

"Oo na. Pumasok ka sa bella compound. Mula sa kaliwa pagpasok mo, may makikita kang kotse na pula. Walang ibang may kotse dito. Nag-iisa lang." paliwanag ko. Rinig ko ang hingal nya. Mukhang tumatakbo.

"Okay. Nandito na ako. Ang dali lang pala hanapin." sabi nya. Ganon kabilis nya natunton ang bahay ko. Kaya agad akong bumaba para pagbuksan sya ng pinto, at pagbukas ko bigla nya akong niyakap.

End of flashback.

Gulat na gulat si Zora sa nalaman nya.

"Totoo? Si Kieran Laurence Dela Vega, kuya mo?" hindi talaga sya makapaniwala sa kwento ko.

"Oo. Ako ang nakababata nyang kapatid." sabi ko na, nahihiyang tumingin kay Zora.

"Talaga. Nakakagulat talaga di ako makapaniwala." sabi pa nya.

"Bakit?" tanong ko.

"Alam mo ba na si Kieran, naging crush yan ng crush mo habang crush ka." pabulong na sabi nya. "Ang pogi kaya nun tapos gay pala." dagdag pa nya.

"Oo. Ganon talaga. Mga bata pa lang kami, tinago na nya. Pero hindi na nya nakaya. Kaya bumigay na." paliwanag ko pa. Pero hindi ko alam na nagkagusto pala si Clara kay Kieran at kung paano sila nagkakilala.

Si Kieran na lang tatanungin ko. Sabi ng isip ko.

"Pero, wag ka saking magpaliwanag ng mga sinabi mo sakin ngayon." paalala nya.

"Bakit?" muling tanong ko.

"Kay belle ka magpaliwanag. Kanina kasi ng marinig nya yung tsismis tungkol sayo, biglang sumama yung mood nya." paliwanag pa nya.

Kaya pala ganon na lang pala ang galit sakin.

"Alam na ba nya na may ako sa kanya?" nahihiyang tanong ko.

"H-hindi pa. Hindi pa namin sinasabi. Umamin ka na ba?" tanong naman nya sakin.

"Oo. Inamin ko dun sa voice recorder na ginawa ko." sagot ko habang ginugulo ang buhok ko.

"Oh anong sabi nya sayo?" muling tanong nya.

"Hindi pa raw nya pinapakinggan dahil wala pa raw syang time para pakinggan." paliwanag ko muli.

"G-ganon ba. Sige na. Baka gusto mong magpunta sa plaza. Nag order si tito ng meryenda."

"Hindi na. Maya-maya din aalis ako." sabi ko pa at nagilat si Zora.

"Aalis ka ulit?" tanong nila ni Gerald.

"Oo. May despedida party yung ikakasal mamaya, kaylangan nanduon ako kasi ako ang photographer nila. At bukas wedding day na." muling paliwanag ko.

"Ganon ba. Ibig sabihin ba, hindi ka pala makakapunta sa party dito bukas?" muling tanong nya.

"Susubukan ko."

"Naku. Malulungkot yun. Balak pa naman namin nila Jovert i-set kayo ng isang date." sabi pa nya.

"Hindi ako sure. Pero pag maaga natapos ang weeding party, promise dediretsyo ako kaagad sa plaza."

"Okay sabi mo yan. Sige na, papasukin ko muna yung hopeless romantic kong bestfriend baka umiiyak na naman. Iyakin kasi yun." sabi pa nya at pumasok na sya sa loob ng bahay nila Clara.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now