C ♡ 15

123 11 1
                                    

Clarabelle Pov

Hapon na, malapit na umuwi si mama.

"Ready na lahat papa. Mula sa romantic date nyo dito sa baba, hanggang sa romantic nights nyo sa taas. At sigurado ako. Yung mga tsismosa sa labas. Pag titsismisan kayo." sabi ko pa at tumawa si papa. Panay na lang sya tawa. Hay naku.

"Pwede ka ng umalis." sabay sabi nya.

"Grabe no. Basta basta mo na lang ako ipagtabuyan, para lang sa pag-ibig nyong dalawa no." Pabirong sabi ko. "Samantalang nabuo ako nung nagmamahalan kayo. Nahirapan ba kayo?" natatawang sabi ko.

"Kung ano-ano sinasabi mo. Sabi mo maraming tsismoso dito." sita pa nya sakin.

"Oo, kaya matitsismis ka. Kayo ni mama. Feeling teenager kayo." Pang-aasar ko pa.

"Your mama told me, who is your crush." bulong nya sakin. "So, this day, is for you too." sabi pa nya at ginulo pa ang buhok ko.

"Papa. Tsismoso ka rin pala no? Bakit di ka na magpa membership dito no?" pang-aasar ko pa ulit sa kanya. Lumabas ako ng pinto.

"Kapag okay na kami. Baka dito na ako tumira." seryosong sabi nya. Pero isa yung himala. Dahil ang isang Don Hendrick, kayang iwan ang mansyon nya para dito na tumira.

Unbelievable papa..

"Tandaan mo pa! Hindi ako uuwi ng bahay!" Sigaw ko. Para maglabasan ang mga tsismosa naming kapitbahay. At naglabasan nga. Tumingin pa sakin. "Sinasabi ko sayo pa! Hindi talaga ako uuwi dito!" sigaw ko pa.

"Oo na. Sige na. Lumayas ka na." sinakyan naman ni papa ang drama ko. Nakakatuwang tignan yung mga tsismosa naming kabitbahay na nagbubulungan.

"Oo! Lalayas na talaga ako! Bahala na kayo!" sabi ko pa.

Agad akong lumabas ng compound na panay ang tawa. Nakita ko si Panget na hinihintay ako. Ang cool nya na nakasakay sa motor. Naka demim jacket sya na pares ng sakin. Para tuloy kaming couple.

Dyos ko. Ngayon lang naman. Wag po kayong mag-alala. Hindi ko po sya susulotin. Sosolohin ko lang.

"Lets go." sabi nya sakin at sinuot ang helmet sa ulo ko. Napangiti ako. Ang sweet nya kasi. Agad akong umangkas sa likod at kumapit sa bewang nya.

Muli ko na naman sya nayakap. At ang bango bango nya. Nakaka inlove talaga kapag ganitong lalaki ang kasama.

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Mag de-date." agad nyang sagot.

"Gumagaya ka kay papa ah. Puro kalokohan." sabi ko pa, habang nakaangkas at syempre nakayakap ng mahigpit sa kanya.

"Sa enchanted kingdom lang naman tayo."

"Sige. Na miss ko na pumunta duon." masayang sabi ko.

Tama yan Clara. I-enjoy mo lang ito ngayon, habang wala pa ang girlfriend nya.

♡ ♡ ♡ ♡

Ito na yata ang maituturing kong first date. Ang saya pala sa pakiramdam ang makasama yung lalaking pinapantasya ko lang sa mga libro ko, pero ngayon. Totoo na. Kaya sobrang kinikilig ako.

"Ano kayang magandang rides?" tanong nya at palinga-linga sa paligid.

"Kahit ano basta kasama ka." sabi ko, at sumabay ang ingay ng mga nagtitilian kaya sigurado akong hindi nya narinig.

"Ha? Ano yun?" tanong pa nya.

"Ha? W-wala." utal kong sagot at ngumiti. Yun na lang ang kaya kong gawin ang ngitian sya.

"May height limit ang rides nget. Baka di ka payagang sumakay." pang-aasar pa nya.

"Wow ha! Grabe ka ah! Ano ako bata?" inis kong tanong.

"Tara dun na lang tayo sa ferris wheel." sabi nya at hinawakan nya ang kamay ko. Wheel of fate. Isa sa mga romantic rides.

Sobrang kinikiling ako... Feeling ko kami na at may pa holding hands pa. Sabi pa ng isip ko, kahit na ang hawak lang naman nya sa kamay ko ay parang isang bata para hindi mawala.

Hindi mawala sa labi ako ang magandang ngiti ko, habang nakasakay kami sa ferris wheel. Ngiti lang yata ang maganda sakin. Wish kong huminto ang ferrish wheel pero imposible yun.

Pagkababa namin ng ferris wheel, biglang nagring ang phone ko. Lagi ito nakakwintas sa leeg ko para alam kong may tumatawag sakin.

"Wait lang, si papa tumatawag." sabi ko pa kaya agad kong sinagot. "Hello pa. Bakit?"

"Pwede ka ng umuwi." sabi nito at napatingin ako sa oras na nasa cellphone ko.

"Pero 7pm pa lang ah." sagot ko.

"Okay na kami ng mama mo. Nasaan ba kayo?"

"Sa enchanted kingdom lang po."

"Okay." sabi nya at agad na pinatay ang tawag.

"Ano kayang nangyari?" tanong ko. Pero pag lingon ko. Wala na si Panget sa tabi ko. "Nasaan na yun? Hindi man lang nagsabi kung saan pupunta?" tanong ko ulit sa sarili ko.

Umupo ako sa bench na naroon at duon sinubukan ko ulit tawagan si panget pero hindi nya sinasagot.

"Ano ba yan? Nasaan na ba yun?" hindi ako umalis sa inuupuan ko dahil baka hinahanap din nya ako. "Nagugutom na ako." sabi ko pa at sumimangot habang nakahawak sa tyan ko.

"Nandyan ka pala." sabi ni Panget na biglang nasa harapan ko na. May dalang stufftoys at makakain.

"Para sakin?" nakangiting sabi ko. "Yung pagkain?" dagdag ko pa.

"Hindi ah. Para sakin lang ito." sabi nya at umupo sa tabi ko. Hindi ko napigilan sumimangot. "Oh! Sayo talaga yan. Binibiro lang kita." sabi nya sabay abot ng pagkain.

"Wag na baka sumakit tyan ko dahil masama yata ang loob mo." inarte ko.

"Para kang tanga. Binili ko talaga yan sayo. Kasi alam kong nagugutom ka na." sabi pa nya at muling inabot ang pagkaing binili nya. "Wag ka ngang sumimangot. Lalo kang pumapangit." sabi pa nya.

"Tss! Anong tingin mo sa sarili mo? Gwapong gwapo? At kung laiitin mo ko wagas."

"Hindi ah. Sinasabi ko lang yung totoo. Mas maganda ka, pag nakangiti." sabi pa nya at kinilig na naman ako, kaya di ko naiwasan hindi ngumiti. "Naniwala ka naman." sabi nya at tumawa kaya hinampas ko sya.

"Letche ka!" inis kong sabi sa kanya. Trip talaga nya ako asarin.

Pasalamat ka! Mahal kita.

"Hahahaha... Joke lang. Oh ito. Sayo na itong stuff toys. Nakuha ko yang prize kanina, sa skill games."

"Talaga. Salamat." sabi ko pa na nakangiti. First time ko makatanggap ng teddy bear na galing sa crush ko.

"May voice recorder yan. Pero dun mo na lang pakinggan sa bahay nyo pag-uwi natin para mas marinig mo."

"Okay. Sige."

Pagtapos kong kumain ay niyaya ko na syang umuwi. Feeling ko kasi hindi naging successful yung plano namin ni papa. Kaya ganon na lang ang tono ni papa nung makausap ko sya.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now