C ♡ 20

131 10 0
                                    

Adonis Pov

Bitbit ko ang camera ko at agad na nagpunta sa shop.

"Akala ko di mo na pupuntahan itong shop mo." sabi sakin ni Jovert ng makita nya akong nakapasok na sa loob ng shop. Nakaupo lang sya at nakaharap sa computer.

"Sino naman nagsabi?"

"Busy ka sa puso mo eh. Masyado kang pumapag-ibig." seryosong sabi nya. Ilang araw na rin kasi akong wala para magbantay ng shop.

"Pahiram nga muna ng computer mo at may i-pi-print lang ako." sabi ko at tumayo sya sa kinauupuan nya.

"Pang-ilang picture na ni Clara yan?" tanong nya ng makita nya ang laman ng memory card ng camera ko.

"Ewan ko di ko alam."

"Patay na patay ka jan no." panunukso nya.

"Well.. Sakto lang." sagot ko at itinaas ko pa ang balikat ko.

"Wag mong sasabihin na gagawan mo ng photo book yan?"

"Parang ganon na nga."

"Hahaha... Ang lakas ng tama mo pre. Alam mo ba may kwento ako tungkol kay Clara."

"Ano naman yun?" tanong ko. Pag tungkol kay Clara, interisado ako.

"Dati nagka crush yun. Ultimate crush nga ang tawag nya dun eh."

"Tapos?"

"Hindi sya gusto." sabi nya at tumawa.

"Seryosong kwento mo na ba yan?" tanong ko, dahil hindi ako kontento sa kwento nya.

"Hindi. Joke lang.. Heto seryoso na." sabi nya at huminga pa ng malamin. "Kasi ganito yan. Nung highschool pa lang kami, nagkacrush sya sa pogi naming classmate." at nag umpisa ma syang magkwento na seryoso ang mukha.

"Tapos?" tanong ko. Imbes na dapat tutok ako sa ginagawa ko, mas tutok ako sa kwento nya.

"Nag confess sya sa lalaki. Nagbigay sya ng love letter. Uso pa mga ganon."

"Oh tapos anong nangyari?"

"Ayun. Nabasted."

"Nabasted?"

"Nabasted. Ibig sabihin, hindi tinanggap yung confession nya."

"Papaano?" muling tanong ko.

"Hindi sya gusyo ganon. Tanga nga ng lalaking yun eh. Feeling gwapo kasi nung highschool kami. Maganda kaya si Clara."

"Sino maganda? Si Clara o si Hazel?" seryosong tanong ko.

"Syempre si Hazel. Girlfriend ko yun eh. Pero seryoso. Maganda si Belle. Ang totoo nyan. Madami talaga humahanga jan. Wala lang naglalakas ng loob na magtapat sa kanya."

"Pero bakit?"

"Paano. Takot kay Don Hendrick. Yung papa nya."

"Mabait naman si Tito ha."

"Oo, mabait nga pero mga pinanghihinaan ng loob yung mga nagbabalak na ligawan sya. Kasi anak mayaman sya. Anak ng isang Don. Ibig sabihin isa syang senyorita pero nakatira sa compound."

"Tsismoso ka rin no."

"Pero, kakakilala nyo pa lang kahapon ah."

"Oo at nag jogging pa kami kanina."

"Wow! Mukhang una mo na talagang nililigawan ang magulang nya bago si Clara, na hindi nya nalalaman."

"Ang totoo eh. Nagpaalam na ako sa papa nya na liligawan ko si Clara."

"Wow!!! Talaga pre? Anong sabi?"

"Pumayag naman.'

"King ina pre! Ibang klase ka talaga. So kaylan mo uumpisahan manligaw?"

"Sa valentines day. Pero sana yung mga oras na yun. Napakinggan na nya ang voice record na ginawa ko."

"Pero kung napakinggan na nya yun, aagad agad mag co-confess na rin sayo yun. Kasi syempre. Ikaw lang yata may lakas ng loob."

"Eh yung nagbasted sa kanya. Nakikita nyo pa?" tanong ko.

"Ay sus syempre!" sabi nya at napahampas pa sa counter. "Araw-araw pre. Ngayon ng makikita mo sya."

"Talaga. Nasaan? Nang malaman ko kung gaano ka gwapo ang ultimate crush nya nuon." tanong ko pa.

"Naku pre! Hindi na gwapo ang lalaking yun. Sabi ko naman sayo mayabang yung lalaking yun." sabi nya at biglang natawa. "Matatawa ka kapag nakita mo."

"Bakit ano na ba itsura nun ngayon?" takang tanong ko.

"Mukhang ang dami ng karanasan sa buhay. Alam ko nakita mo na yun nuon."

"Kaylan?"

"Madalas kapag nagpupunta ka dito." sabi nya at hindi ko sya maintindihan.

"Hindi kita maintindihan pre."

"Yung lalaking nagtitinda ng fishball sa kanto yung pinagbilhan natin nung nagfoodtrip tayo."

"Oh anong meron dun?"

"Yun! Iyon ang crush ni Clara nuon."

"Ha? Yun talaga? Eh mukha ng tatay yun. Kaya pala sobrang close kayo."

"Ang alam ko may isang anak na yun. Pero nakakapagtaka kasi, kung kaylan sya nagkapamilya parang bumagsak na ang katawan. Parang natakot tuloy ako mag-asawa."

"Baka naman, nag-asawa ng maaga yun."

"Ganon ba pag nag-asawa ng maaga?"

"Ewan ko itanong mo sa kanya." sabi ko pa. "Hay naku. Naabala mo na ako sa gagawin ko." reklamo ko sa kanya.

"Sus! Naabala daw pero pag si Clara ang topic. Interisado."

"Tch! Tsismoso ka talaga pre. Mag pa member ka na dun sa mga tsismosa sa compound."

"Hahaha.... "

"Bilhan mo na lang ako ng fishball."

"Ikaw na lang pre. Nang maipag kumpara ko kayo ng Prince na yun."

"Prince ba pangalan nun?"

"Oo. Kaya nga pangalan ng business nya ang fishball ni Prince." sabi pa nya at tumawa.

"Loko ka talaga! Wala naman ganon sa foodcart nya." natatawang sabi ko pa.

"Meron pre. King yam." sabi pa nya at natawa kami.

"Baliw ka na pre." natatawang sabi ko pa. "Lumabas ka na nga. Kung ano-anong pinagsasabi mo." dagdag ko pa.

Kapag si Jovert ang kausap ko, masyadong kwela. Kaya ganon na lang din si Hazel sa kanya pag magkasama. Happy couple na nga ang bansag ko sa kanila dahil parang wala sing problemang napagdadaanan pag sila ang magkasama.

Ganon ang gusto kong relasyon. Masaya lang, kung may problema hindi apektado ang relasyon. Walang toxic at legal kahit hindi pa kasal.

♡ T ♡ B ♡ C ♡

This Guy's In Love With You Panget! #Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now