Chapter 75

1 3 0
                                    

Empire's Pov

Napaka saya ko! Guess what? Kasi pinatawad na ako ni Zuri, imagine, naging miserable ang buhay ko noong hindi niya ako pinapansin.

Sa school, parang hangin lang ako sa kanya. Kapag kinakausap ko siya, tinatalikuran niya ako.
Kapag pinapansin ko siya, dinededma niya naman ako.

Hindi ko inakala na mapapatawad pa niya ako sa kabila ng mga nagawa namin sa kanya ni Kuya. Oo kuya na ang tawag ko kay Ion dahil napatawad ko na din siya. Actually nakabawi na nga siya sa akin eh. Pero sad lang kasi nasa hospital pa siya.

Biruin mo 'yon, napatawad ko siya sa kabila ng mga ginawa niya sa akin. Napatawad ko siya sa kabila ng pagiging maangas at pagiging tarantado niya sa akin.

Pero wala eh, gano'n talaga, blood is thicker than water!

"Zuri, parang hindi ka naman masaya, graduate na kaya tayo. May problema ka ba? Sabibin mo sa akin para matulungan kita kung ano man 'yon."

"Wala, hindi lang kasi ako makapaniwala  na sa kabila ng dalawang buwan na hindi kita pinansin, heto tayo at nagsasaya, graduate na tayo kaya dapat maging masaya tayo."

"Ganoon! Pero seryoso, mapapatawad mo na din ba si Kuya Ion?"

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot.

"Oo naman, kung narito lang sana siya ngayon, patatawarin ko na siya."

"Ang bait mo talaga. Akalain mo 'yon napatawad mo kami nang gano'n gano'n lang."

Napa face palm siya.

"Nahihiya nga ako sayo eh, kasi hinisgahan kita noon. Hinusgahan kita kahit na hindi ko alam ang buong k'wento."

"Huwag ka ngang mahiya d'yan, kami ang dapat mahiya sayo. Kasi marami kaming naging atraso sayo."

"Ayos na 'yon, pero p'wede bang magtanong?"

Kumunot ang noo ko.

"Oo naman, ano 'yon?"

"Kailan ba naglayas si Ion noon sa inyo at hindi ko man lang nalaman na magkapatid pala kayo?"

"Ah, ayon lang naman pala. Noong first year high school tayo, kaya hindi ko man lang siya nagawang ipakilala bilang kapatid sayo. Pero sasabihin ko naman na sana noong nagkita tayo nang dahil sa text pero nalaman ko sayo mismo na hindi pa pala pinapakilala ni kuya sayo noon ang pamilya niya. Eh ayoko naman siyang unahan 'di ba."

"Ah, 'yon. Oo nga, minsan na din akong nagtaka noon kay Ion. Napaka misteryoso kasi niya eh, kaya 'yon. Medyo hindi pa ako okay sa kanya ngayon, pero huwag kang mag-alala kasi, dadalaw ako bukas doon. Huwag mo munang sabihin sa kanya. Secret muna natin!"

"Sige, noted."

"Hm, nasaan pala si Tita?"

"Wala kasing magbabantay kay Kuya, kaya naroon siya sa ospital."

"Ah, infairness ah, ang galang mo."

"Haha, ngayon mo lang nalaman?"

"Loko, tara na nga, pumasok na tayo. Malamig dito tsaka baka mamaya, hinihintay na tayo sa loob."

"Kailan ka pa natutong magsalita ng mga ganyan?"

"Wala, noon pa."
Then she pouted.

"Huwag kang mag pa-pout, hindi ka cute."

"Weh, talaga? Baliw! Tara na nga lang sa loob."

Hindi ko alam, pero kusa na lang na ngumiti ang mga labi ko.

Mukhang okay na nga talaga kami ni Zuri, sinasabihan niya na kasi ako ng mga endearment niyang 'Baliw' at 'Loko'.

Pero infairness na miss ko 'to!




****

Zuri's Pov

"Hi, Zuri, congrats ah."

"Hello, Zuri, thank you sa pag imbita at congrats!"

"Thank you sa pagpunta and congrats din sa inyo."

Hindi ko in-expect na makakapag celebrate ako kasama si Empire, akala ko kasi noon, magiging kagalit ko pa rin siya after nitong graduation pero buti na lang, natuto akong magpatawad.

Kainan, kantahan, kasiyahan, sayawan, picturan, enjoyan, at higit sa lahat yakapan at iyakan.

Iyan ang mga naging eksena sa buong gabi na selebrasyon ng aming pagtatapos.

Salamat sa diyos at nairaos namin ang buhay senior high school!

Napaka saya ng gabing ito lalo na't kasama ko ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko pati na din ang mga taong naging malapit sa akin at ang mga taong malapit sa akin.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now