Chapter 65

2 2 0
                                    

Zuri's Pov

Oo nga pala, kailangan ko ng mag punta sa school. Ngayon nga pala ang pag che check nila sa mga booths ng lahat ng sections sa school.

Mabuti pala at natapos na kami sa pagsasaayos no'n dahil bukas na pala ang foundation day namin.

Ewan ko ba pero parang nagmamadali ang school namin eh, ewan ko lang ah. Baka bored lang ang Dean namin kaya ganoon.

"Anak, bangon na, ma le-late ka na niyan eh."

Bakit parang araw araw nandito si Mommy sa bahay? Dati naman, nasa company sila sa ganitong oras ah, hindi ba siya pumapasok nang dahil sa akin?

"Yah Mommy, gising na po ako."

"Sige mag ayos ka na tapos, baba na para makapag almusal ka."

"Opo!"

Kaagad na akong nag-ayos tsaka bumaba para makakain na.

Nang nasa hagdan pa lang ako at pababa ay nakatingala silang lahat sa akin mula sa kusina.

"Good morning po sa inyong lahat!"
Naka ngiti kong bati sa kanila.

"Halika na, upo na, kakain na tayo."
Pinaupo ako ni Mommy sa tabi ni Lola.
Maging si Dad ay narito din pala.

Bakit parang ang weird naman yata.

"Mom, Dad, ba't nandito pa po kayo? Ma le-late na po kayo niyan sa office."

Nagkatinginan silang tatlo.

"Anak, nag aalala kasi kami sayo eh, ayos ka na ba? Sure ka ba na papasok ka na? Baka makita mo lang si ion doon."

Si Mommy talaga oh.

"Mom, Dad, La, ayos na po ako. Sabi ko nga po sa inyo 'di ba, na i am starting to move on."
Ngumiti ako sa kanila.

"Basta anak, kapag ginulo ka pa ulit ng Ion na 'yon, sabihin mo sa akin at mabugbog ko nga."

"Dad naman po, no need, ayos lang po ako, baka kayo pa po ang mapahamak, tsaka ayos lang po na pumasok ako kasi hindi ko po nakikita si Ion sa school, mukhang hindi po siya pumapasok."

Hinawakan ni Mommy ang kamay ko.
"Mabuti naman kung ganoon anak."

*****

"Huy, nabasa niyo ba 'yong pinost ni kuya Ion? Break na yata sila ni Ate Zuri eh."

"Oo nga, baka si Ate Zuri ang nakipag break 'no."

Wow, so pinost pala ng mokong ang nangyaring breakup? Nasa labas palang ako ng gate eh ganyan na ang naririnig ko, how much more kaya kung nasa loob na ako ng campus eh 'no.

"Huy, nakita mo na?"
Paglingon ko si Empire pala na nakasunod sa akin.

"Ang alin?"

"'Yong pinost ni Ion."

"Hindi pa, pero not interested eh!"

"Talaga?"

"Oo nga, alam mo, nagmumukha ka na ding Kalin eh 'no."

Hinarap niya sa akin ang hawak hawak niyang phone.

"Kailangan kitang hiwalayan, hindi dahil sa choice ko, pero dahil iyon sa kapakanan mo at dahil sa walang choice na mapagpipilian ko."

"See, binasa mo din eh."

Ano naman kayang ineeksena no'n eh 'no, wala na akong paki sa kanya.

"Huwag kang mag co-comment huh, kapag nag comment ka d'yan, hindi na tayo bati."

"Opo Madam."
Tsaka sumaludo pa.

"Minsan din pala may saltik ka eh 'no."

"Kanino ka natutong magsalita ng mga ganyan?"

"Wala!"

"Kay Ion ba?"

Umirap ako. Nagmumukha na tuloy akong maldita.

"Huwag mo ng banggitin ang pangalan niya ah, pasok na lang tayo."

*****

"Ate, Zuri, break na po kayo ni Kuya Ion?"
Tanong ng babaeng lumapit sa akin. Sa tingin ko freshman pa lang siya.

"Ah hindi na muna iyan masasagot ngayon ng ate Zuri mo."
Si Empire na ang sumagot para sa akin.

"Eh bakit naman po?"

"Eh kasi naman Bibi, masyadong complicated ang isyu, kaya kung p'wede irespeto naman natin ang privacy namin. Okay?"

"Ah sige po, naiintindihan ko na po, hayaan niyo po, kapag may nagtanong sa akin, iyan po ang isasagot ko sa kanila."

"Sige Bibi, mauna na kami sayo, salamat ah!"

"Wala pong problema."

Ngumiti lang kami ni Empire, bago namin siya iwan sa kinatatayuan niya.

"Hindi mo naman sinabi sa akin na may fandom pala kayo ni Ion dito sa campus."

Nang aasar ba siya? Eh bakit parang ang seryoso naman ng mukha niya kung talagang inaasar niya ako.

"Hindi din ako aware eh, pasensya na."

"Oo nga pala, naging university loveteam nga pala kayo."

Nagulat naman ako doon, paano niya nalaman ang bagay na 'yon?

"Wow, paano mo nalaman 'yon?"

"Wala! By the way tara na.!"

"Mas mabuti pa nga."

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now