Chapter 64

2 3 0
                                    

Zuri's Pov

Gabi na ng makauwi ako sa bahay, nairaos naman namin ang pag sasaayos  ng booth kaya wala na kaming proproblemahin the next day.

Mas mabuti na nga lang din 'yon, para hindi na kami magmadali sa pag prepare para sa foundation day.

Nakaupo ako ngayon sa sofa sa may sala namin. Pagod ako at gutom na din kaya naaamoy ko na ang niluluto nila Mommy, ang favorite kong chicken curry.

Nahiga ako saglit pero napa bangon ulit ako dahil sa pagtunog ng phone ko.

From Empire;
Safe ka naman na nakauwi?

Kahit kailan talaga napaka concerns sa akin ng lalaking iyon.

Re-replyan ko na sana siya kaso dumating si Lola at naupo sa tabi ko kaya napaayos ako ng upo.

"Oh apo, bakit nariyan ka pa, halika na, kain na tayo doon sa kusina, kanina ka pa namin tinatawag eh."

"Sorry po La, nag text kasi si E-empire eh."

"Oh, ayos na pala kayo, bakit ngayon ko lang yata narinig na nag text siya sayo."

"Ah opo La, nagka-ayos po kami noong time na marami siyang naitulong sa akin."

Ngumiti lang si Lola sa akin, bago siya tumayo at nagsalita.
"Tara sa kusina, kain na tayo."

Naglakad kami ni Lola papuntang kusina, pero nang makaupo na kami ay biglang nagsalita si Lola na nagpatigil sa akin sa pagkuha ng platong gagamitin ko.

"Nga pala Apo, may ibibigay pala ako sayo, kahapon pa sana pero pag uwi mo naman kasi ay halatang pagod na pagod ka, tsaka noong nagising ka naman, nagmadali kang umalis papasok sa skwelahan niyo."

"Ah ano po iyon Lola?"

Ano naman kaya iyon? Tsaka bakit parang ang seryoso naman yata niya habang sinasabi iyon?

"Sandali kukunin ko sa pastry cabinet."

Pastry cabinet? Ano kaya 'yon? Cake? Tinapay o ano?

Makaraan ang ilang minuto sa wakas ay bumalik na din si Lola sa kusina.

"Heto oh."

Kinuha ko ang paper bag na may design na kulay pink na mga rosas.

"Ano po ang mga ito?"

Pati sila Mommy at si Daddy na kanina ay naghahanda ng desert ay lumapit na din sa amin.

"Buksan mo anak para malaman mo."

Oo nga naman kasi Zuri, buksan mo para ma knows mo kung ano ang laman.

"Araw araw, dinedeliver iyan dito, tinipon tipon ko lang para isahan na lang. Noong mga panahon na nasa Cagayan ka pa. Bale five days 'yan na dineliver dito." Paliwanag ni Lola.

Binasa ko naman ang nakasulat sa harapan ng paper bag.
"From Mr. M
Ang ganda mo palagi."

"La, sino po ba ang nag deliver nito?"

"Hindi ko kilala eh, ang sabi lang niya, pinapabigay daw sayo, kay Zuri Mae Zolany. Eh sino pa ba ang Zuri dito eh 'di ba ikaw lang?"

"Oo nga po, pero sino at ano ang purpose niya sa mga pagpapadala nito?"

Kinuha ni Mommy ang paper bag tsaka binuksan ito. Bumungad naman sa amin ang limang pack ng marshmallow.

Lima? So it means, pinadala niya ito noong limang araw ako na nasa Cagayan? Who the hell is he? Pa mysterious pa kasi eh.

"Hindi kaya galing iyan kay Ion? Pero kung siya nga ang nagpapadala ng mga iyan, bakit kailangan pa n'yang magpa mysterious?" Tanong naman ni Daddy.

"Hindi po siya iyan Dad, hindi po p'wede."

Nagulat silang tatlo nang dahil sa sinabi ko.

"Bakit hindi siya? And pansin ko lang parang hindi na dumadalaw si Ion dito? May problema ba kayo anak?"

"Mommy, Daddy, Lola, W-wala na po kami ni ion."

"Ow, anak are you okay? Kailan pa kayo naghiwalay?" Si Mommy.

"Ang sabi niya hindi ka niya sasaktan. That asshole guy? sinaktan ka niya? Nasaan ba siya ngayon at nang masapak ko ang pangit n'yang mukha."

"Please Hon, calm down, isipin mo na lang ang anak mo."

"Apo, hayaan mo na ang lalaking iyon, may makikilala ka pang ibang lalaki."

"Ayos lang naman po ako, nakipag break siya sa akin noong gabi ng camping namin sa likod ng hotel."
   
"Hayop 'yon ah."

"Dad, ayos lang po ako, I started to move on po sa kanya."

"Sige, kain na tayo Anak, hope you are okay. Hayaan mo na siya, he is not worth it."
Then Mom, kissed my forehead.

Nagsimula na kaming kumain pero, ang gutom na nararamdaman ko kanina ay nawala at parang umurong pa. Nawala na din ang gana ko kaya nagpaalam na ako para umakyat sa k'warto ko at magpahinga.

Nang maka akyat na ako ay kaagad na ibinagsak ko ang ang aking katawan sa malambot na kama ko.

Hindi ko maintindihan kung paano maglaro ang tadhana. Inamin ko kila Mommy na wala na kami ni Ion pero bakit ganoon? Parang nasasaktan na naman ako. Tapos dumagdag pa ang Mr. M na iyon, pa myterious pa kasi eh, sino ba kasi siya sa inaakala niya? Joker yata eh!

Mabuti pa at matutulog na lang ako!

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now