Chapter 55

1 1 0
                                    

Zuri's Pov

"Wah, paano 'to? uuwi na tayo next day!"
Maktol ni Kalin.

"Ayos lang 'yan 'no, tsaka hindi din kasi p'wede na hindi tayo a-attend sa foundation day, importante tayo doon. Lalo pa't grade 12 na tayo."

"Tama si Empire Kalin, importante tayo doon."

"Sige na nga."

Heto kami at nag aayos ng mga dadalhin namin sa camping. Sabi nila na sa likod lang daw ng hotel gaganapin ang camping namin.

Naaalala ko na naman 'yong nangyari, confused pa rin talaga ako sa mga sinabi ni Lola na nakilala ko. Baka mamaya kapag nagpunta na kami doon makita ko ulit si Lola at para maitanong ko na din sa kanya lahat ng tanong na nasa isip ko. Sana nga lang maitanong ko lahat lahat.

"Ayos na ba lahat?" Tanong ko kila Kalin at Empire.

"Yah! ayos na ang lahat, tara na ba?"

"Oo, teka doon ba tayo matutulog or dito pa din?"
Saba'y turo sa bandang k'warto.

"Doon na yata, Camping nga 'di ba?"

"Yah! napakatalino mo Mr. Empire."

"Eh kasi naman, 'di ba, Camping nga 'yon, alangan naman na dito pa. Teka, naka punta na ba kayo doon?"

"Saan?" Tanong ni Kalin.

"Oo nga saan?"

Sige Zuri, mag maang maangan ka pa d'yan.

"Sa likod nitong hotel."

"Ah, hindi pa." sagot ko tsaka nag iwas ng tingin sa kanila.

"So, first time pala natin na makapunta doon?"

Tumango lang ako sa tanong ni Empire.

"Yah, first time at exciting iyon."
Lahat naman exciting para sayo eh, Kalin.

"So let's go na?"

Pumayag kayo, dahil ayoko munang pag usapan ang tungkol sa lugar na iyon.
Maaalala ko lang kasi ang mga nakaka confused na sinabi ni Lola tungkol doon.

"Tara! Pero before that, kailangan muna natin i check kung nasaan sila Prof 'di ba."

Naglakad kami papuntang k'warto ni Prof. Ang laki naman kasi ng hotel na 'to. Ang dami tuloy step para makarating sa k'warto ni Prof. Walang kasama si Prof sa k'warto niya, kasi ayaw niya ng may kasama. Sabaga'y, marami namang pambayad si Prof eh.

"Ayon na pala sila eh." Tinuro ni Empire ang dining area. Ba't sila nandoon? Kumakain ba sila?

"You, three kayo na lang ang hinihintay namin. Lagi na lang kayong late."

"We're sorry Prof. Hindi na po mauulit." Si Empire na ang sumalo para sa aming tatlo.

"Tayo na."

"Prof walang tayo."

Natawa tuloy kaming dalawa ni Empire ng dahil sa sinabi ni Kalin.
Sabihan daw ba ng ganoon si Prof. Baliw ka talagang babae ka.

"You Miss Kalin, lagi mo na lang akong ginaganyan ah."

"Hala lagot ka, baliw ka kasi eh." Bulong ko sa kaibigan kong may topak.

"Ayos lang 'yon 'di ba prof?"
Baliw talaga!

"Yah! lagi mo na lang akong pinatapatawa."

Aba! may topak na din yata si Prof ah. Mukhang nakikisabay sa topak ni Kalin.

"O 'di ba, sabi na nga sa inyo eh. Okay lang kay Prof 'yan."

"Okay lang pero baka sa loob loob ni Prof gusto ka na n'yang upakan."

"Pabulong bulong ka pa, naririnig naman."

Grabe talaga 'tong Kalin na 'to kung barahin ako 'no. Ano ba'ng akala niya sa akin?

"Kung naririnig mo, ba't hindi naririnig nila Prof?"

Akala mo huh! Ikaw lang ba? Ikaw lang ang marunong mag bara? P'wes hindi.!

"Okay ayos na 'yan. Let's go na sa camp area."

*****

Kami na namang dalawa ni Kalin ang magkasama sa iisang tent. Si Empire naman ay mag isa dahil ayaw niya na may kasama sa loob ng tent niya.

He wanted to be alone daw!
Pero lagi naman n'yang gustong maging loner eh.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now