Chapter 27

1 2 0
                                    

Zuri's Pov

Nakatulog naman ako ng maayos at tama, masayang gumising. Pero nagtataka ako, sino kaya ang dahilan kung bakit ang saya saya kong gumising? si Empire kaya? dahil siya naman ang kausap ko kagabi bago ako natulog.

Ngayong araw nga pala, papasok kami pero walang gagawin. Dahil tapos na ang exam namin at sa tingin ko ay ngayon na nila i a-announce ang tungkol sa OJT namin. Saan kaya? kung mag o-OJT kami, makakasama ko si Empire at si Ion ay mahihiwalay sa akin dahil ibang course ang kinuha niya.

Naglalakad ako ngayon papuntang room. Wala akong kasama dahil hindi ako sinundo ni Ion. Ano pa nga ba ang bago eh simula naman noong naging busy siya, wala na siyang oras sa akin.
S'werte na lang siguro kagabi dahil nakasama ko siyang kumain sa labas.

Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman na parang may kumalabit sa likuran ko. Pagkatingin ko nakita ko si Kalin na malapad ang ngiti.

"Huy, mukhang hindi mo yata kasama si Mahal mo ngayon." sambit niya sa akin ng makasabay sa akin sa paglalakad.

"Busy." maikling sagot ko.

"Busy naman saan?" tanong niya.

"Ewan ko, busy sa buhay niya." inis na sabi ko.

"Wow, sa pagkakaalam ko, hindi siya papayag na hindi ka makita kahit isang saglit man lang." sambit ng best friend kong chismosa.

Totoo naman ang sinasabi ni Kalin, nawawalan na kami ng oras para sa isat isa, Pero kakapit pa ako dahil 'yon ang kailangan namin ni Ion sa ngayon.

"Pero busy nga." sambit ko.

"Parang nanlalamig na kayo sa isat isa. Hindi na kayo maituturing na University love team." actually may katotohanan ang sinasabi ng Best friend kong chismosa.

"Hayaan mo na, sa tingin ko busy lang kami sa mga bagay bagay na mas importante kaysa sa Love." sambit ko kay Kalin.

"Sa bagay may tama ka naman." utas na naman ng kaibigan kong walang kupas sa pagtatanong.

"Tara na nga doon." pag-aaya ko sa kanya para magtungo na sa Room.

"Teka, mauna ka na, may bibilhin pa ako eh." sabi niya kaya nagpauna na akong maglakad.

Naglalakad lang ako ng mag-isa nang may sumabay na naman sa akin.
Sasabay tapos mamaya papaunahin na naman ako. Hay mga tao nga naman ang gugulo.

"Mukhang hindi mo yata kasabay ang boyfriend mo ngayon." sabi ng pamilyar na boses.

"Oh, Empire, ang aga mo yata ngayon ah." bati ko sa kanya.

"Ah oo, hindi kasi ako nakatulog kagabi, excited na pumasok." sambit niya habang naka ngiti.

"Ganoon, ako naman, nakatulog ng maayos." sabi ko naman para makasabay ako sa topic niya.

"Congrats nga pala. Naka perfect ka sa fashion designing exam natin." utas niya habang nakangiti.

Tinignan ko muna siya bago ako magsalita. "Dahil 'yon sayo Empire. Salamat ah, marami na akong utang sayo." turan ko sa kanya na nagpakunot ng noo niya.

"Utang ba kamo?" tanong niya habang naka kunot ang noo.

"Oo." sagot ko naman.

Nagkamot muna siya ng Ulo bago humarap ulit sa akin.
"Hindi 'yon utang dahil hindi ako naniningil ng kapalit. Makita lang kitang masaya, masaya na din ako." sambit niya.

"Ba't naman, masaya ka kapag masaya ako?" bigla kong tanong sa kanya na halatang hindi niya napaghandaan dahil sa pagbuntong hininga niya.

"Kasi..We're friends. " utal niyang sabi.

Ba't may naramdaman akong kirot sa puso ko ng marinig ang salitang 'We're friends'.

"Oo nga, magkaibigan tayo." sambit ko habang nakangiti ng pilit.

"Let's go na sa room at baka ma late pa tayo." pag-aaya niya kaya sumunod ako sa paglalakad.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now