Chapter 63

1 2 0
                                    

Zuri's Pov

"Anak, kailangan mo ng gumising, baka ma late ka sa school niyo?"

Ang gandang bungad naman n'yan Mommy, ang aga pa po tsaka kaunti pa lang ang tulog ko.

Paano ba naman kasi eh, madaling araw na kami noong makarating dito sa Manila, hapon kami bumyahe pero nang dahil sa masyadong malayo ay inabot na tuloy kami ng umaga.

Isabay mo pa na pagod ako noong bumyahe kami ng dahil sa paggala na ginawa namin ni Empire and at the same time, kabado ako noon kasi inamin ko na sa kanya na wala na kami ni Ion. Kaya ayon, gulaters ang peg ng kuya niyo.

Ah oo nga pala nasa labas ng kwarto si Mommy.

"Sige Mom, babangon na po."

Gusto ko pa sanang matulog kahit five minutes lang pero ano pa nga ba ang magagawa ko eh, ginising na ang masarap na pagkakatulog ko eh.

Sayang!

Maya't maya nag beep ang phone ko.

From Empire;

Good morning! Dalian mo daw, bawal ma late, i pre-prepare pa natin ang booth. <3

Ah oo nga pala may booth pa kami na kailangan i prepare.

Mukhang kailangan ko na nga talagang mag madali.

Inayos ko muna ang higaan ko bago ako nag punta sa banyo.

Hindi ko na kailangan mag uniform kasi hindi naman na kailangan.

Pagkatapos kong maligo ay kaagad na nagbihis ng kulay pink na dress.

"Oh anak, halikana, kain na"

Humalik muna ako sa pisngi ni Lola at sa pisngi ni Mom bago ako maupo sa p'westo ko sa pagkain.

"Ah Mom, ba't wala po si Dad?"

"Ang dad mo nauna na sa office, hinintay ko talaga na magising ka. To congratulate you dahil you've made a good job. Natapos mo ang OJT, Anak!"

"Thank you Mommy, actually nga po napa-aga pa ang uwi namin nang dahil sa foundation day eh."

"Alam naman kasi natin na importante kayo doon, lalo na at seniors na kayo."

"Iyan din po ang sinabi sa akin ni Empire Mommy."

"E-empire? You mean your Ex anak?"

Nagkatinginan kami ni Lola nang dahil sa sinabing iyon ni Mommy.

"Mom, Please kain na lang po tayo."

Ngumiti lang si Mommy sa akin tsaka kami nagdasal at nag simulang kumain.

Naalala pa talaga iyon ni Mommy? Matagal na din iyon ah. Kung sabagay nga naman kasi!

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na din ako sa kanila bago umalis ng bahay.

*****

"Ang tagal mo ah, traffic ba?"

Heto na naman ang Kalin na ito, kailan ba 'to matatanggal sa eksena?

"Hindi naman, ikaw kaya ang kulang sa tulog eh 'no."

"Pare pareho lang naman tayong kulang sa tulog ah. Ano bang isyu mo riyan?"

"Loka, natulog ka kaya buong byahe kaya huwag ka 'no."

"Ahy oo nga pala 'no." Tsaka siya ngumiti.

Hindi niya ba maalala, eh halos nga gawin n'yang unan ang kamay ko tapos gano'n gano'n na lang iyon? Aba! Walang konsensya ah.!

"Tara, asan 'yong booth natin?"

"Ayon sa tabi ni Empire."

Lumapit kami kay Empire tsaka naman siya ngumiti at nag wave sa amin...ahy sa akin lang pala.

"Tagal natin ah.!"

Sumimangot ako bigla.

"Inasar na nga ako ni Kalin kanina tapos pati ba naman ikaw ngayon?"

Ngumisi siya.

"Syempre, im just kidding."

Napa pout na lag tuloy ako.

"Huwag ka ngang mag pout ang cute mo."

"Bakit ayaw mo ba akong maging cute?"

Tumalikod siya pero ang napansin ko ay parang namumula ang tenga niya. Kinilig yata ang loko.

"Ehem...mag trabaho na kaya tayo 'no. Mukhang mali yata itong pinagtayuan natin ng tent marami kasing langgam eh."

"Aba! Nagpaparinig ang loka.!"

"Tandaan kaka break niyo lang.!"

Napaiwas tuloy ako ng tingin kay Empire nang dahil sa sinabi ni Kalin, grabe talaga ang bibig ng babaeng iyon, tila walang preno. Nawa'y lahat ay madaldal.!

Nasabi ko na nga din pala sa kanya ang nangyari sa amin ni Ion kaya alam niya, sinabi ko noong time na bumabyahe kami pabalik dito sa Manila.

"Shiee, huwag kang maingay, mag trabaho na lang tayo, mas mabuti pa."

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon