Chapter 5

7 4 0
                                    

Zuri's Pov

Inaamin ko na may mali din ako noon pero naitama ko na 'yon ngayon. kahapon ay binigyan ko siya ng pagkakataon para ipagtanggol ang sarili niya. pero sinayang niya 'yon at tanging mga salita lang na hindi kapani paniwala ang mga sinabi niya. sa tagal na ng panahon imposible naman na ako pa rin.
15 years old lang ako noong naging kami, at 20 na ako ngayon, limang taon na ang nakakalipas kaya hindi kapani paniwala ang mga tinuran niya.
minsan nga iniisip ko na Fling lang 'yon dahil bata pa kami ni Empire noon, nasa first year high school lang kami. kaya inisip ko noong iniwan niya ako na hindi siya seryoso sa relasyon naming dalawa. childhood crush ko si Empire at umamin siya sa akin na ako din daw ang childhood crush niya, lagi kaming magkasama, lagi din niya akong ipinagtatanggol sa mga nambubully sa akin. kaya minsan ay nasabi niya sa akin na kaya daw niya 'yon ginagawa ay dahil nanliligaw siya ng hindi ko alam.
inamin din niya na binalak niya akong ligawan ng hindi ko alam, at nagsimula 'yon noong 5 Years old kami. noong 6 years old kami ni Empire ay nagkahiwalay kami dahil lumipat kami ng bahay, at nagkatagpo lang kami ulit noong 13 years old kami pareho.
Naging magkaklase kami noong high school kaya nagpatuloy siya sa panliligaw ng hindi ko pa rin alam. at hanggang sa naisip ko na sapat na lahat ng ginawa niya para sa akin. Nagdesisyon ako na sagutin ko siya sa mismong kaarawan niya at 'yon ang tanging binigay ko bilang regalo. hindi lang bilang regalo kung hindi dahil sa mahal ko din siya noong mga panahon na 'yon at dahil din naman sa nakikita ko na ginagawa niya lahat ng paraan mapangiti lang ako.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon