Chapter 28

2 2 0
                                    

Zuri's Pov

Nasa room na kami at nandito na din ang aming prof sa fashion designing.

Kanina nag announce siya ng mga importanteng bagay tungkol sa pag exam namin saka binati din niya kami ni Empire dahil sa perfect score ng exam namin.

And this time na excite kami dahil i a-announce na daw niya ang tungkol sa OJT namin. Ang OJT na matagal naming hinintay.

"Our OJT is taking place at Aparri, Cagayan." turan ni Ma'am na nag pangiti sa aming lahat.

"And next week na gaganapin 'yon. Byernes ngayon kaya may two days kayong vacant para makapaghanda ng mga gagamitin niyo papuntang OJT. The OJT is good for two weeks. Two weeks tayong nandoon sa Aparri, Cagayan. Kaya lahat ng kailangan ihanda na ninyo para wala ng problemahin by next week." mahabang paliwanag ni Ma'am.

"Ma'am tayo lang po bang taga fashion designing ang pupunta sa Cagayan?" tanong ni Citric.

"Yes! magkahiwalay ang lahat ng course, kaya tayo tayo lang ang pupunta sa cagayan." sambit ni Ma'am.

Mayroon sa parte ko na nalulungkot dahil hindi ko makakasama si Ion sa OJT pero may bahagi din sa akin na nagsasabing maging masaya ako dahil makaka pagrelax na din ako sa wakas.

After na magpaliwanag ni Prof tungkol sa OJT namin lumabas na siya ng Room para makapag usap usap kaming magkaka-klase.

Lumipat sa tabi ng upuan ko si Kalin kaya naman nagdaldalan muna kami habang wala pa kaming sunod na prof.

"Hoy alam mo ba? ang ganda daw doon sa Cagayan, lalong lalo na daw sa Aparri na tinatawag nila. Marami daw pasyalan." sabi ni Kalin habang na e-excite pa.

"Oo nabalitaan ko na din 'yan saka sinearch ko one time dahil gusto ko sanang mag celebrate kami ni Ion ng Third anniversary namin d'yan, kaso nga lang wala na siyang oras tungkol sa mga bagay na 'yon." buntong hininga kong sabi.

"Grabe huh. Pati sa anniversary ninyo wala na siyang oras?" tanong na naman ni Kalin.

"Oo nga saka hayaan mo na 'yon, at least makakapag enjoy tayo di ba." nakangiting sambit ko sa kanya.

"Oo saka kasama pa natin si Empire. Ang taray!" sabi ng kaibigan kong Loka saka tumingin pa kay Empire.

"Ano ka ba, nakakahiya baka mamaya mahalata niya na pinag-uusapan natin siya." awat ko sa kaibigan kong loka loka.

"Kumusta nga pala kayo?" tanong na naman niya.

"Nino?" balik kong tanong sa kanya.

Bumuntong hininga siya bago sumagot.
"Syempre si Empire. Alangan naman na si Ion ang tinutukoy ko." hay napaka chismosa talaga ng kaibigan kong 'to.

"Ayon parang bumalik na kami sa dati. Komportable kung magka usap. Hindi na nag-aaway tapos naguusap na din kami. Pero bilang magkaibigan lang ah. Walang malisya doon. Baka mamaya sabihin mo pa na bumalik kami sa dating kami." sambit ko sa kanya.

"Ahy ang taray! Bati na sila." sabi niya na ikinatawa ko dahil sa inaasta niya ngayon na parang loka loka.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon