Chapter 38

2 2 0
                                    

Empire's Pov

Natutuwa akong makita si Zuri na masaya ngayon. I feel happy dahil kasama ko siya ngayon.
Makita ko lang siya na kumakain, parang busog na din ako.

"Happy ka na? hindi ka na sad?" tanong ko sa kanya na parang bata.

"Hindi...n-na." utal niyang sabi dahil sa kumakain siya ng spaghetti, naalala ko tuloy na favorite pala talaga niya ang spaghetti at ito ang lagi naming handa sa tuwing may special occasion kaming cine-celebrate na dalawa noon.

"I just pretend na girlfriend kita, and you just pretend na boyfriend mo ako.
Mag pre-pretend ako na ako si Ion at kasama mo siya ngayon and you together are celebrating your second anniversary." sabi ko kahit na labag sa kalooban ko na sabihin ito.

"Talaga? kaya mong gawin iyon para sa akin? ganoon ba talaga ako kahalaga sa iyo?" sunod sunod na tanong sa akin ni Zuri.

"Oo, lahat kaya kong gawin. 'Di ba nga ang saya mo ay saya ko na din. Ang lungkot mo lungkot ko na din." utas ko sa kanya with a calm voice.

"Mahalaga nga talaga ako sayo ano." utas niya habang nagpupunas ng labi.

"Siyang tunay." utas ko.

"Dapat nga si Ion ang gumagawa nito, kaya salamat, Empire." utas nito at bahagyang niyakap ako ng walang pasubali.

"Walang anoman, basta para sa iyo lahat gagawin ko kahit na ikasasama ko pa ito." bulong ko sa kanya.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap at bumalik sa kinauupuan niya.

"Kumain ka lang d'yan huh, rest room lang ako. Order everything, basta pagbalik ko dapat nand'yan ka pa rin." pagpapaalam ko sa kanya.

Naglakad ako papuntang rest room at ng makarating ako ay kaagad kong sinuntok ang pader.

Galit ako sa sarili ko at kay Ion.
Biruin mo para akong baliw na mag pre-pretend as Him.
Ako lang yata ang lalaki na gumagawa nito, ang gumagawa ng kalokohan na katulad ng ginagawa ko ngayon.

Bakit kasi siya pa? ba't hindi na lang ako? bakit si Ion pa? kung sasaktan mo lang din siya Ion, please ibigay mo na lang siya sa akin, promise hinding hindi ko siya sasaktan. Lahat gagawin ko para hindi siya masaktan nino man. Kahit ikaw, kung nandito ka lang sana, babasagin ko 'yang mukha mo para matauhan ka sa pananakit mo kay Zuri.
Lagi na lang ikaw ang cause ng pagiging malungkutin niya.
Ikaw na lang lagi. Hindi ba pwedeng ako naman? hindi ba pwedeng akin naman siya? hindi ba pwedeng ibigay mo na lang siya sa akin kung hindi mo siya kayang mahalin ng sobra sobra. Akin na lang siya, promise, every second, every minute, every hour, every day, every time, mamahalin ko siya.

Pagkatapos kong umiyak ay inayos ko na ang sarili ko dahil ayokong makita ako ni Zuri na nalulungkot at umiiyak. Im a strong man, kaya nga nagagawa kong mag pretend na hindi ako nasasaktan sa lahat ng pinaggagagawa ko eh.

Lumabas na ako ng rest room at dumiretso sa kung nasaan si Zuri.

"Kanina pa kita hinihintay, ang tagal mong mag Rest room." pagmamaktol niya.

"Pasensya na mahaba ang pila, by the way, are you done na?" sa mga oras na ito kailangan kong magsinungaling.

"Yes, ano tara na?" pag-aaya niya at saka nagpasya na kaming umalis  pagkatapos naming mag bayad.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong kon sa kanya.

"Sa park naglakad lakad tayo doon, pero bago tayo pumunta doon, pwede makahingi ng favor?" tanong niya habang tumatawa.

"Oo naman, anything." utas ko naman at bahagyang natatawa na din sa hindi ko malaman kung ano ang dahilan.

"Pwede itali mo muna 'yong sintas ko? natanggal kasi eh." pakiusap niya habang nag pa-puppy eyes pa.

"Huwag ka ng mag puppy eyes, parang nang-aakit ka eh." reklamo ko sa kanya.
Saka umupo itinali ang sintas niya. Habang siya ay nakahawak sa buhok ko at nakatingin ng diretso sa baba para tignan kung paano ko itatali ang natanggal niyang sintas.

"Alam mo ang bait mo." puri niya sa akin.

"Now you know." utas ko saka kami nagtawanan at naghagikgikan na parang ngayon lang nakaranas na maging masaya. Pero seriously, ngayon lang ulit ako naging masaya at dahil iyon sa babaeng pinakamamahal ko at pinaka importante sa akin higit pa sa buhay ko.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora