Chapter 39

1 3 0
                                    

Zuri's Pov

Kapwa na kami nakaupo ngayon at pinapanood ang mga batang nagtatakbuhan dito sa may parke.
Tahimik lang kami pareho at walang nagsasalita. Parang na fe-feel ko din ang awkwardness sa aming dalawa.

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo, masaya lang." utas naman nito.

"Masaya? eh ba't ganyan ang mukha mo." puna ko sa mukha niyang nakasimangot.

"Wala lang. Masaya lang ako dahil napasaya kita. Salamat ah dahil sumama ka sa akin." utas nito na dahilan kung bakit napakamot ako sa noo ko.

"Ano ka ba. Ako ang dapat magpasalamat sayo dahil napasaya mo ako ngayon. Thank you dahil nag celebrate tayo kahit na masakit para sayo. Pasensya ka na Empire kung nasasaktan kita. Hindi ko sinasadya." utas ko kaya napatitig siya sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at binigkas ang mga salitang ito. "Sabi ko naman sayo diba na huwag mo akong intindihin, as long as your happy, masaya na din ako." utas niya na nagpangiti sa mga labi ko.

Now i know kung paano magmahal si Empire. Ang sarap niyang mag mahal sana ganito din si Ion.

Actually naranasan ko naman na kung paano magmahal si Empire at sa nakalipas na taon pa 'yon. Pero hindi ko alam na hanggang ngayon pala ay kaya pa rin niyang iparamdam sa akin iyon.

"Gusto mo ng ice cream?" tanong niya sa akin at ngumiti lang ako saka tumango bilang sagot sa tanong niya.

"Sige, bili lang muna ako." sabi nito saka naglakad paalis.

Ang swerte ng magiging asawa ni Empire dahil iba siya kung magmahal. Hindi na importante sa kanya kung masaktan siya. Ang importante ay mapasaya niya ang babaeng gusto niya.
Kung sana hindi lang niya ako iniwan noon, baka kami pa ngayon. At baka nagmamahalan kami ng husto ngayon kung hindi naudlot ang pagmamahalan namin noon.

Habang pinagmamasdan ko si Empire palayo ay biglang naisip ko na naman si Ion, malapit ng matapos ang oras pero wala pa rin siyang tawag o text man lang sa akin.
I was disappointed with him.
Napaka unprofessional niya as my boyfriend. Hindi man lang niya ako naisip. Minsan gusto ko na lang talagang makipag hiwalay sa kanya, buti na lang alam ko pa kung paano magtiis sa mga pinaggagagawa niya sa akin. Ewan ko lang kung ano na ang ginagawa non.

"Heto na." sabi ni Empire habang inaabot ng ube ice cream sa akin.

"Alam na alam mo pa rin pala ang favorite ko na flavor ng ice cream." sabi ko sa kanya saka nagpilit ng ngiti.

"Syempre, makakalimutan ko ba naman. Iyan kaya laging ka partner ng spaghetti mo ano." sabi niya habang natatawa pa.

"Oo nga pala." utas ko.

"Bakit parang malungkot ka na naman?" tanong niya, kasabay ang paghinto sa pagkain ng  ice cream.

"Wala lang ito. Naalala ko lang si Ion, ano na kaya ang ginagawa non no?" utas ko na nagpaiwas sa mga mata niyang nakatingin sa akin kanina.

"Baka ano. May ginagawa lang 'yon." kamot batok niyang sabi.

"Sana nga. Sana nga busy lang siya. Maiintindihan ko pa." utas ko habang sumusubo ng ice cream at tumatango tango pa.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now