Chapter 32

1 3 0
                                    

Zuri's Pov

Madaling araw na ng makarating kami sa Cagayan. Ang ganda pala talaga ng Cagayan, lalong lalo na itong hotel na pamamalagian namin.
Tinatawag yata itong Diane Hotel. Kung hindi ako nagkakamali.

Bumaba na kami isa isa at lahat ng nakatulog ay nagising na din.

"Ang lamig no." turan ko kila Empire at Kalin ng makababa na kami mula sa bus.

"Heto ikaw na lang gumamit nitong jacket ko." alok ni Empire pero nahihiya akong tanggapin ito.

"Ano ka ba, ayos lang. May jacket ako sa maleta mamaya ko na lang kukunin." utas ko sa kanya.

"No! it's okay, saka hindi naman ako nilalamig kaya sayo na 'to." inabot niya sa akin ang jacket.
Ayoko sanang tanggapin 'yon pero ipinilit niya sa akin iyon hangga't sa tanggapin ko ito.

"Salamat, you're my savior talaga." utas ko sa kanya habang nakangiti.

Naglakad na kami palayo sa bus at tuluyan ng pumasok sa hotel.
Namangha talaga ako dahil maganda pala talaga ang Cagayan. Hindi lang maganda, magandang maganda.

Pagpasok mo sa loob ay talaga namang kahanga hanga, dahil sa linis ng loob nito at matiwasay din. Nasisiguro ko na makakatulog ako ng maayos dito.

Magkasabay sabay kami nila Empire sa paglakad. Pati na din si Kalin.

Sinabi na din ni Prof kung saan ang mga kanya kanya naming mga kwarto.
Iisa ang kwarto namin ni Kalin. Samantalang kay Empire ay mag-isa yata siya. Kawawa naman, walang kasama sa kwarto. Pinaalalahanan din kasi kami ni Prof na hindi daw magsasama ang babae at lalaki sa iisang kwarto kaya sinusunod lang namin ang utos ng nakakatataas at nakatatanda.

"Empire, isasauli ko na lang 'to kapag nalabhan ko na." sabi ko kay Empire habang tinuturo ang jacket.

"Hindi, sayo na 'yan, may isa pa akong ganyan kaya sayo na lang 'yan." utas nito habang nakangiti.

"Salamat." utas ko naman saka pumasok na siya sa kwarto niya.

Hindi man iisa ang kwarto naming tatlo, at least malapit lang at magkapatapat pa. Kaya makakapagchismisan kaming tatlo kapag inatake kami ng Boredoms.

"Uy, tig-isa ng jacket." panunukso sa akin ni Kalin ng makapasok na kami sa loob ng kwarto.

"Baliw, binigay niya lang 'yon dahil nilalamig ako kanina." suway ko sa loka loka kong kaibigan.

"Ikaw ang baliw. Malamang ibibigay niya sayo 'yan dahil couple nga ang jacket na 'yan. Anong silbi kung hindi ibibigay sayo. Di ba?" pangungulit nito at ipinagpipilitan na couple daw ang jacket namin ni Empire.

"Hay, hindi kami couple kaya walang malisya." pangungumbinsi ko sa kanya pero hindi pa rin siya natitinag ng paniniwala niya.
May pagkabaliw din talaga ang Kalin na 'to.

"Hay, nako, itinatanggi pa." hay ang kulit naman talaga, hindi ko alam kung bingi ba ang kaibigan kong 'to o sadyang baliw lang talaga.

"Hay nako, magpahinga ka na lang d'yan." sabi ko sa kanya saka binato siya ng unan sa mukha.

"Nako, sapul naman sa mukha ko." pagmamaktol niya.

"Bagay sayo." utas ko saka kami nagpaluan ng unan at nagtawanan ng malakas.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon