Chapter 37

1 2 0
                                    

Zuri's Pov

Naghahanda na ako para sa paglabas namin ni Empire. Gabi na at lahat ng kasama namin ay nagpapahinga na, maging si Prof ay natitiyak ko na nakatulog na din.

Pero ayon kay Empire ay pumayag naman daw si Prof sa pagpapaalam namin na lumabas at i celebrate ang second anniversary namin ni Ion.

Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ito ni Empire, at ang isa pa na hindi ko ma gets ay kung bakit siya ang gumagawa ng role na si Ion dapat ang gumagawa. Hindi talaga nagkulang si Empire sa akin. Natitiyak kong nasasaktan siya sa gagawin namin pero handa niya yatang tiisin ang lahat basta para sa akin. Ganoon ako kahalaga sa kanya.

Lumabas na ako ng kwarto namin ni Kalin, mabuti na lang at tulog na siya kaya walang mag uusisa sa amin kung saan kami pupunta.

Dumiretso na ako sa may labasan at nakita si Empire na nakatayo at nakasandal sa may pader sa labasan.

"Empire, aalis na tayo?" tanong ko na kumuha sa atensyon niya.

"Ikaw, kung ready ka na, aalis na tayo." sabi naman niya habang nakatanaw sa akin.

"Tara, maglalakad lang ba tayo?" tanong ko ng makalapit na ako sa kanya.

"Oo, sabi kasi nila mas maganda daw na maglakad lakad lalo na at gabi pa. Mas maganda ang tanawin." sabi nito habang nakatingin sa magandang kalangitan.

"Oo nga, ka'y ganda ng langit ngayong gabi." utas ko naman kaya napa tingin siya sa akin.

"Mahal mo talaga si Ion no?" tanong sa akin ni Empire ng mapatigil kami sa paglalakad.

"Oo, pero mukhang hindi pa siya ready na mahalin ako. Bakit mo nga pala naitanong?" sagot at tanong ko sa kanya.

"Wala lang, kasi parang hindi ko nararamdaman na mahal ka niya. Pero baka nga mahal ka niya and more than that, baka may ginagawa lang siya kaya hindi ka niya magawang i text o tawagan." sabi nito. Minsan talaga napapahanga ako ni Empire. Sa kabila ng mga pang iinsulto na ginagawa sa kanya ni Ion eh, heto pa rin siya, pinagtatanggol pa rin niya si Ion.

"Pinagtatanggol mo pa siya no, ang bait mo." ngumiti lang siya bago tumingin sa dinadaanan namin.

"Nga pala, naalala ko, kilala ba ni Ion ang Mommy mo? nakita ko kasi sila noong mga nakaraan na naguusap at parang nagatatalo pa." tanong ko sa kanya nang maalala ko na itanong kung may koneksyon ba si Ion sa kanila.

Natahimik lang siya at hindi kumibo. Kaya nagsalita ako ulit sa pangalawang pagkakataon.

"Kay Ion ko sana tatanungin pero baka magalit pa 'yon, mahirap na." utas ko pero nananatiling tahimik ang katabi ko.

Kinalabit ko siya sa braso na kaagad naman niyang naramdaman at tumingin sa akin.

"Ah, wala, hindi sila magkakilala, siguro for business lang or something." sagot niya kaya nalinawan naman ako.

"Sige, ganoon pala, tara, kain na tayo gutom na ako eh." pag-aaya ko sa kanya dahil may nakita akong kainan na bukas pa sa ganitong oras.

"Sa jollibee mo gustong kumain?" tanong niya sa akin.

Ngumiti muna ako bago nagsalita.
"Oo, masarap kasi ang mga pagkain nila d'yan kaya tara na kain na tayo doon." hinatak ko siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng jollibee.

"Ang cute mo ah, sa jollibee talaga gustong kumain. Pero tara." utas niya na nagpalawak ng ngiti ko.

Pagkapasok sa loob ay tumingin tingin na kami kung saan may bakanteng table. Sa wakas ay may nakita kami malapit sa may bintana.

"Tara upo na!" sabi niya saka hinatak ang upuan at pinaupo ako. Umupo na din siya pagkatapos.

"Nasaan ang menu?" tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilan na hindi ma excite dahil sa gusto ko ng kumain ng spaghetti.

"Wait, hihingi tayo sa Waiter." sabi niya habang nakangiti ng malapad.

Ngumiti lang naman ako bilang sagot at saka tinawag niya ang waiter kaya bahagya itong lumapit sa amin at binigyan kami ng menu.
Nag order ako ng lahat ng klase ng pagkain nila dito, pero kakainin naming dalawa iyon ni Empire, syempre hindi naman ako ganoon katakaw. slight lang!

Nang makarating na ang mga order namin sa table ay nagningning ang mga mata ko ng makita ang spaghetti na punong puno ng hotdogs at cheese.

"Tara kain." pag-aaya ko kay Empire at napangiti naman siya.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now