Chapter 66

1 1 0
                                    

Zuri's Pov

I have done enough from this day!
Pagod ang aking katawan, pagod ang aking isip, at higit sa lahat, pagod ang aking tenga sa pakikinig ng mga isyu tungkol sa pinost ni Ion.

He had no choices?, ayon ba 'yon, kaya nakipag hiwalay siya sa akin? Ganoon ba 'yon? Bakit?
I have no idea, kung para saan ang lahat ng 'yon. Hindi ko alam kung ano ang mga rason niya at sinasabi niya na kailangan niyang gawin iyon para sa kapakanan ko. Hindi ko maintindihan eh.

I deserve an explanation, Indeed!

I didn't have any reason to get mad at him, pero ano kasi eh. If nagpaliwanag lang sana siya ng maayos tsaka kapag nakipag hiwalay siya sa akin sa personal, matatanggap ko pa. Pero sa phone lang eh, parang hindi lang kasi, kapani paniwala na sa isang iglap, mawawala na ang pinagsamahan naming dalawa.

"Huy, parang ang lalim lalim ng iniisip mo, may problema ka ba?"

"Wala, nagdala ka ba ng damit mo?"

Nag decide kasi si Kalin na mag over night sa bahay, para daw sabay kaming pumasok bukas. Eh goods na din  'yon para hindi ako ma late, foundation day pa naman!

"Ayon lang naman pala ang tatanungin mo eh, pinakaba mo pa ako, manga bente."

"Nagpaalam ka? Baka hanapin ka ni Tita ah."

"Oo naman 'no, pero parang ang seryoso mo ngayon. Affected ka pa rin ba doon sa pinost ni Ion?"

"Not affected, pero curious, oo!"

Bumuntong hininga ako.

"Oo nga 'no, ano kayang rason niya at ginawa daw niya 'yon para sa kapakanan mo. Ano 'yon, mamatay na siya, kaya siya nakipag break sayo. At sa pagkakataong iyon ay para hindi ka masaktan? Ganoon ba?"

Binatukan ko siya nang dahil sa mga sinabi niya.

"Hey! Kahit na galit ako kay Ion, hindi ko pa din nagawang i-wish na mamatay siya, you are so bad talaga eh 'no!"

"Tara kain muna tayo ng street foods."

"Yah, gutom na din ako eh, and not so bad na dito na tayo kakain, late na din kasi and i am sure na tulog na din silang lahat sa bahay."

"Sige tara."

****

"So, willing ka na nga talagang i let go ang relationship ninyo ni Ion?"

"Wala na akong pakialam 'no, tsaka hindi naman ako marupok para habul habulin siya, he is not worth it kaya."

"Tama, pero ready ka na bang maging single ulit?"

"Yah, im sure naman na naka move on na 'yon. Tignan mo nga oh, hindi na siya nagpapakita sa akin. Even sa school 'di ba."

"Tama!"

Panay ang kain namin ni Kalin pero natigil iyon ng mag ring ang phone ko.

"Kalin, wait lang ah! May tumatawag kasi eh."

"Ba't kailangan mo pang lumayo. Si papa Empire 'yan 'no?" Sabay taas baba ng kilay pa ang babae.

Kailan ba niya talaga titigilan ang pagtawag ng papa kay Empire. Lumayo na lang ako sa kanya dahil si Mommy ang tumatawag. Im sure na urgent ang pagtawag niya.

"Hello Mom? Is there a problem?"

Naririnig ko ang pagsinghot ni Mom sa kabilang linya.

"Bakit po kayo umiiyak? May nangyari po ba?"

"Anak, come here sa hospital, isinugod namin ang lola mo. Bigla na lang siyang nahimatay kanina eh. Nag-alala kami ng Daddy mo kaya, dinala na namin siya dito."

Biglang tumulo ang mga luha ko, hindi p'wedeng mawala sa amin si Lola, i love her! Mas mahal ko pa siya kaysa sa buhay ko.

"Saang hospital po Mommy?"

Maging ako ay napapa singhot na din.

Pinatay ko ang tawag tsaka lumapit kay Kalin.

"Oh! Ba't ka umiiyak? May problema ba?"

"Tara sa hospital, dinala si Lola doon, bigla na lang daw siyang hinimatay. Nag aalala na ako Kalim, kailangan natin mag madali."

Hinatak ko si Kalin papuntang hospital.

Mabuti na lang at malapit lang sa school namin ang hospital na iyon kaya p'wedeng p'wede mo lang takbuhin.

Nang makarating kami ay kaagad na tinanong ko ang room ni Lola.

Habang si Kalin naman ay nakasunod lang sa akin.

Nang malaman ko na ay kaagad na naglakad kami ni Kalin patungo doon sa room number na binigay sa amin no'ng babae.

Lakad at takbo ang ginawa namin kaya nakarating na kami sa harapan ng pinto ng k'warto. Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng hospital malapit sa k'warto ni Lola. At nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking naka wheel chair.

Teka, parang si Ion 'yon ah, pero bakit siya nandito sa hospital at naka wheel chair pa.

Nang tignan kong muli ang kinaroroonan niya kanina ay nawala na ang kamukha ni Ion, kaya naisip ko na baka nag iimagine lang ako at kaya ko lang siya nakikita ay dahil sa iniisip ko ang nangyaring break up sa amin.

Kinalimutan ko na lang ang nakita ko kanina at tsaka dumiretso na sa loob ng k'warto ni Lola.

"Mommy, kumusta po si Lola."

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon