Chapter 42

1 2 0
                                    

Empire's Pov

"Hello? what the hell, ba't ka tumawag sa akin? akala ko ba wala kang kailangan sa akin? so what is this now? ba't mo ako binubulabog?" tanong ko sa kausap ko sa phone nagulat lang ako kung bakit siya tumawag sa akin. Akala ko ba wala siyang pake sa akin? so ano ang eksena niya ngayon? nagpapatulong? o nanggugulo?

"Im sick, please ingatan mo siya, and hindi ko alam kung kaya ko bang humarap sa kanya kapag nakita niya ang kalagayan ko." utas nito na parang umiiyak pa.

"I will, pero sana magpagaling ka. Kahit walang hiya ka sa akin, magiging mabuti pa rin ako sayo, for the sake of our connection." utas ko sa kanya saka pinatay ang phone.

Naalala ko na naman si Zuri, hindi niya maitago ang saya noong nag celebrate kami ng second anniversary nila ni Ion. Kahit masakit kinaya ko and hinayaan niya ako na pasayahin ko siya.
Gagawin ko iyon sa kanya palagi kapag naging akin na ulit siya.

Naalala ko din ang sinabi ng mga bata sa amin kanina ang language na Ay-ayatan taka, hindi ako naniniwala na salamat ang ibig sabihin non. Kaya kinuha ko ang laptop ko at sinearch sa google ang language na iyon.

Darn, nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano ang totoong ibig sabihin non.

"Mahal kita ang ibig sabihin ng Ay-ayatan taka?" natanong ko sa sarili ko habang nakangisi at inaalala ang nangyari kanina, kung paano sabihin sa akin ni Zuri ang word na Ay-ayatan taka.
Natatawa ako na nangingiti na parang kinikilig, hindi ko alam kung ano ang mismong mararamdaman ko dahil ang nangingibabaw ngayon sa akin ay kilig at saya.

Napatigil ako sa pagngisi, Sasabihin ko kaya ang tamang ibig sabihin ng Ay-ayatan taka kay Zuri? o magpapanggap ako na tila hindi ko alam ang totoong ibig sabihin non.

May pagka kulit din pala ang mga batang iyon no. Pero big thanks sa kanila dahil napasaya nila ako at si Zuri na life ko.

Magiging masaya ang tulog ko now.
Darn im so happy, and im so contented dahil whole night kasama ko ang life ko.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now