Chapter 15

3 3 0
                                    

Zuri's Pov

Hinatid ako kanina ni Ion dito sa bahay, pagod na pagod ako pero kailangan kong mag prepare ng dinner namin tonight. para man lang makapagpasalamat ako kila Mom and Dad kahit sa paanong paraan man lang.

"May problema ka ba apo?" si lola lagi ang nakakapansin kapag may problema ako.

"Wala po La, pagod lang po ako sa school works, saka sa pag rereview din po, malapit na kasing exam," hindi ko muna sasabihin kay Lola na may problema ako, this is private and isesecure ko muna for the sake of peace in my mind, ayoko kasi na malaman ni Lola na may problema ako at ang lagay pa ay tungkol sa lalake.

"Eh kung pagod ka bakit ikaw pa ang kumikilos? ako na d'yan maghintay ka na na lang sa Mommy at Daddy mo." si Lola talaga, ayaw maagawan ng trabaho.

"Eh, La, anong oras daw po ba sila darating?" pagtatanong ko kay Lola para makaiwas ng konti sa mga tanungan niya.

"Mamaya pa daw, sakto makakaluto na tayo mamaya kapag dumating na sila." si Lola habang hinahalo ang nilulutong adobo.

"Sige La, andito lang po ako, tawagin niyo lang po ako kung kailangan niyo ng assistant." sabi ko sabay turo sa mahabang sofa.

"Zuri?" tawag ni Lola sa akin.

"La? may kailangan po kayo?"

"wala naman, eto oh, kainin mo muna 'yan habang hinihintay mo sila." nagningning ang mga mata ko ng makita ang plastik na hawak hawak ni Lola.

"Isang pouch ng marshmallows, ang sarap niyan Lola, thank you po!" saka ko siya niyakap at hinalikan sa pisngi. iba talaga ang Grandmother's Love.

"Wala yon, oh siya sige balikan ko lang 'yong niluluto ko, ubusin mo 'yan at ibibili pa kita sa susunod." ang sweet talaga ni Lola.

"Salamat ulit La!"

"Maliit na bagay," pasigaw na sabi ni Lola dahil nasa kusina na siya.

Paborito ko ang marshmallow, tinuturing ko siyang comfort food, anlambot kasi niya at ang sarap, feeling ko kapag kumakain ako ng marshmallow para akong nasa Ulap. tanda ko pa 'nong kami pa ni Empire, araw araw niya akong dinadalhan ng marshmallow, miss ko na kumain nito, pero teka ba't siya nabanggit ng bibig ko? haytss, ewan ko ba, kasi hindi na dapat.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now