Chapter 68

1 3 0
                                    

Zuri's Pov

Ang aga naming nagising ni Kalin, nag almusal din kami ng maaga para mabilis kaming makatungo sa school.

"Mukhang ang aga yata natin ah."
Sabay pa kaming lumingon ni Kalin para tignan kung sino ang nag salita.

"Oh, Empire, ikaw pala, nagulat naman kami say."

"Oo eh, ba't sabay yata kayo ngayon?"

"Ah kasi nag sleep over siya sa bahay, tsaka, wala kasi akong kasama sa bahay nasa hospital sila."

"Sinong may sakit?"

"Lola niya!"

"Eh ayos lang ba siya?"

"Oo, sabi nila Mommy ayos na daw siya, dapat pa nga sana lalabas na siya ngayon eh, ang kaso lang kasi ayaw pa nila Mommy, ang gusto nila magpahinga  pa daw siya ng isang araw para ma-monitor pa siya ng mga Doctor."

"Eh ano daw bang sakit niya?"

"Wala naman, nahimatay lang siya kagabi kaya napasugod kami ni Kalin sa hospital, tumaas daw ang BP."

"Ah, ganoon."

Tumango lang ako kay Empire tsaka nagsimulang maglakad patungo sa binuo naming booth.

"Nga pala, kailangan nating makakuha ng maraming costumers dito sa booth natin para tayo ang makakuha ng best selling booth this day."

Napatingin ako sa sinabi ni Kalin.
Updated talaga ang babaeng ito.

"Kailan daw ang announcements no'n?"

"Bukas daw, kaya kailangan na nating madaliin ang pagbubukas at pag prepare nito."

"Nasaan ba sila Citric? Ang tagal niya naman yata."

"Sa tingin niyo guys, papatok kaya itong milk tea booth natin?"

"Oo naman 'no tsaka saan pa kaya sila, eh libre ang isang milk tea nila basta couple silang papasok sa booth natin 'no."
Nagmamayabang na sabi ko sa kanila.

"So you mean, buy 1 take one?"
Tanong ni Empire.

"Oo! Ahy hindi ka nakikinig, siguro isyu lang nila Ion at Zuri ang naririnig mo 'no."

Napatingin si Empire kay Kalin nang dahil sa sinabi niyang iyon.

"Hoy! Tumigil ka nga diyan, mahiya ka kaya kay Empire 'no."

"Sorry, joke only lang naman eh!"
Sabay peace sign pa.

"No, okay lang! Mag ayos na lang tayo para mas maganda pa itong booth natin."

Ngumiti lang ako kay Empire para hindi niya maramdaman ang ilang.

****

Sa wakas ay dumating na din si Citric at ang iba pa namin na kaklase.

"Ang dami nating costumer, mabuti na lang at narito na ako at may katulong kayo sa pag-aasikaso nitong booth natin."

"Oo nga eh, Citric, kanina ka pa namin hinihintay, akala nga namin hindi ka papasok ngayon eh."

"P'wede ba naman 'yon. Tsaka huy, nabalitaan ko nga pala 'yong isyu niyo ni Ion, totoo ba 'yon o fake news?"

Napa buntong hininga ako nang dahil sa tanong ni Citric.

"Totoo 'yon!"

Sinabi ko na dahil wala namang dahilan para ilihim ko kay Citric ang totoo, tsaka isa pa, kaibigan ko naman siya kaya walang mali roon.

"Ahy, cheer up ah! So ngayon na single ka na, may pag-asa na ba sayo si Empire?"

"Huy! Huwag ka ngang ano diyan. Alam mo naman na magkaibigan kami ni Empire 'di ba, ayokong masira 'yon nang dahil sa pag-ibig na 'yan."

"Eh, sgutin mo na lang kasi siya."

"Sagutin? Eh hindi naman siya nanliligaw ah."

"So kung manligaw ba siya, sasagutin mo ba?"

"Huy, akala ko ba gusto mo siya? Okay ka lang ba?"

"Oo naman 'no, okay lang ako."

"Eh ba't mo nirereto sa akin si Empire, 'di ba nga nagkagusto ka sa kanya."

"Naka move on na ako, tsaka binasted ako ni Empire nang dahil sayo, ikaw ang gusto niya, mas matatanggap ko pa kung ikaw ang pipiliin niya over other girls. Kasi deserve ninyo ang isa't isa."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Citric, hashtag speechless ang ate niyo.

"Ate, isa pong milk tea."
Ahy, istorbo naman si Bibi oh.

"Sige sandali lang, gagawa lang ako, mag isa ka lang ba?"

"Opo, Ate Zuri, bawal pa po kasi akong magka boyfriend, bata pa po ako kaya i had no couple po."

"Ayos lang 'yan Bibi, sundin mo ang mga magulang mo."

"Salamat po dito Ate at salamat din po sa inyong payo."

Napatango na lamang ako at napangiti nang dahil sa batang iyon, masunurin ang batang iyon, nakakatuwa naman, sinusunod niya ang mga magulang niya.

"Iba talagang mag advice ang mga taong expert at sawi ano."
Turan ni Citric na kanina pa pala nakangiting nakatingin sa akin.

"Hay nako ka talaga Pres, ikaw na muna ang bahala dito at pupuntahan ko lang sila Empire sa labas, check ko din kung may basura doon sa mga tables sa labas."

"Sige, punasan mo ang pawis niya kung meron."

"Shh, nakakahiya baka may makarinig sayo."

Tumawa tawa pa siya habang inaayos ang mga baso ng milk tea.

Nakita ko naman si Empire na nakatayo at tila may kausap sa phone niya.

"Oh siya sige, puntahan kita bukas diyan sa hospital, pagaling ka idiot!"

Tsaka niya pinatay ang tawag.

"Kanina ka pa?"

"Ah hindi, kararating ko lang."

"Ano ba 'yon?"

"Ah wala, nandito lang ako to check kung may mga basura ba dito sa labas, alam mo na 'di ba, kailangan malinis tayo para may mga dumating pang costumers."

"Ah ganoon!"

"Oo, ah sino pala 'yong kausap mo na may sakit at nasa hospital?"

Umiwas siya ng tingin at hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

"Ah wala, kaibigan ko lang 'yon. Tara sa loob, mainit dito eh."

"Ah sige. Ang dami nating costumers 'no!

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα