Chapter 50

1 3 0
                                    

Empire's Pov

Ano kayang problema no'n? Dahil kaya sa akin? Masungit eh.

Pero baka dahil lang kay Ion. Kailan pa ba naging dahil sa akin ang problema ni Zuri. Kailan pa?
Natawa tuloy ako bigla habang iniisip na dahil sa akin kaya siya nagkakagano'n.

Nahinto ako sa pagtawa ng mag ring ang cellphone ko.

"Hello? What the hell, ano na namang naisipan mo at tumawag ka sa akin?"
Pambungad na sigaw ko sa kanya.

"Ang init naman ng ulo mo Bro."
Natatawa siya habang sinasabi iyon.

"Akala ko ba may sakit ka? Eh bakit kung makatawa ka, wagas! May sakit ka ba talaga?"

"Meron nga, napatawag lang ako dahil may gusto akong itanong sayo. Pwede?"

"You're already asking, you fucking asshole."

"How is she?"

"She's good!"

Pagkasabi ko sa salitang iyon ay pinatay  niya kaagad ang tawag.
Tumawag ba siya para doon? I think baliw na siya.

Nagulat ako at napaigtad dahil sa katok na naririnig mula sa pinto. Nasa Cr ako kaya wala akong ideya kung sino ang taong kumakatok na iyon.

"Empire, Ah, P'wede ba tayong mag usap?" Pagkabukas ko ng pinto, mukha ni Zuri ang bumungad sa akin.

"Kanina ka pa ba d'yan? tungkol pala saan?"

Ba't hindi siya makatingin sa akin? May nagawa kaya ako na naging dahilan kung bakit kinamumuhian niya ako?

"Ahm, kakarating ko lang, tungkol sa kanina nga pala."
Hindi siya maka tingin sa akin ng diretso habang sinasabi 'yon.

"Ah, tungkol pala doon. Hayaan mo na 'yon. I'll understand. Kalimutan na lang natin. P'wede?"
Ngumiti lang ako sa kanya para hindi naman masyadong maging awkward ang usapan namin.

"Sorry talaga ah. Nagtampo lang naman kasi ako sayo kasi akala ko na sa amin ka makikipag grupo pero kay Citric naman pala."

Natahimik lang ako sa sinabi niya.

Wow, ang tapang niya sa part na sinabi at inamin niya sa akin na nagseselos siya. Haha, ang feeling ko ba masyado?

"You mean, nagseselos ka?"

"Uy, hindi ah, tsaka free ka naman eh, p'wede mong jowain si Citric."

Ouch lang huh. Hindi siya 'yong gusto ko. Ikaw, ikaw, ikaw lang Zuri.

"Talaga?" May patanong tanong pa akong nalalaman pero deep inside masakit na ipinagtutulakan ka ng taong mahal mo sa ibang tao.

"I mean, kayong dalawa, free kayo."

Ouch na naman!

"Sinong nagsabi na free ako? May hinihintay ako kaya hindi p'wede na matawag akong free."

Feel kong mag biro pero parang hindi ko ma feel na biro 'yon. Ahy, ewan ko ba sayo, Empire.

"Sige, Una na ako Empire. Baka nandoon na rin kasi si Prof mag re-report pa ako."

"Sige, sunod na lang ako."

"Sorry talaga ah."

"Ayos na, let's move on."

Nginitian ko na lang siya para naman matawag na okay na kami.
Ang saya ng puso ko ngayon kasi okay na naman kami ni Zuri. Yey!


Zuri's Pov

Paano ko nagawa 'yon? Paano ko nagawa na umamin sa kanya na nagtampo ako dahil kay Citric?
Paano ko rin nagawang ipagtulakan siya kay Citric? Baka iniisip no'n na wala na akong pakialam sa nararamdaman niya.

Ang sama ko na ba?

Hayts, sana naman hindi siya mag-isip ng kung ano ano.

Napansin ko lang kanina habang naguusap kami ni Empire. Parang ang awkward masyado. Parang kung makipag usap ako sa kanya, parang hindi kami close.

Hindi naman sa nag o-overthink ako pero sino kaya 'yong kausap niya sa banyo kanina? Si Ion kaya?
Zuri, paano mo naman nasabi na si Ion 'yon? Hindi nga sila close 'di ba? Magka-away pa sila. Tapos hindi pa sila nag-uusap kaya imposible na si Ion 'yon.

Hay, maglalakad na lang ako pabalik kung nasaan sila Prof. Baka mamaya hinahanap na ako ng mga 'yon.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now