Chapter 22

2 3 0
                                    

Zuri's Pov

Buong gabi lang akong nakahiga at inaalalayan ni Mommy at Lola, nagpunta kasi sila sa hospital kahapon noong tumawag ako para malaman nila ang kalagayan ko.

Pero ngayon nasa bahay na ako at maaga akong gumising para pumasok, ayokong lumiban dahil ngayon na ang exam namin, ayoko naman na maging rason ang nangyari sa akin kahapon para hindi ko magawa ang importanteng bagay sa School.

Kumain na rin ako at nagbihis, nagpresinta si Daddy na siya na daw ang maghahatid  sa akin para masigurado niya na ligtas akong makakarating sa school, at sasabihin ko din kay Ion na huwag na niya akong ihatid at sunduin dahil bukas ay maghahanap na daw sila Dad at Mom ng sarili kong driver, mabuti na din 'yon para naman makaiwas sa panganib.

Pagkalabas ko sa gate ay nakita ko na naghihintay na pala si Daddy.
Papasok na sana ako sa loob ng kotse pero bago pa ako makahakbang ay niyakap ako ni Mommy at ni Lola, pinaalalahanan din nila ako na mag-ingat sa lahat ng oras.
Nagpaalam na ako sa kanila at pumasok sa loob ng kotse, pumwesto ako sa likod dahil gusto kong mag review para naman hindi ako makakuha ng mababang score..

Tahimik lang na nagmamaneko si Dad kaya binasag ko ang katahimikan na bumabalot sa loob ng kotse.
"Ah Dad! thank you po sa paghahatid sa akin." malambing kong sabi.

"Wala 'yon anak, basta para sa aming prinsesa." im lucky dahil nagkaroon ako ng pamilya na kasing bait at kasing sweet ng pamilya ko.

Ngumiti ako, "Wala po ba kayong pasok ngayon?"

"Mamaya pa naman 'yon anak, pagkahatid ko sayo diretso na agad ako sa opisina, pinauna ko na nga ang Mommy mo," utas ni Dad.

"Ganoon po ba!" maikling sagot ko kay Dad.

Nang dahil sa pagkwekwentuhan namin ni Dad, hindi namin napansin na nakarating na pala kami sa School.

Bumaba na ako ng kotse at nagpaalam kay Dad, pero bago ako umalis hinintay ko muna na makaalis ang sasakyan.

Nakarating ako ng gate, at chineck na din ng Guard ang school ID ko, kaya pagkatapos ay pinapasok na niya ako sa loob.

Dumeretso ako sa may room namin kaya naman agad akong sinalubong ng bestfriend ko, niyakap niya ako at umangal ako dahil napakahigpit ng yakap nito at muntik na akong hindi makahinga.

"Teka, hindi ako makahinga Kalin!" pagrereklamo ko sa kanya.

"Na miss kita best!" utas niya.

"Miss din kita!" balik kong sabi sa kanya.

"Tara pasok na tayo." pag-aaya niya sa akin kaya pumasok na kami sa loob ng room.

"Huy, pasensya na, hindi kita nasalubong kahapon," dahil kasi sa nangyari, hindi ko siya nakita kahapon buong araw.

"Ako nga dapat ang humingi ng pasensya sa 'yo dahil hindi man lang kita nadalaw sa Hospital kahapon," mahinahon niyang sabi.

"Ayos lang 'yon!" utas ko sa kanya.

"Ayos ka na ba? buti na lang dumating 'yong ex mo para iligtas ka." huh? sino naman kaya ang nagsabi sa kanya na ex ko si Empire.

"Oo, ayos lang ako pero teka, sino ang nagsabi sayo na Ex ko si empire?" mariin kong tanong sa kanya.

Kahit naman kailan hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa amin ni Empire noon, pero bakit ngayon alam niya?

"Si Ion, nang malaman niya kasi na nasa panganib ka kahapon sigaw siya ng sigaw na nanganganib daw ang buhay mo at si Empire ang may kasalanan." buntong hininga niyang sabi.

"Sinabi niya 'yon?" tanong ko na parang hindi makapaniwala.

"Oo! grabe talaga 'yang boyfriend mo eh no, kawawa naman si Empire."
kawawa naman talaga si Empire, siya na nga 'yong tumulong siya pa ang napasama.

"Paano mo nga pala nakilala si Empire?" paano kaya?

"Malamang kahapon ko lang siya nakilala, paano mo nga naman ba hindi makikilala ang taong yon, g'wapo na nga hindi pa madamot, pinakain kaya niya kaming lahat kahapon." sabi niya habang nakangiti ng malapad.

"Eh, bakit daw?" tanong ko na parang na cu-curious.

"'yon ang hindi ko alam!" Kibit balikat niyang sabi.

Bakit kaya?

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now