Chapter 45

1 3 0
                                    

Zuri's Pov

Nakasakay na naman kami ngayon sa Bus at may pupuntahan daw kami, this is our second activity and second day na rin. Pupunta daw ulit kami sa isang shop ng mga design dress and isusuot daw namin ang mga magugustuhan namin na damit tapos gagawan namin ng report kung ano ang pakiramdam ng makasuot ng design dress. 'Yon ay ayon kay Prof at iyon ang gagawin namin ngayong araw.

Hanggang ngayon ay naiisip ko pa din 'yong nangyari sa amin ni Empire. Ang word na Ay-ayaten taka is naging bih deal sa akin o sa amin kasi inakala namin na Salamat ang ibig sabihin non. Until Empire search on the internet and nakita ang tamang kahulugan. Hay, Empite talaga at Eury oh.

Habang umaandar ang bus ay sinabi ni Prof sa amin kung sino ang mga makaka grupo namin sa report. By three daw kaya kami na lang nila Kalin at Empire. Pero biglang hinila ni Citric si Empire sa tabi niya at sinabing sila daw ang magkakagrupo.

Kaya naghanap na lang ako ng iba kaysa naman makipag agawan pa kay Citric.

"Kalin! tayo na lang dalawa." utas ko kay Kalin na nagpataas ng isang kilay niya.

"Duh, straight ako no. Hindi ko kaya." utas nito at nag iinarte na parang nasusuka.

"Ano ka buntis? Loka hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Dalawa tayo sa report. Maawa ka nga sa sarili mo." sabi ko dito kaya napasimangot ng wala sa oras.

"Asus, nagagalit porket nakuha ni Citric si Empire." palaban na sagot nito sa akin.

"Eh, wala akong paki no. Kaya kong gawin ang report ko mag-isa. Ikaw kung gusto mo sa kanila doon ka na." utos ko sa kanya na nagpangiwi sa kanya.

"Wala akong plano ano!" mataray na sabi nito sabay irap pa.

"Eh, ayon naman pala, wala kang plano eh bakit itinutukso mo pa sa akin iyang Empire na 'yan." inis kong sabi sa kanya.

"Oh, siya sige na nga, tayong dalawa na...sa report." nakangising sabi nito saka tumahimik na kami parehas pagkatapos.

Maya maya pa ay tumunog ang phone na hawak ko.
Pagtingin ko dito ay nakita ang text message ni Empire na humihingi ng tawad.

Ayoko sanang replyan pero naawa ako sa kanya, kaya ginawa ko na lang ang nararapat na gawin. Sinabi ko din na manatili na lang siya kay Citric dahil nauna naman si Citric na makuha siya....para sa report!

May isa pa siyang text message pero hindi ko na tinignan kung ano iyon, wala akong planong tignan, in short!

Nang makarating na kami sa store na pagdarausan ng second activity namin ay diretso na akong bumaba. Pero natisod ako sa pintuan at hinihintay ko na lang na babagsak ako pero nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko na may sumalo sa akin.

"Salamat!" sabi ko kay Empire ng bitawan na niya ako.

"Wala 'yon, sorry ah kung ka group ko si Citric." utas nito.

"Hindi, okay lang kaya kong gawin ang report ko ng ako lang mag-isa." pagtataray ko sa kanya.

"Eh si Kalin?" tanong niya.

"Ahh...'yon? kasama ko malamang hindi ba obvious?" sabi ko with matching taas taas pa ng kilay.

"Ayos ka lang ba talaga? kung hindi ka ayos, sayo na lang ako makikipag grupo." alok nito.

"No thanks, never mind na lang." sabi ko sa kanya at nagpilit ng ngiti saka tumalikod paalis.

Grabe, kaya ko palang magtaray ng ganoon? pang kontrabida na sa teleserye ang ate niyo ah. Taray!

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora