Mataimtim na nakikinig ang dalawa sa turo sa kanila ng emperador. Habang pinapakinggan nilang dalawa ang pagpapaliwanag sa kanila ay nakukuha na nila kung ano ang dapat nilang gawin para sa paghuli sa mga nais manakit o magtatangka sa pamilyang Stodge. Gayunmana, hindi pa rin mawala sa kanila ang kaba, lalo na kay Houstin. Ilang beses man siyang nakahuli ng mga masasamang loob o mga nagtatatangka sa mga Eryndor sa pamamagitan ng mga palihim na operasyon ay ngayon lang siya hahawak ng ganito kalaking operasyon. Subalit, mas nanaig sa kaniya na tapang ang kinakailangan niya upang matagumpayan nila ang misyon na ito. Bukod pa ay malaki ang tiwala na ibinibigay sa kaniya dahil mismong si Rini ang nagturo sa kaniya simula na tumapak siya ng Palasyo. Ayaw niyang biguin ang naging guro niya lalo na't siya ang pinakaunang estudyante nito.

"Maliwanag ba sa inyo ang agos ng operasyon na ito?" seryosong tanong sa kanila ni Vencel nang matapos itong magpaliwanag sa kanila.

Seryosong tumingin sina Caldwell at Houstin. Sabay silang tumango. "Naiitindihan po namin, mahal na emperador. Wala po kayong dapat ikabahala." si Caldwell ang sumagot.

Itiniklop na ni Vencel ang mapa saka ipinasa ito kay Bisconde Stodge. "Kung ganoon ay uumpisahan na natin ngayong gabi ang operasyon." malamig nitong turan sa kanila.

Bago man sila lumabas ng Manor ay dinala naman sila sa isa sa mga silid kung nasaan ang mga damit pamalit nila. Ang kanilang damit-pandigma nila na puro itim ang tela na mismong inihandog sa kanila ni Emperador Shan, Sinabi nito na mas magiging komportable ang mga ito sa oras na suot nila ang mga ito. May halong mahika din ang mga kasuotan na 'yon. Hindi agad sila mararamdaman ng mga kalaban, nagagawa itong itago ang kanilang mana, sa gayon ay mas mapapadali para sa kanila na mahuli ang mga salarin. Malalaman nila agad kung sino ang nagtatangak sa buhay ng pamilyang Stodge.

Nang matapos na silang magbihis ay mabilis na din sila nakalabas sa mga silid. Dahil kasama na din sa kasuotan nila ang mga mga maskara, hindi sila agad makilala ng mga kalaban kung sakali. Mas iisipin ng mga ito na taga-Imperyo sila.

"Handa na ang lahat?" rinig nila ang boses ni Vencel na nasa bandang likuran nila. Tulad nila, kasuot din ito ng damit pandigman ng mga Jian.

"Nakahanda na po kami, kamahalan." si Calevi ang sumagot para sa kanila.

"Raegan, Cederic, bantayan ninyo ang emperatris at ang prinsesa sa kanilang silid. Siguraduhin ninyong hindi sila madadamay sa operasyon na ito." utos nito sa mga anak.

"Masusunod po." sabay na naglakad ang dalawang prinsipe ng Cyan patungo sa silid ng kanilang ina at kapatid.

Nang nakalayo na ang mga ito ay ibinalik ni Vencel ang tingin sa kanila. "Alam ninyo na ang gagawin."

Sabay silang nagsitango at kisap-matang nakaalis mula sa loob ng Manor. Nagkalat silang lahat sa iba't ibang parte ng Corbin. Sina Dilston at Calevi ay nasa mismong plaza. Ang magkapatid na Yu ay nagbabantay sa iba't ibang parte ng Manor, habang sina Vencel, Caldwell at Houstin naman ay nagbabantay naman sa kagubatan---sa bandang madilim na bahagi nito. Nagtatago sa halaman si Caldwell, sa likod naman ng mga puno si Vencel habang nasa itaas na sanga naman ng mga puno si Houstin. Mahigpit ang kanilang pagbabantay. Kailangan ay wala silang papalagpasin sa paghuli kahit anuman ang mangyari.

Naisip din nila na malaking tulong sana ang clairvoyance skills na mayroon si Rini sa gayon ay malaman nila ang presensya ng mga kalaban pero kailangan ang prinsesa sa Thilawiel at haharapin ang unos na kinahaharap ngayon doon, lalo na't mahahalal itong bagong emperatris. Lahat sila ay ipinapanalangin na sana ay maging ligtas ang dalawa sa kabila ng pag-atake doon ng mga demonyo.

Humugot ng isang palaso si Houstin mula sa likuran nila saka idinikit niya 'yon sa pana na kaniyang hawak. Naghahanda siya sa pangunahing pagsalakay. Mas tinaliman pa niya ang kaniyang pakiramdam. Iniisip din niya na hindi maaaring hindi dadaan ang mga kalaban kung nasaan sila ngayon dahil sa dilim ng lugar na ito.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon