Pakiramdam ni Hyrus at pinipiga ang puso niya sa mga salita na kaniyang narinig. Tahimik siyang yumuko. Wala siyang makapang salita upang sagutin ang mga sinasabi ng pinagsisilbihan niyang emperador. Mas pinili niyang pakinggan ang anumang sasabihin nito. Subalit, mas nanaig ang pagpapatawad sa kaniyang sistema. Mas pinili niyang patawarin ito dahil kung hindi rin dahil sa emperador, ay wala siya ngayon dito. Hindi rin niya masasaksihan ang kaniyang sarili kung ano ang mga natagumpayan niyang nagawa hindi lang para sa bansang Cyan, kungdi para na rin sa kaniyang sarili.

"Parang... Kapatid na din ang... Turing ko sa 'yo, Hyrus..." pagpapatuloy pa ng emperador. "Pero... Kung gusto mong... Makabalik... Isang bagay lang ang ang daan..."

Doon siya naglakas-loob na tingnna muli si Emperador Haremis.

"Kung ika'y isang diyos, Hyrus... Kung magiging diyos ka ng Cyan... Magagawa mo kung anuman ang... Gustuhin mo... Maaari kang bumalik... Sa dati mong... Buhay..."

"K-kamahalan..." hindi siya makapaniwala sa rebelasyon na itinapat nito.

"Pero... Kung mas pipiliin mong... Manatili dito... Maaari bang... Humiling sa 'yo...?"

Pumikit siya ng mariin. "Gagawin ko po ang inyong hinihiling sa abot ng aking makakayan, mahal na emperador."

"P-protektahan mo ang aking... anak... Nais kong... Ipagpatuloy ng mga... Susunod na henerasyon... Kung anuman ang... Aking nasimulan... A-alam kong... Makakaya at... Malagpasan ang lahat..." hanggang sa tuluyan na itong ipinikit ang mga mata. Ramdam din ni Hyrus ang tuluyan na siyang iniwan ng emperador. Ang nagsisilbi niyang guro at kapatid sa mundong ito. Ang tanging tao na hindi siya iniwan at inilabas siya sa ssilid ng punung-puno ng dilim.

Hindi rin nagsayang ng panahon pa si Hyrus. Ginawa niya ang lahat kung anuman ang payo sa kaniya ng dating emperador. Ginawa niyang mas lumakas pa. Mas bumaha pa ang respeto sa kaniya ng mga tao na nasa kaniyang paligid. Hindi lang ang Cyan, kungdi tatlong bansa pa. Ang Thilawiel, Oloisean at Severassi ay malaki rin ang respeto sa kaniya. Walang sinuman ang nakakatalo sa kaniya. Wala rin nagtatangkang makipaglaban sa kaniya. Habang mas dumadami ang mga taong naniniwala sa kaniya, mas nararamdaman niyang ang malaking lakas at enerhiya na kaniyang natatanggap---at doon ay nagsimula na niyang maging diyos ng Cyan. Siya ang unang naging diyos sa mundong 'yon hanggang sa nakatanggap siya ng mga disipulo kahit na sa una palang ay ayaw niya dahil ayaw na niyang kumuha pa ng isa pang responsibilidad. Ngunit hindi nagpatinag ang mga ito.

Nagkaroon din siya ng pagkakataon na bumalik nga sa mundo ng mga mortal. Pero laking gulat niya na hindi na ito ang mundo na kaniyang nasilayan noong huling araw niya bago siya dinala sa Cyan. Marami na ang ipinagbago. Mas maraming gusali nanaglipana. Mas dumami na ang tao sa paligid. Pero ang unang prayoridad niyang hanapin ay ang kaniyang pamilya. Pero bigo siya.

Ito ang unang beses na mawawasak siya. Wala na ang kaniyang pamilya. Ni isa sa kanila. Nalaman niyang namatay na pala ang mga ito dahil sa sakit at sa katandaan. Pakiramdam niya ay wala rin palang silbi na bumalik siya dito kung wala na rin pala siyang mababalikan.

Doon din niya napagtanto na walang ipinagbago sa kaniyang hitsura. Ni hindi siya natanda. Ni minsan ay hindi siya nailagay sa bingit ng kamatayan noon pa man.

Halos wala siya sa sarili nang bumalik siya sa Cyan. Ilang araw siyang walang gana sa lahat ng bagay. Wala siyang ganang kumain at gawin ang mga naiwan niyang trabaho.

"Panginoong Hyrus," tawag sa kaniya ng emperador. Si Emperador Maion Eryndor, ang unang anak ng kaniyang guro.

Nanumbalik ang kaniyang ulirat. Agad niyang tiningnan ang binatang emperador. "Kamahalan..." mahina niyang tawag. Nagbigay-pugay din siya sa kaharap. "Patawad, hindi ko po namalayan na... Nariyan pala kayo."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon