Special Chapter I

324 16 1
                                    

"So, that's what happened ..."

"Yeah, and I want to say sorry ... and ask if you still have feel---

Bago ko pa matapos ang dapat sanang sasabihin ko ay mabilis niya yon pinutol.

"Why? Why are you asking me? Everything between us was done Bry, tinapos mo na lahat and now your asking me that question?" seryosong sabi niya habang mariin na nakatingin sakin.

Alam ko naman yon, alam kung ganito ang magiging reaksyon niya pagkatapos kong masabi ang lahat sakaniya.

Ineexpect ko naman na ganito ang mangyayare pero hindi ko parin maiwasan masaktan dahil kahit papaano umasa akong tatangapin niya parin lahat nang rason na ibinigay ko.

"I'm sorry .." nakayukong sagot ko.

Pinigilan ko pa ang huwag mapiyok sa huli dahil pakiramdam ko isang kalabit nalang ako. Bibigay na ako.

"Kung sana sinabi mo nang mas maaga ang lahat, sana hindi na umabot sa puntong kailangan mo pa akong saktan at ipagtabuyan. Kailangan ko pang magmaakawa sa harapan mo sa mga sagot na gusto ko pero sa huli mas pinili mong ipagkait sakin."

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan ngayon nang sobra. Masyadong mabigat sa dibdib.

"Ikaw yong kaisa-isang babaeng nagustuhan at minahal ko Bry, na kahit umabot sa puntong kailangan kong pumili, walang pagdadalawang isip na ikaw ang pipiliin ko pero ikaw? Walang pagdadalawang isip na hindi ako yong pipiliin mo. I will still choose you kahit may masaktan ako pero ikaw you will not still choose me kahit na alam mong masasaktan ako. " emosyonal niyang sabi

Hindi ko na napigilan ang pagtulo nang luha ko nang tumingin ako sakaniya. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Ramdam na ramdam ko yong sakit sa tono nang boses niya.

Ganito ba kasakit ang naging epekto nang desisyon ko?

Nasasaktan ako at nasaktan ko siya pero hindi ako nagsisisi sa mga desisyon na ginawa ko.

That's my home. I choose my home where my family is in.

I choose them, yes but that doesn't mean that I don't care about Eros. Hindi ko pinili si Eros dahil wala siya sa pagpipilian. Wala parin naman magbabago sa totoong nararamdaman ko para sakaniya kahit piliin o hindi ko man siya piliin.

And I think that's what important.

"Hindi dahil hindi kita pinili wala na akong pakealam sayo. Pinili man kita o hindi wala naman nagbago sa kung anong totoong nararamdaman ko para sayo. I know I hurt you but I want you to know that ... despite of all the problems I have I'm still thinking about you. Palagi kang nasa isip ko sa gitna nang problemang pinagdadaanan ko. I know I never said what I'm truly feel about you .. and I only said this once Eros ..."

"I'm inlove with you ... and right now I want to know if you still have feelings for me .. " seryosong sagot ko

Gusto kong makipag-ayos sakaniya. Siya nalang ang hinihintay ko. Yong sagot nalang niya. Maayos na ang lahat sakin at sa pamilya ko.

Kung wala naman na siyang nararamdaman sakin, then ... Of course I will not leave him alone.

Ako pa ba? Ulol ka Bry

Nakatitig lang ako sa gulat na reaksyon nang mukha niya, hindi na rin ako nagulat sa reaksyon niya dahil eto palang yata ang pinaka-unang beses kong sinabi sakaniya nang harapan ang tunay na nararamdaman ko para sakaniya.

"I will court you .."

Hindi ko alam kung anong naisip ko nang sinabi ko yon sa kaniya. Parang kusang nagsalita ang bibig ko nang hindi man lang na informed ang isip ko.

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now