Chapter 26

357 26 1
                                    

Ang lakas nang loob kong mag set nang oras tapos ako pa pala 'tong isang oras nang late!

Sabado ngayon at ngayon yong unang araw na lalabas kami ni Eros. Mabuti nalang at may pinuntahan ang Mama at Papa dahil hindi ko alam kung makakalusot ba ako sa tatay ko. After our fight last night, as usual hindi kami nag-papansinan. Ayos na rin yon kaysa masira ang araw ko!

Nakahinga lang ako nang maluwag pag pasok ko sa cafe kung saan kami magme-meet ni Eros. Pagpasok ko pa lang ay agad ko nang namataan si Eros na nakaupo mag-isa sa isa sa mga table na nasa gilid, hindi ko maiwasan ngumiti at mapailing nang makitang kunot noo itong nakatingin sa harap nang cellphone niya, niinis na siguro to' dahil ang tagal ko. Haha

At dahil masyado siyang seryoso sa kung ano man ang tinitignan niya sa cellphone niya ay hindi niya na ako napansin na lumapit sakaniya, ano kayang titignan nang isang to?

Hindi ako dumeretso sa kung nasaan siya, naglakad ako sa hindi naman kalayuan sa likod niya at nang makalampas ako sakaniya ay unti-unti akong nagkalad papuntang likod niya, makikitingin lang kung anong tinitignan niya sa cellphone niya.

Saktong nasa likod niya na ako nang hindi pa rin niya nararamdaman o napapansin ang presensiya ko kaya napailing nalang ako at pagkatapos ay pasimpleng sumilip sa hawak niyang cellphone.

Kailan pa to' naging stalker? Haha

Pilit kong pinigilan ang matawa nang makitang tinitignan lang naman niya ang mga dating pictures ko sa facebook account ko! Nakakaloka talaga ang bading na to'

Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa at pagkatapos ay nagsalita.

"Really Eros? Stalker na rin pala kita?" natatawang sabi ko

Mabilis naman itong bumaling sakin at sa gulat niya ay muntik niya pang mahulog ang cellphone niya dahilan para mas matawa ako. Gulat na gulat lang?

At dahil siya si Eros Dominick ay agad itong nakarecover sa gulat at pagkatapos ay mabilis akong inirapan. Palagi nalang akong iniirapan nang isang to ah? Bastedin kita diyan e

"Bat ang tagal mo?" kunwaring asar na sagot niya pero halatang nahihiya pa rin dahil mas lalong pumula ang mukha niya

"Sorry, may tinapos pa kase ako kanina at kung hindi mo rin sana ako pinuyat edi sana maaga ako ngayon" nakangising sagot ko

Hindi naman nakatakas sakin ang reaksyon nang mukha niya na ngayon ay ngisi-ngising humarap sakin.

"Ano? Ang bastos mo"

Akala mo kung sinong mahinhin kung makapagsalita dahil sa boses niya.

"Ewan ko sayo" natatawang sagot ko at pagkatapos ay umupo na sa katabing upuan niya.

"Kumain kana ba?" nakangiting tanong niya

Bilis mag bago nang mood ah?

"Oo kanina bago ako pumunta dito, Ikaw?"

Tanong ko sabay baling sakaniya. Sumimangot lang ito at pagkatapos ay umiling kaya naman kunot noo ko siyang tinitigan at hindi ko na natiis ay agad siyang pinitik sa noo.

"Ouch! Para san yon?" nakasimagot niyang sambit

"Sana kumain kana muna bago ka dumating dito" inis kong sagot

"Excited akong makasama ka ngayon e kaya hindi na ako nakakain kanina at tsaka hindi rin ako nakatulog kagabi dahil excited nga ako para sa araw na to!"

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now