Chapter 7

391 23 0
                                    

Hindi ako nagsalita o sinubukan man lang kausapin siya simula kanina nang lumabas ako sa room namin at hanggang ngayon na sumusunod lang ako sakaniya at mabuti rin naman at hindi niya rin sinu bukan kausapin ako dahil pakiramdam ko baka maging sarcastic at mag-iinisan lang ang mangyayare sa pagitan namin lalo na at fresh na fresh pa sa utak ko yong nangyare noong lunes.

Kung hindi naman sana siya naging Oa at kung ano-anong ibinibintang sakin nang araw na yon edi sana peaceful ang mga araw ko ngayon at hindi ako parati yong topic ng ibang mga estudyante.

Hanggang ngayon talaga ay badtrip paren ako dahil sa nangyare at mas lalo pa yata akong pag-uusapan dahil ako pa talaga ang napili para sa representative na to' e wala naman akong interest sumali sa mga ganito.

Kung pwede lang magback-out at huwag nang sumali ginawa ko na pero wala akong magawa lalo na at ako pa ang President sa room namin at sigurado din ako na walang interesadong sasali sa mga kaklase ko at syempre sa huli our adviser will ask me the favor.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil dagdag stress na naman to'

Napatigil lang ako nang bigla akong mauntog at nang bumaling ako sa harap, nagulat pa ako nang makitang likod ni Eros yon kung saan ako nauntog. Hindi ko man lang napansin na tumigil pala to' sa paglalakad.

Mabuti nalang at hindi niya pinansin yon, nang napatingin ako sakaniya ay nakita kong nakatingin ito sa isang dereksiyon kaya naman agad rin akong napatingin don at nagulat ako na sa isang classroom pala kami tumigil at kitang kita sa pwesto namin na may nagsusuntukan!

My goodness! Uso pa pala to sa mga Senior High Student ha!

Medyo nagulat pa ako dahil ang akala ko ay balak niya itong pahintuhin yong nag-aaway pero hindi yon ang ginawa niya kundi tinignan lang niya yon at dire-deretso nang lumabas dito sa building namin.

That jerk! Hindi man lang tumulong!

Hindi ko alam pero naiinis na naman ako sa kayabangan niya! Anong kwenta nong pagiging SSG President niya, hindi man lang tulungan o kaya pahintuhin yong nag-aaway sa room na yon!

Napakawalang kwenta!

Hindi ko na napigilan at agad akong sumunod sakaniya at nang makalapit na ako dito ay agad ko siya padarag na hinila.

"Ano yon? Wala ka man lang bang balak pahintuin yon?" inis na tanong ko

Kunot-noo naman itong bumaling sakin

"Why would I? That's not my problem anymore .." walang gana niyang sagot

"What? You're the SSG President at malamang na trabaho ----

Hindi ko pa man natatapos ang dapat na sasabihin ko nang bigla niya akong hinila at dere-deretsong naglakad habang hila niya ako.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" agad na sagot ko at pilit na hinihila ang braso kong hawak niya

How dare him to touch me!

At parang wala itong naririnig dahil mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak niya sa braso ko to the point sa masakit na.

Hindi ko na napigilan at mabilis ko siyang nasapak dahilan para agad niya akong nabitawan.

"Anong karapatan mo para hawakan ako?!" galit na sigaw ko

Matagal siyang bumaling sakin at nang nagkasalubong ang tingin namin ay nagulat ako nang makitang may sugat ito sa labi niya!

Imposible naman na dahil yon sa suntok ko dahil halatang hindi yon klase nang sugat na fresh pa tignan.

Hindi ko alam pero napatigil ako nang matitigan ang buong mukaha niya, hindi ito yong mukha niyang nakita ko at nakasalamuha ko nang mga nakaraang araw dahil yong mukha niya ngayon ay para siyang pagod na pagod at puyat na puyat dahil kapag malapitan agad mong mapapansin ang eyebags niyang mas healthy pa yata kasya sa kaniya.

"Are you .. okay..?" sa nanginginig na boses na tanong ko

Parang biglang nawala yong hapdi at sakit sa braso ko nang makita ang itsura niya ngayon. Siguro hindi ko lang napansin kanina dahil sa badtrip parin ako sakaniya.

Hindi ito sumagot at parang wala lang sakaniya yong ginawa ko dahil wala man lang kareak-reaksyon ang mga mata niya, para itong walang kabuhay-buhay.

Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam nang hiya at nakonsensiya dahil ngayon ko lang narealize na baka nga hindi sa ayaw niyang patigilin yong nag-aaway kanina kundi baka hindi na kayanin ng katawan niya yon at kaya din siguro hindi siya sumasagot sakin o ang makipagsagutan man lang ay dahil sa kung ano man ang nararamdaman niya ngayon.

"I'm sorry . .." sunod na sabi ko at agad na sinubukan na itago ang braso kong mahigpit niya hinawakan kanina.

Nagkamali ako nang hindi niya napansin ang ginawa ko pero nagulat ako nang walang salitang-salita niyang kinuha ang braso ko.

Nagulat ako nang makitang may pasa na ako doon kaya naman agad ko rin binawi ang braso ko sa hawak niya.

"We should go para matapos na kung ano man yong sasabihin niyo tungkol sa Grade 11- Representative .." sagot ko at agad siyang tinalikuran

Hindi pa man ako nakakahakbang nang may marinig akong parang may bumagsak kaya naman mabilis akong bumaling sa likod at nakita siyang nakahiga na ngayon at walang malay!

Oh sht!

Agad akong lumapit dito at binaliwala nalang ang kabang nararamdaman ko at ang naginginig kong kamay nang sinubukan ko siyang gisingin.

"Hey, wa.. .ke .. u .. up ... " sa nanginginig na boses na sabi ko dito

"Hey! Wake Up!"

Sinubukan ko siyang yugyugin pero hindi parin ito nagigising, hindi ko alam pero pakiramdam ko bumabalik na naman yong mga alaala ko noon ...

Sobrang takot na takot yong nararamdaman ko at ramdam ko ang pag-bilis nang tibok ng puso ko.

"Eros! Wake up please.." ulit kong sabi pero wala parin ... hindi pa rin siya gumigising

Napatigil lang ako ng bigla may tumawag sa panggalan niya kaya naman agad kong naiangat ang paningin ko at nakitang si Dos yon, the Vice President.

"Dos! Please help him!" agad na sabi ko nang makalapit ito

"Anong nangyare? " tanong niya at bakas ang pag-aalala

"Hindi ko alam! Bigla nalang siyang natumba at nawalan ng malay!" sagot ko

Rinig ko ang ilang mura niya at pagkatapos ay agad niya itong binuhat, hindi ko alam ang gagawin ko dahil takot na takot parin ako!

I'm fckng nervous and scared!

"Go back to your classroom for now, ako na ang bahala sakaniya .." agad na sabi nito sakin

"Pero ... I want to know if h------

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinawakan sa pisngi at parang may pinunasan doon.

Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako. . . . It's like a scene from the past ...

"He will be fine , so don't worry .." nakangiti nitong sagot

He should .... he would be fine Bry ..

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now