Chapter 9

378 21 0
                                    

"Ma, Pa .. mag-paaalam po sana ako para bukas, may team building po kase kami at kasali lahat ng representative ng Grade 11 at hanggang Sunday po yon . .." sabi ko

"Oh, of course anak you can go, enjoy your team building anak kase isa yan sa experience na ma-eenjoy mo.." nakangiting sagot ni Mama

Ngumiti nalang ako, kung alam mo lang Ma .. pilit lang po ang pagsali ko dito.

"Sana lang at walang kalokohan ang gawin nang anak mo doon .." my father said

Eto na naman ...

"Para sa school ang gagawin nila at hindi naman ganon ang anak mo"

"Sinasabi ko lang dahil hindi natin alam kung anong pinag-gagawa nito at baka pa sumali dahi may boyfriend na pala ito "

"Wala po akong boyfriend .." sagot ko

Bumaling siya sakin at sarcastic na tumawa.

"Siguraduhin mo lang Bry ... " seryosong sagot niya at pagkatapos ay agad na tumayo at lumabas.

Napabuntong-hininga nalang ako at agad na nawalan ng ganang kumain. Napatigil lang ako nang naramdaman ko ang pag hawak ni Mama sa kamay ko.

"I'm sorry Bry, kakausapin ko ang Papa mo .. "

Agad akong umiling at pilit na ngumiti.

"It's okay Ma, I understand. Mauuna muna ako sa kwarto at maghahanda pa ako nang gagamitin ko bukas .." sabi ko

Agad akong tumayo at bago umalis ay hinalikan ko muna si Mama sa noo at deretso nang lumabas sa kusina.

Pagpasok ko palang sa kwarto ko ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama ko. Bakit ba kase pumayag pa ako?

Naalala ko tuloy ang nangyare nang araw na yon at kung paanong magbaback-out na ako ay dumating bigla si Dos sa room namin.

It's been three days at bukas na ang team building na sinasabi ni Eros at ngayon ay kakausapin ko si Miss Castro ang adviser namin na magbaback-out na ako.

"Sure kana ba talaga Bry? Full support pa naman ang buong klase sayo .." si Pixie

Napabaling ako sa mga kaklase ko ngayon na masayang nag-kakausap kahit kaniya-kaniyang grupo ang mga ito. Nasa room kami ngayon at wala ang teacher namin sa mga oras na ito kaya naman wala kaming ginagawa.

"Alam ko naman maiintindihan nila yon, kaya ayos lang " sagot ko

"Oo nga pero syempre sayang rin naman yong makukuha mong points."

"Naisip ko rin naman yan pero hindi ko kayang tagalan ang bading na yon Pixie at kahit mahaba man ang pasensiya ko may limitasyon parin naman"

Sa lahat ng mga kaklase ko ay si Pixie lang ang nakakaalam ng lahat nang nangyayare sa pagitan namin ni Eros at maliban sa mga taong kasama namin syempre kapag nagkaka-initan na kami.

"Sabagay, nagulat nga rin ako dahil hindi mo siya nasapak e" natatawang sabi niya

Gusto ko sanang sabihin na nasuntok ko na yon pero hindi ko alam kung bakit hindi ko makwento-kwento yong nangyare noon nang mahimatay si Eros. Lalo na at pakiramdam ko tatlo lang yata kami nila Dos ang may alam noon.

Hindi rin biro yong nakita kong itsura ni Eros nang oras na yon dahil may mga pasa ito sa mukha niya, huling narealize ko nalang nang matapos ang araw na yon. Para siyang may sakit na ewan.

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now