Chapter 27

355 24 0
                                    

"Nakakaiyak nong movie ano? Hay mabuti nalang talaga at sa huli nagkatuluyan sila!"

Wala namang namatay na mga bida, anong nakakaiyak don?

"Sana hindi ko yon maranasan, yong maiwan nang walang paalam!"

Kailan ba to makakaget over?

"Happy na rin talaga ako na sila talaga sa huli! The pain was worth it!"

Halata nga na masaya ka.

Nang mapansin niyang hindi ako sumasagot sakaniya ay nakasimangot na itong bumaling sakin, mabuti naman at napansin niya.

"Ano?" taas kilay na tanong ko

"Kanina pa ako nagsasalita pero hindi ka man lang sumasagot diyan!"

"Nakikinig naman ako ah?"

"Ewan ko sayo!"

Medyo nagulat pa ako nang bigla siyang nag walkout, anong nangyare don? Nainis ba? Jusko naman nagugutom na ako oh? Bakit sa oras pa na to' siya mag-iinarte?

Napatingin ako sa kung saan siya dumeretsong pumunta kanina pero hindi ko na siya nakita, bilis naman nawala nang isang yon sa paningin ko. Agad kong inilabas ang cellphone ko at agad siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot. Patuloy lang itong nagri-ring.

Napabuntong hininga nalang ako at dumeretso sa mga upuan na nasa gilid at umupo doon habang sinusubukan parin na tawagan siya. Matampuhin pala ang isang yon, bat ko ba nakalimutan?

Sa ilang beses na nakasama ko siya kahit papaano ay unti-unti ko siyang nakilala. Masyado siyang malambing at talagang maasikaso rin. Siya yong tipo na hindi niya lang pinapakita yong nararamdaman niya kase pinaparamdam din niya. Kaya nga nagustuhan mo siya hindi ba?

Nakita ko rin naman lahat nang good sides at bad sides niya kaya sa ilang linggong panliligaw niya sakin ay nagustuhan ko rin siya, hindi pilit kundi kusa ko siyang nagustuhan. Ilang beses ko rin siyang binasted, araw-araw but he will also find a way everytime to prove his self and his feeling to me. Hindi rin naman siya mahirap gustuhin.

Napabuntong hininga nalang ako at pagod na yumuko.

Nasaan na ba ang isang yon? Ganoon na ba talaga siya kainis sakin para iwan ako dito?

Napatigil ako nang bigla may pares na sapatos ang tumigil sa tapat ako at nang tumingala ako dito ay tumambad sakin ang nakangiti ngunit halatang guilty na reaksyon nang mukha ni Eros. Isa rin siguro sa nagustuhan ko sakaniya ay kahit matumpuhin siya ay mabilis yon nawawala.

"I'm sorry .. "

Agad niyang sambit nang nagkatinginan kami.

"It's okay .. At saan ka ba nanggaling? "

"Wala, diyan lang .."

"Tsk .." kunwaring inis kong sagot dahilan para sumimangot siya

"Sorry na nga e" parang batang sabi niya at pagkatapos ay agad na umupo sa tabi ko

Hindi ako sumagot at nakatingin lang sakaniya, kinuha niya ang kamay ko at hinawakan yon. Bago pa ako makapagsalita ay hinalikan niya ang palad ko habang seryoso at deretsong nakatingin sa mata ko.

Ramdam ko ang pag-bilis nang tibok nang puso ko nang makita ang ginawa niya at mas lalong binabaliw niya pa ang isip ko nang marinig ang sunod na sinabi niya.

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now