Chapter 17

375 21 0
                                    

"Everyone, please be careful at sa iba na hindi sigurado diyan you can have a chance to pass on this activity dahil hindi lang naman ito ang activity na hinanda nami para sa lahat" seryosong paalala ni Miss Perez sa ikatlong pagkakataon simula nang magsimula kami para sa activity na ito.

Hindi ko rin naman masisisi si Miss dahil hindi rin naman biro ang activity na ito, hindi ito yong gaya ng mga naunang activity na nagawa na namin kanina.

We are having a horse riding! At hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi, matutuwa kase kahit papaano ay marunong akong mangabayo at hindi ako natutuwa at the same time dahil nasa likod ko lang naman ngayon si Eros na siyang kasama ko.

Sorang awkward dahil simula kaninang umaga hanggang sa nagsimula na ang mga activities na gagawin namin ay hindi pa kami nag-uusap.

Mabuti nalang at kahit papaano nawala na yong sakit sa paa ko at medyo nawawala na rin yong pasa kaya naman nakasali ako tsaka ayoko rin na hindi man lang ako makapag-participate kahit na sinasabihan na ako ni Miss Perez na magpahinga nalang ako pero hindi ako pumayag dahil maayos naman na ang paa ko at baka mabulok pa ako sa loob ng tent namin.

" Ready na ba ang lahat? "

"Yes Miss" sabay-sabay namin sagot

"Alright, In count of three .."

" One .."

Hindi ko mapigilan makaramdam ng exitement, this is the first time again I'm riding a horse ..

"Two .."

Ngayon ko lang naramdaman na masyadong kinakaban tong' kasama ko kaya naman agad akong bumaling sakaniya.

"Hey, put your hands around my waist"

"What? Ba---

"Three! Go!"

Hindi ko na siya pinatapos nang marinig ang huling numero at mabilis kong ginalaw ang lubid na hawak ko dahilan para mabilis na tumakbo ang kabayong gamit namin.

"Ha!"

"O my gosh! Can you please slow down Brylee! " sigaw na sabi ni Eros na tinawanan ko lang

"Humawak ka kase sa bewang ko at pumikit ka kung natatakot ka " sagot ko

"Fck this! " mura niya

Arte.

Napatingin ako sa kasabay namin ngayon na taga-TVL at hindi rin halatang marunong ito, nakangisi itong bumaling sakin at mayabang na mas binilisan ang pagpapatakbo nang kabayong gamit niya dahilan para manguna ang grupo nila.

I can't lose here!

Isang ikot lang ang mangyayare sa horse riding na ito at kung sino man ang unang makakagawa non ay ang siyang mananalo.

Napabaling ako sa likod namin kung nasaan ang iba at nakitang halatang hindi marunong ang mga yon dahil halos naglalakad lang ang mga kabayong gamit nila, pumapasyal lang ah?

Hindi ko na napigilan at agad na mas ginalaw ang lubid na hawak ko para mas maging mabilis ang takbo ng kabayo.

"Haa!" sigaw na sabi ko para mas mabilis pa ang pagtakbo ng kabayo

"Ano ba! Papatayin mo ba ako sa takot at nerbyos! Bakit ba ang bilis ng takbo mo dito sa kabayo Tangina!" galit na sigaw ni Eros

Hindi ko tuloy napigilan matawa nang marinig kung gaano ka lutong ang mura niya.

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now